Enzo Pineda says working with ex-girlfriend Louise delos Reyes will be a challenge

Hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng relasyon nina Enzo Pienda at Louise delos Reyes, wala raw pinagsisisihan ang binata. Paliwanag niya, “I learned a lot from her and may pinagsamahan kami and I just can’t waste it away also.”


Bukas sa posibilidad na makatrabaho ni Enzo Pineda ang kanyang ex-girlfriend na si Louise delos Reyes, pero inamin niyang magiging hamon daw ito para sa kanya.

“I think it’s interesting to be paired up with Louise.

“We’ve done shows together; mga one-time episodes, like Maynila.

“For me it will be okay, I think."

Dagdag niya na natatawa, “It would be a challenge also, maybe fun.

“I’m sure a lot of people would like to see that.”

Noong Marso ay inanunsiyo ni Louise na nagkahiwalay na sila ni Enzo matapos ang dalawang taong relasyon.

Sa ulat naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 1, sinabi ni Louise na walang makapagsasabi kung magkakabalikan sila ni Enzo.

(Read: Louise delos Reyes on reconciling with Enzo Pineda: “Hindi ko masasabi, hindi niya masasabi, hindi natin masasabi lahat.")


NO REGRETS. Nang tanungin si Enzo kung kamusta na ba sila ni Louise ngayon, ang mabilis na sagot ng binata: “Me and Louise are good friends.

“Actually, we’re in the same team in Sunday All Stars,” na ang tinutukoy ay ang Sunday musical show sa Kapuso network.

“May dumarating na tao [sa buhay natin] because you learn from it, you love that person, there’s no regret.”

Dugtong pa ng StarStruck V First Prince, “May pinagsamahan kami and I don’t wanna waste that.

"So even though we broke up, hindi magbabago, wala akong pinagsisisihan.

“I learned a lot from her and may pinagsamahan kami and I just can’t waste it away also.”

Ano naman ang reaksiyon ng binata sa sinabi ni Louise na hindi niya masasabi kung posibleng makipagbalikan sila?

Sagot ni Enzo, “For me, I’m just doing my part.

“That’s the comment of Louise, pero ako, if she needs help, I’m always here for her.

"So kahit anong mangyari… mahirap, e, it’s hard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, a breakup is always a breakup. It’s not really good.

"But at the end of the day, you have to realize that people come into your life for a reason, so you have to be thankful for that.”



BEING PROFESSIONALS. Batay sa interview ng dalawa, tila mas mahirap para kay Louise ang maka-move on sa kanilang paghihiwalay.

Pero ayon kay Enzo, “I think it’s hard for the both of us naman.

“Ako naman, I try to help her once in a while if she needs it, because minsan mahirap, minsan it takes a while for a person to move on.

"But I’m not really pushing her to do that.

“Parang, let her focus on her responsibilities now as a person [and] as an artist also."

Dagdag pa niya, “She has so many reasons to be thankful [for].”


STILL COMMUNICATING. Dahil pareho nga sila ng team na kinabibilangan sa Sunday All Stars, hindi maiiwasan nina Enzo at Louise na magkita.

Sabi ni Enzo, “I told her na, ‘I don’t wanna make things complicated between you and me. We’re groupmates, we have to do it as a team.

“’So it’s going to be bad na they’re gonna see us fighting and everything. So we have to make it [work] kasi may pinagsamahan tayo.’

“We broke up because of our own reasons and I respect that, and I know she respects that also.

“So let’s just make the most out of it and, you know, everything happens for a reason and this will only make us grow as a person.”

NOT YET DATING. Ayon kay Enzo, naging focused siya sa trabaho noong mga nakaraang buwan.

Isa siya sa mga leading men ni Kim Rodriguez sa afternoon teleserye na Kakambal ni Eliana.

Sabi ni Enzo, “I’ve been really thankful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng pinangarap ko, nagkakatotoo na.

"And I just wanna be in this position, I just wanna keep doing this and achieve more.”

Nakikipag-date na ba siya sa iba ngayong single na siya ulit?

“As of now, wala pa.

"But sa lahat naman, if it comes, it comes… the person you have the same wavelength, or the person you have the same personality.

“You’ll realize that without trying so hard, it will just come to you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN