PEPtalk. Alden Richards wants to be his normal self off-cam—"Let’s not be showbiz all the time, it’s pathetic."

Alden’s search for ultimate happiness: “That kind of happiness I am looking for is hard to find.Hindi ko ma-explain kung ano siya. Pero I am sure, hindi ko pa siya nahahanap."

Watch Alden Richard’s interview now on PEPtalk!


Sa huling bahagi ng #ALDENonPEPtalk, pinag-usapan namin ang nasasaloob ni Alden Richards tungkol sa kanyang estado ngayon, pati ang karaniwang pagkumpara sa kanya kay John Lloyd Cruz.

Maraming hinarap na pagsubok si Alden para marating ang stardom, kaya nagtanong kami kung meron siyang pangangamba tungkol sa buhay niya ngayon.


FEARS. Inamin ni Alden na takot siyang mawala ang mayroon siya ngayon. Saad niya, “I fear na mawala itong lahat immediately.”

Takot din siyang mawalan pa ulit ng isang miyembro ng pamilya. “Siguro yung thought na I would lose someone again in my family.

“it’s really hard, especially my mom, it’s a sudden death.

"Fear of losing someone from my family and fear of losing everything that I have invested so much and siguro fear of not finding happiness."

SEARCH FOR HAPPINESS. Nabanggit nga ni Alden na takot siyang hindi mahanap ang tunay na kaligyahan.

Kuwento niya, “We experience happiness on a daily basis.

“We smile, we laugh, pero a moment lang yun, e.

“Pero for me there’s this ultimate happiness. When you think about that ultimate happiness, wala nang problema, stress-free, you’re just relaxed.

“That kind of happiness I am looking for is hard to find.


“Hindi ko ma-explain kung ano siya.

“Pero I am sure, hindi ko pa siya nahahanap. Pero I am not saying na I am not happy.

“I am happy and I am contented with what I have and I am very blessed.

“I just have to be more appreciative of what I have every day for this happiness to be sustained.”

Dagdag niya, “Life is a constant search for happiness.”


ON SHOWBIZ. Ikinuwento rin ni Alden na di gaya ng ibang artista, hangga’t maari ay iniiwasan niya ang maging sobrang showbiz, lalo na kapag off-cam.

Aniya, minsan na siyang na-turn off sa ilang kasamahan sa showbiz, “Random showbiz people I usually get turned off.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandito na nga tayo, e alam na natin ‘yan. Why do we have to ask pa who’s getting who, kung anong nakukuha ni kanino?

“Let’s just be normal people pag off-cam. Lets’s not be showbiz all the time, it’s pathetic.

“It’s not a way of life. We can use showbiz as the way of life if we use it in a good way, but not by knowing information to destroy other people, creating intrigues na hindi totoo.”

Marami na ngang nagsabi na kahawig ni Alden si John Lloyd Cruz at ikinukumpara siya dito.

Ito ang pahayag ni Alden, “I don’t want to be John Lloyd kasi I still want to have my own identity.”

Watch Alden Richard’s interview now on PEPtalk!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN