Alden Richards names Jennylyn Mercado and Marian Rivera as epitomes of sexiness

Alden Richards on how he defines sexiness; “Of course, para sa akin, sexiness comes from inside. Kasi kung sexy ka inside, sexy ka outside. It’s more of ano… the qualities you have. Na siguro it’s based on attitude din. And at the same time, yung physical body, yung panlabas is just a bonus. It’s more on how you carry yourself.”


Nakapagsimula nang mag-shooting si Alden Richards ng pelikulang 10,000 Hours, entry sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Tungkol ito sa buhay ni Senator Ping Lacson at gaganap na bida si Robin Padilla.

Excited na nga raw si Alden sa nasabing proyekto dahil bukod sa pagkakataon na makasama si Robin—na isa sa mga aktor na hinahangaan niya—challenging daw ang role niya rito.

Gagampanan ni Alden ang papel bilang young Ping Lacson.

Kuwento ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Paspasan nga po ang shooting namin.

“Kailangan po naming matapos ang mga eksena dito sa Philippines bago mag-August.

“Kasi po, by September, pupunta sila [Robin at ilan pa sa cast ng pelikula and the production team], pupunta sila sa Amsterdam.

“Kaya lang… hindi ako kasama do’n. Dito lang sa Pilipinas kasi ang mga scenes ko.”

Nakausap ng PEP si Alden pagkatapos ng Sunday All Stars kahapon, July 7, sa Studo 7 ng GMA Network.



SEXIEST ACTOR. Kamakailan, sa isang poll ay nag-number one si Alden sa "Sexiest Men" category. Ikinatutuwa naman daw ito ng guwapong Kapuso young actor.

Aniya, “I’m very thankful sa chance of being a part of that category.

“I hope na yung fans ko will continue to vote, kasi that’s based on Internet voting.

“Kung hindi sa fans, lalo na sa Aldenatics, hindi naman po ako mananalo.

“So, thank you. I feel honored and proud po.”

Sa tingin ba niya ay sexy siya talaga?

“Naku, hindi pa po masyado!” sabay ngiti ni Alden.

“Ano pa lang… siguro po getting there.

“Kasi, since tumatanda na rin po ako, kailangan nang mag-venture into a new image. Para maiba naman yung branding mo sa tao.

“Kasi tapos na ako do’n sa pa-sweet, e, yung pa-tweetums.

“Ngayon, more mature siguro, more daring.”

And that’s what he’s been trying to do now—ang mapaganda pa ang built ng katawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Through workout po. Tapos talagang diet.

“Kasi ngayon, meron po akong pinaghahandaan. Pero hindi ko pa po puwede sabihin kasi confidential pa po, e.

“Basta… may kinalaman ang kaseksihan. Abangan na lang po nila ‘yon within this year.”

Hindi siya puwedeng magbigay ng clue kung anong project ito?

Sabi ni Alden, “Billboard po. May gagawin po akong malaking endorsement.

“Hanggang do’n na lang muna po ang masasabi ko.”



SEXINESS. How does he define sexy or sexiness?

Sagot ni Alden, “Of course, para sa akin, sexiness comes from inside.

“Kasi kung sexy ka inside, sexy ka outside.

“It’s more of ano… the qualities you have. Na siguro it’s based on attitude din.

“And at the same time, yung physical body, yung panlabas is just a bonus.

“It’s more on how you carry yourself.”

Kanino naman niya nakikita ang ganung definition ng sexiness sa local actresses?

Tugon ni Alden, “Siguro po kay Ate Jen… Jennylyn Mercado.

“Kasi the way she talks po, kapag nagkakausap kami.

“She has it, e. She doesn’t even have to show it. Sexy na siya.

“Titingnan mo pa lang si Ms. Jennylyn, iyon na ‘yon.

“At saka, of course, ang nag-number one sa FHM sexiest, si Ate Marian Rivera.

“Isa din siya sa mga pinakaseksing tao na nakilala ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN