Mark Herras and Ynna Asistio still mum about their reported breakup

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig nina Mark Herras at Ynna Asistio tungkol sa napabalitang breakup nila. Pero sa kanilang Instagram accounts ay nag-post ang dalawa ng kanilang mga larawan kunsaan tila pareho silang galing sa iyak.


Parehong iniiwasan nina Mark Herras at Ynna Asistio na sagutin ang balitang break na sila.

Ayon sa PEP Alert na lumabas kahapon, July 8, halos isang linggo na raw hiwalay ang dalawa.

INSTAGRAM POSTS. Kapansin-pansin din sa Instagram accounts nina Mark at Ynna na wala na ang mga litrato nilang dalawa.

Kapansin-pansin din ang pag-post ni Ynna ng kuha niyang galing sa pag-iyak, pero wala siyang sinabing dahilan.

Simple lang ang caption na inilagay niya: “Anyareh mestiza lang ang peg.” Pero marami ang naintriga rito.

Noong Sabado ng gabi, July 6, ay si Mark naman ang nag-post sa kanyang Instagram account ng litratong parang umiiyak na may caption na: “When depression attacks!!!”

Pagkatapos nito ay lumabas na ang balitang naghiwalay na ang dalawa.

Pero wala silang sagot sa mga pangungulit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para kumpirmahin ang naturang balita.

YNNA’S MOTHER. Ang ina ni Ynna na si Nadia Montenegro lang ang nakausap ng PEP.

Noong una ay hindi siya gaanong nabahala dahil naniniwala siyang magkakabalikan din ang dalawa.

“Alam mo naman ‘yang dalawang ‘yan.

“Next week, siguradong ok na naman kaya di ko na rin tinatanong si Ynna, useless lang!” natatawang sabi pa ni Nadia.

Noong June ay limang taon na ang relasyon nina Mark at Ynna.

Ayon kay Nadia, hindi na raw bago ang galit-bati ma pagsasama ng dalawa.

Nagbi-break daw sila kapag nag-aaway, pero hindi nagtatagal ay nagkakaayos din at nagkakabalikan.

Pero nang muli naming naka-text si Nadia kaninang tanghali, July 9, iba na ang sagot nito.

Mukhang seryoso na raw ang breakup nina Mark at Ynna.

“Mukhang iba na ‘to,” text ni Nadia sa amin.

Hindi pa rin sumasagot si Mark, at ayaw na rin ni Nadia na magsalita pa si Ynna.

Paliwanag ni Nadia, “Nakakahiya naman magpa-interview tapos magkakaayos din.

“If not naman, okay na din, so Ynna can finally concentrate on herself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tagal ko nang dinadasal na maaayos sila.

“Siguro gusto na ni Lord na mag-move on.”

NADIA’S MESSAGE TO MARK. Sabi ni Nadia, nagkausap sila ni Mark kahapon pero ayaw na niyang ibahagi pa ang pinag-usapan nila.

Pero nag-post si Nadia sa kanyang Facebook account ng mensahe para kay Mark, na tinatawag niyang si “Babiyow”:

“To my babiyow! Like what you said and texted yesterday nung tumawag ka...whatever happens ‘I LOVE YOU’! Ganun din ako. But like what i said..’sana learn to love yourself muna’. You cannot love anyone the right way if you can’t even love yourself first. Maybe this time you’ll really try.

“Naghiwalay man kayo doesn’t mean di ka na namin mahal. Family will always be family no matter what. Lahat tayo namuhunan ng tunay na pagmamahal sa isa’t-isa. Hindi mawawala yun at wag natin hayaan may mga evil forces na gumitna. Keep on praying! I will always ask God to guide you and restore you. Love you Nak!!”

Dagdag pang kuwento ni Nadia sa PEP, “Kakausap ko lang kay Ynna, super okay na okay siya kasi napag-usapan naman nila nang maayos. Good na din.

“Start na si Mark na mag-taping with Jen [Jennylyn Mercado].

“Si Ynna, nag-enrol ng college habang on negotiation pa ang work kung ano ang tatanggapin namin at kung ano talaga ang gusto niya.”

Sa kabila nito, umaasa pa rin si Nadia na magkaayos sina Mark at Ynna at sa pagbabalikan pa rin ito magtatapos.

Pero kung hindi, sana makatulong daw ito sa kanilang pagkatao at manatili silang magkaibigan.

Hindi pa rin naman daw magbabago ang trato nito kay Mark bilang anak-anakan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN