Barbie Forteza on working with crush Dennis Trillo: “Feeling ko, kada shooting day namin, mai-starstruck ako.”

Bagamat kumportable na raw sila sa isa’t isa ng kanyang leading man na si Derrick Monasterio, sa palagay ni Barbie Forteza ay hindi na lalalim pa ang kanilang relasyon.


Nasurpresa raw si Barbie Forteza nang malaman niyang may sarili siyang Vevo channel sa YouTube.

“Nagulat ako siyempre. Nagulat ako na… thankful sa MCA Records dahil gano’n kalaking suporta ang ibinigay nila sa akin at saka sa tiwala,” pagtukoy ni Barbie sa recording outfit na nag-produce ng kanyang debut album.

“Siguro kapag may Vevo, may isa pa ulit album, di ba?

“Nagpapasalamat talaga ako sa MCA, pati na rin sa GMA.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, July 7.

Una raw niyang nalaman ang tungkol sa kanyang Vevo channel sa pamamagitan ng Twitter.

Kuwento ni Barbie, “Nakita ko sa Twitter, pinag-uusapan. Akala ko joke lang.

“Kasi, alam mo yung Vevo, di ba? Ang mga meron lang no’n yata, sina Justin Bieber… ganyan.

“So nung tsinek ko… totoo pala!

“Nakita ko doon yung lyric video at saka music video ng ‘Meron Ba,’” pagtukoy ni Barbie sa isa sa mga kanta na nasa kanyang self-titled album.

Maganda naman daw ang feedback ng first album niya, bagay na ikinatutuwa ni Barbie.

Sabi niya, “Hindi na ako nangangarap ng gold record o anuman. Enough na sa akin ma may mga tumatangkilik sa album ko.”



ANNAKARENINA. Nagpapasalamt din si Barbie sa mga tumatangkilik ng primetime series niya sa GMA-7, ang AnnaKarenina

Sabi pa niya, “Mas marami pa silang aabangan sa pagpapatuloy ng airing nito.”

May pagka-kontrabida sa simula ang role niya rito. Pero hindi naman daw masasabing talagang kontrabida ang kanyang character.

Paliwanag ni Barbie, “Palaban kasi yung role ko. Kakaiba sa mga nauna kong ginampanan na lagi akong umiiyak at inaapi.

“And I find it challenging talaga. Something new for me na gumanap bilang isang palaban na babaeng bakla.”

Si Derrick Monasterio ang kanyang kapareha sa AnnaKarenina at okey naman daw ang working relationship nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Barbie, “May bonding na kami talaga.

“Kasi ilang beses na kaming nagkatrabaho kaya close kami, kumportable na sa isa’t isa.”

Ang kanilang fans ay umaasang mas lalalim pa ang pagkakaibigang na-establish sa pagitan nila. Magkaroon kaya ito ng katuparan?

“Ay, hindi naman. Hindi naman lalalim pa,” nangiting reaksiyon ng young actress.



BLOOMING BARBIE. She looks prettier nowadays. Bakit nga ba?

“Sa makeup lang!” sabay tawa ni Barbie.

Pero marami ang nakakapuna na blooming siya ngayon?

“Siguro dahil sa tamang tulog lang,” sagot niya.

Wala pa rin siyang ini-entertain na manliligaw? Bawal pa rin?

Aniya, “Hindi naman sa bawal. Actually, puwede… ayoko lang.

“Kaso ano… sayang yung oras. Kumbaga, mas magandang sa trabaho ko muna ilaan ang oras ko.”



CRUSH ON DENNIS. Ayaw pa niyang paligaw, pero vocal naman si Barbie tungkol sa matinding crush niya kay Dennis Trillo.

“Oo naman, siyempre.”

Greatest wish nga raw niya na magkaroon ng chance na makatrabaho niya si Dennis.

Sabi ni Barbie, “Oo naman. Why not, di ba?

“At sigurado, mai-starstruck ako sa kanya!

“Feeling ko, kada shooting day namin, mai-starstruck ako.”

Paano kung isang kamukha ni Dennis ang manligaw sa kanya, sasagutin ba niya?

“Tingnan natin kung mabait. Kasi importante pa rin sa akin yung ugali bago ang looks… opo naman.”

Fifteen years old pa lamang si Barbie. Bukod sa career, ang kanyang pag-aaral ang isa pa raw niyang gustong pagtuunan ng atensiyon.

“I’m into home study sa ngayon. Nasa finishing level na ako.”

After nito, anong course ang gusto niyang i-pursue sa college?

Sagot niya, “Tapusin ko muna siguro ang high school.

“And then, saka ko na lang pag-isipan kung anong course ang gusto kong kunin.

“Saka ko na pagpaplanuhan. Kasi ngayon, pabagu-bago pa, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN