Mr. Fu on resigning from Wow FM: "Parang it’s time to move up, move forward, and move on… lahat ng pagmu-move.”

Dahil sa hindi pagkakaunawaan sa loob ng Wow FM ay napagdesisyunan ni Mr. Fu na mag-resign na lamang. Saad niya, “Parang nawala, naging kulang ngayon yung stay ko doon sa istasyon. Parang there’s something lacking. And then, parang nababawasan na ang kasiyahan at kaligayahan sa puso ko."


Kinumpirma ng TV host-radio jock-comedian na si Mr. Fu sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagre-resign niya sa kanyang radio show sa Wow FM, kung saan siya ang Star DJ.

“Effective July 15, wala na ako sa Wow FM. Nag-resign ako noong July 5,” pagbabalita niya.

Nakausap ng PEP si Mr. Fu sa set ng showbiz talk show ng TV5, ang Ang Latest, kung saan isa siya sa mga co-host, noong Hulyo 6 sa, Studio B ng TV5 sa Novaliches, Quezon City.

Ang pagre-resign niya ay nag-ugat daw sa problema niya sa bagong station manager ng Wow FM.

Early part of this year daw kasi nang balakin nitong magpatupad ng pagbabago sa radio station na sumagasa sa posisyon ni Mr. Fu bilang creative consultant ng istasyon bukod sa pagiging Star DJ.

Salaysay ni Mr. Fu, “Nagkaroon kasi ng problema noon.

“Hindi naman nagkaroon ng problema sa top management, yung may-ari, yung presidente, yung vice president.

“Wala akong naging problema sa kanila, doon lang sa loob ng istasyon.

“Nagkaroon kami ng problema na hindi pagkakaintindihan.

“Meron kasi silang ginawang system na hindi ako nasabihan.

“Medyo nasagasaan yung show ko, yung character ko, na parang hindi ako na-inform about the changes sa format ng istasyon.

“Kasi, I’m the creative consultant of the station, so kailangan kong malaman yung mga nagaganap.

“So, ‘Bakit hindi ako nasabihan?’

“Parang nalaman ko lang doon sa mga kasamahan ko, ba’t may ganun.

"So, nagulat ako and I felt bad.

“Kasi, sabi ko nga, sa TV pag nawawalan ako ng show, mag-e-emote lang ako ng one day, two days.

“Pero kapag radio, medyo may puso ako doon kasi, e. Yun ang bahay ko, doon ako nag-start.

“Kapag radyo talaga, nagiging emosyonal ako kahit minsan hindi dapat. Pero nalalagyan ng emosyon talaga kapag radio.

“So, medyo sumama ang loob ko noon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero naayos ba ang problemang ito?

“Hindi, tumahimik lang. Hindi siya naayos… it’s just that itinigil ang mga pagbabago,” sagot ni Mr. Fu.



NOT HAPPY ANYMORE. Hindi man daw itinuloy ang mga balak na pagbabago, nawala na rin daw ang kasiyahan ni Mr. Fu na magtrabaho sa istasyon kaya tuluyan na siyang nag-resign.

Saad niya, “Parang nawala, naging kulang ngayon yung stay ko doon sa istasyon. Parang there’s something lacking.

“And then, parang nababawasan na ang kasiyahan at kaligayahan sa puso ko.

“Sabi ko nga, yung top management ng istasyon… ng grupo ng mga istasyon, kasi hindi lang naman kami isang station, marami kami… wala akong problema sa kanila.

“Kasi nga, naging maayos naman ang pakikitungo nila sa akin, kasi nga sila ang nag-imbita sa akin para sa istasyon.

“Pero since hindi nababago yung situation doon sa loob, siyempre may kulang.”



OTHER RADIO STATIONS READY TO GET HIM. May ilang radio stations naman daw na gusto agad kunin si Mr. Fu.

“Tapos may mga dumarating na opportunity… actually, noong nasa loob ako ng Wow, meron naman akong natatanggap na mga imbitasyon mula sa mga nakatrabaho ko noon, sa mga gustong makatrabaho ako.

“Pero hindi ko yun masyadong ine-entertain dahil okay naman ako noon sa Wow.

“And then, dumating sa puntong sabi ko, may kulang. Parang nababawasan na ang kasiyahan ko sa loob ng istasyon.

“So, sabi ko, parang it’s time to move up, move forward, and move on… lahat ng pagmu-move.”

So, saan na siya mapapakinggan ngayon sa radyo?

“A, inaayos siya. So, right after July 15. Basta inaayos naman.

“Eto lang, nagpapapasalamat lang ako sa mga taong nagbibigay halaga sa kung anuman yung maiaambag ko sa istasyon na pupuntahan ko.”

Nilinaw naman ni Mr. Fu na hindi apektado ang pagiging talent niya sa TV5 dahil hindi raw konektado ang Wow FM sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, hindi siya connected sa TV5.

“Akala lang kasi, bilang talent ako ng TV5, may mga commercials na umeere sa radio station namin because parang sinusuportahan ng TV5 marketing yung show ko.

“So, minsan naririnig yung plugs ng shows.

“And ako naman, bilang talent ng TV5 at bilang mahal ko naman ang TV5, kapag may mga request sila na magge-guest sa radio show ko, magpo-promote, pinapayagan naman, open naman.

“Actually, kahit anong istasyon na nagge-guest sa radio show ko, puwedeng mag-promote—kung ABS man sila o GMA o TV5, puwede.

“Nagkakataon lang na TV5 ang dumarating doon kasi nga sa TV5 naman ako.

“So, parang hihingi sila ng tulong para mag-promote, I do it. Pero hindi siya konektado sa TV5.

“So, walang magiging conflict.”



HAPPY WITH TV5. Kung hindi na siya masaya sa Wow FM, taliwas naman ito sa nararamdaman niya para sa Kapatid network.

Masayang-masaya raw si Mr. Fu sa TV5 dahil simula noong lumipat siya dito ay hindi siya nawalan ng proyekto at show. May mga nag-aakala tuloy na isa siya sa mga paborito ng TV5.

May reaksyon naman si Mr. Fu sa favoritism issue.

Saad niya, “Ako naman, nagpapasalamat ako sa TV5 kasi hindi nila ako kinakalimutan, in fairness.

“Wala naman dapat ganung issue na favoritism kasi lahat naman ng ibinibigay sa akin ay pinagbubutihan ko at pinaghihirapan ko.

“Yun siguro ang nakikita ng network kaya naging mabait din sila sa akin sa pagbibigay ng mga oportunidad sa akin.

“Mawalan man ako ng show, I mean laging napapasama yung pangalan ko sa listahan pag may proposal na programa.

“May mga times na hindi ako natutuloy doon sa programang yun, pero may napupunta pa rin sa aking programa.

“So, above anything else, nagpapasalamat ako sa TV5 sa mga opportunities, ang dami ko nang nagawang shows dito sa TV5.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN