Sheena Halili on being friends with ex-boyfriend Rocco Nacino: "Casual friends, okay lang naman sa akin..."

Sheena Halili on falling in love again: “Hindi pa, darating naman yun, e. Feeling ko, hindi naman kailangang... alam mo yun, paghandaan or what. Mararamdaman mo naman yun, e, kung ready ka na, kung feeling mo tama na ba, right time, right guy, di ba?”


Wala raw pagkailang na naramdaman si Sheena Halili nang magkita at magkausap silang muli ng ex-boyfriend niyang si Rocco Nacino.

Naganap ang pagkikita nila noong July 1 sa taping ng GMA-7 gag show na Bubble Gang, kung saan pareho silang guests.

Ang pagkikita nilang iyon ang naging daan upang mapag-usapan nila ang kung anumang problemang namagitan sa kanila noon.

(Read: Sheena Halili keeps heart guarded after breakup with Rocco Nacino)

“Wala nang awkward na ano,” sabi ni Sheena nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng upcoming soap niyang Binoy Henyo sa Amoranto Stadium noong Biyernes, July 5.

Ano ang pinag-usapan nila noong nagkita sila?

“Mas maganda siguro siya na lang tanungin ninyo,” tugon ng StarStruck alumna.



MOVING ON. Ano ang naramdaman ni Sheena noong nakita niya ulit si Rocco?

“Wala, wala naman... ‘Hi lang.’ Totoo, ha. Totoo ito, ‘Hi lang,’ ganoon. Siya naman ang nag-‘Hi.’”

Wala siyang naramdaman?

“Kinakabahan, ganoon? Wala, wala naman.”

So, moving on na siya?

“Puwede bang move on na?” at natawa si Sheena.

Ibig sabihin ay past na, tapos na?

“Iyon,” kumpirma niya.

May bad feelings pa ba siya sa mga nangyari?

“Sa kanya? Wala na.

"Sobrang nakalimutan ko na nga kung ano ba yung nangyari, sa totoo lang.

“Ganoon siguro talaga pag healed ka na, yung hindi mo na alam kung...

"At saka para sa akin, para magalit or masaktan, di ba, hindi na.”

Open ba siya na maging magkaibigan sila ulit ni Rocco?

“Anong klaseng friendship? Kasi siyempre, kailangan mong i-guard pa rin yung puso mo, di ba?

“Casual friends, okay lang naman sa akin, okay lang naman sa akin.

“Alam ko naman din na siguro, mas kilala ko naman siya, alam ko naman na mabuti siyang tao, di ba?” saad ni Sheena.



SUITORS. May nanliligaw ba sa kanya ngayon?

“Ay, huwag muna, ayoko muna!” bulalas ni Sheena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman niya mapipigilan ang mga lalaki na magkagusto at manligaw sa kanya, di ba?

Sagot niya, “Oo, may mga nagkakagusto sa akin, pero sinasabi ko sa kanila na kasi ayoko noong...

“Siyempre, hindi naman ako yung ano... parang ayoko ng laro.

“Gusto ko kung magbo-boyfriend ako, sisiguraduhin ko talaga na gusto ko, ready ako, alam mo yun?”

Sinabi ba niya iyon kay Dominic Roco kaya hindi natuloy ang napapabalitang panliligaw nito sa kanya?

Nagkasama sina Sheena at Dominic sa nagtapos nang epicserye ng GMA-7, ang Indio.

Sabi ni Sheena, “Hello! Wala namang ganoong usapang naganap. Wala.

“Hindi ko na nga alam kung ano’ng nangyayari sa kanya ngayon, e, basta sa work-work lang.”

Hindi kaya may na-send siyang negative vibes kay Dominic kaya umatras ito?

“Hindi naman, nagiging totoo lang naman ako sa sa sarili ko.

“Pag gusto ka naman ang lalaki, kahit ano ka pa, ipu-pursue ka niya, di ba?"

Baka naman naramdaman ni Dominic na ayaw muna ni Sheena ng relasyon?

Sabi ng dalaga, “Ay, hindi, hindi ako ganoon, hindi ako ganoon.

"Nakikipagkaibigan naman ako sa kanya.

“Mahiyain lang talaga si Dom. Siyempre, ano naman, kung yung tao, e...

“Respetuhin ko na tahimik siyang tao, ayoko naman siyang guluhin, di ba?

“Kung gusto naman niya ng kausap, kakausapin naman ako.”

Hindi pa ba ready si Sheena na umibig muli?

Sagot niya, “Hindi pa, darating naman yun, e.

“Feeling ko, hindi naman kailangang... alam mo yun, paghandaan or what.

“Mararamdaman mo naman yun, e, kung ready ka na, kung feeling mo tama na ba, right time, right guy, di ba?”



MOTHER ROLES. Sa Binoy Henyo, si Sheena ang gaganap na ina ni Binoy, na ginagampanan naman ng baguhang child actor na si David Remo.

Ito ang unang beses na gaganap si Sheena bilang isang ina.

“Natatakot nga ako,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Miss Winnie [Hollis-Reyes, executive producer], sigurado ba kayo?’

“Siyempre, iba pa rin yung pag nanay ka talaga, iba yung mga yakap ng nanay talaga, iba yung mga halik ng nanay talaga—hindi ko pa naranasan.”

Sa edad na 26 ay dalaga pa si Sheena at wala pang anak.

Sabi pa niya, “Meron akong mga kapatid, merong mga inalagaan akong pinsan ko, pamangkin ko, mga anak ng friends ko.

"Pero iba talaga pag anak mo, di ba?”

May pinanood ba siya para gayahan ng role niya, para maging effective silang mag-ina ni Dave?

“Hindi, talagang nilalaro ko si David talaga, nakikipag-bonding ako sa kanya.

“Inaalam ko kung saan siya takot, kung ano yung makakapagpaano sa kanya para pag take na, yung ganoon.

“Or kung ano yung puwede kong gawin para matawa siya sa eksena, kung ano yung kiliti niya, mga ganoon.”

Si Luis Alandy naman ang gaganap na asawa ni Sheena sa Binoy Henyo.



REAL MOMS. Kabilang si Sheena sa unang batch ng StarStruck at tatlo sa kanila ay ina na sa totoong buhay—Jennylyn Mercado, Katrina Halili, at Yasmien Kurdi.

Ayaw niya bang sumunod na sa kanyang batchmates na may mga anak na?

Sabi ni Sheena, “Ipinagdarasal ko na huwag naman sana akong makiuso na, puwede naman yun.

“Marami pa naman kaming hindi—Nadine [Samonte], ako, Cristine [Reyes], Jade [Lopez]—apat pa kami, tatlo pa lang yung may baby.”

Dahil nanay ang papel niya sa Binoy Henyo, hindi kaya ma-typecast si Sheena sa mother roles?

“Okay lang naman sa akin,” pagsisiguro niya.

Okay rin ba na si Rocco ang gaganap na asawa niya sa isang project?

“Okay lang naman, oo naman, walang problema.”

Ayon kay Sheena, hindi pa siya handa na maging mommy sa tunay na buhay.

“Oo. Siyempre, kailangan ko muna ng partner bago ang pagiging mommy, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw rin ni Sheena na maging isang single mother.

“Ayoko sana. Sino ba naman ang gusto, di ba?

“Wala naman sigurong nangarap ng ganoon, gusto ko siyempre ng family.

“Kumbaga, sobrang... gusto ko, yung family na pinanggalingan ko, ganoon din ang mangyari sa family ko, para ganoon din sila paglaki nila, di ba?”



MARIAN RIVERA. Matalik na magkaibigan sina Sheena at Marian Rivera pagkatapos nilang magsama sa mga priemtime series na Marimar (2007) at Amaya (2011).

Kumusta naman ang friendship nila?

Sabi ni Sheena, “Okay naman, kaya lang hindi kami nagkikita ngayon, e.

“Ano lang, minsan sa Instagram, nagko-comment lang siya; ako din minsan sa Instagram niya.

“Nagte-text din siya sa akin, ‘Ahak, kumusta ka na?’ Ganoon.”

Ahak ang pangalan ng karakter na ginampanan ni Sheena sa Amaya na pinagbidahan ni Marian.

“Ahak pa rin ang tawag niya sa akin, Yanyan naman ang tawag ko sa kanya.”

Isa ba si Sheena sa malulungkot kapag natuloy ang nababalitang paglipat ni Marian sa ibang network pagkatapos ng kontrata nito sa GMA-7?

Sagot niya, “Ako naman, hindi ako malulungkot bilang kaibigan niya.

“Kung saan siya maggu-grow and kung saan siya masaya, why not, di ba?

“Lahat naman tayo, kung kaibigan ka talaga, mas pipiliin mo naman na mag-grow yung kaibigan mo.”



NETWORK TRANSFER? Si Sheena naman ay hanggang February 2014 ang kontrata sa GMA-7, magre-renew ba siya?

“Pag-uusapan pa, siyempre pag-uusapan pa. Siyempre, depende kung may magandang offer.”

Walang option to renew?

“Wala na, kasi yung kontrata ko ngayon, ano pa yun, e, natapos na rin yung optional na ano.”

Inamin naman ni Sheena na may offer sa kanya mula sa ibang network.

“May mga nag-o-offer, may mga nanliligaw pero…

“So iyon, basta pinagpe-pray ko naman kay God, alam ko naman kung…” bitin niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN