Bianca King on ex-boyfriend Dennis Trillo’s "loveteam" with Tom Rodriguez: “Suwerte siya dun sa ka-loveteam niya, cute.”

Ayon kay Bianca King, mas gusto niyang hindi taga-showbiz ang susunod niyang maging karelasyon. Kung sakali, sabi ng aktres, “Meron namang mga kalalakihan na kahit hindi sila artista, naiintindihan naman nila. Kailangan mo lang i-guide nang konti na, ‘Ito yung nangyayari, ganito, ganyan. Pero maniwala ka na talagang akting lang.’ Ganun.”


May request ang leading man ni Bianca King sa GMA-7 afternoon soap na Maghihintay Pa Rin, si Rafael Rosell, na huwag munang sagutin ng aktres ang kahit na sinong manliligaw nito.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) si Bianca kung sinusunod ba niya ang hiling na ito ni Rafael.

“Hindi ko alam kung seryoso siya,” mabilis na reaksiyon ng Kapuso actress.

Pero seryoso raw si Rafael sa request niyang ito.

Sabi naman ni Bianca, “Seryoso ba siya? Akala ko nagdyu-joke lang siya.”

Nag-e-entertain ba siya ng suitors?

“Meron pa rin naman, meron pa din.

“Alam naman niya kung sino, e, open naman ako sa kanya [Rafael].

“Tsaka sa sobrang open ako sa kanya, every day tinatanong niya ako, ‘Anong update na, ano na update?’

“Ganun siya every day.”

NON-SHOWBIZ SUITOR. Non-showbiz daw ang manliligaw ni Bianca. May chance ba ang naturang manliligaw?

“May chance naman, may chance naman lahat,” sagot ni Bianca.

Paano na si Rafael?

“Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya!” tawa ng aktres. “Alam na niya kung ano ang diskarte niya sa buhay.”

So, puwedeng makipagsabayan si Rafael sa manliligaw ni Bianca?

“Oo, ganun din naman ang sinasabi ko sa kanya kapag nagpapakuwento siya sa akin kung ano na ang nangyayari sa personal life ko—na araw-araw niyang tinatanong sa akin.

“Sinasabi ko lang na... sinasabi ko din sa kanila na may sarili silang diskarte, di ba?

“Basta ako, kung may oras ako na puwede kong ibigay sa kung sinuman na may gusto, na mabait naman ang ipinapakita sa akin, hindi naman ako madamot.

“Iyon lang talaga, nagiging mas maingat lang talaga ako sa pamimili, yung parang mas relaxed lang ako ngayon.

“Kung hindi tama ang lahat ng timing dun sa kung sinuman ang nagpiprisinta sa akin, e, walang pilitan.”

May kinalaman ba ang kanyang pag-iingat sa mga nakaraan niyang pakikipagrelasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre naman!” natatawang sagot ni Bianca.

“Siyempre naman, marami tayong natututunan na mga leksyon sa pinagdadaanan nating relasyon sa buhay, di ba?

“So, hindi ko naman sinasabi na nagkakamali ako or meron ako na pagsisisi sa past, pero mas alam ko na ngayon kung ano ang tama para sa sarili ko.”



BY CHOICE. Dahil Maghihintay Pa Rin ang titulo ng soap opera nila ni Rafael, may sinabihan na ba si Bianca nito o may nagsabi na sa kanya ng mga salitang ito?

“Hindi, madaming nagdadayalog nun sa akin!” tawa ni Bianca.

“Hindi, joke lang.

“Hindi, meron... may mga ganun kasi nga hindi pa talaga ako…

“Ready na naman ako to fall in love, sabi ko naman yun.

“Day one pa lang, kaka-single ko pa lang, ready na ako. Pero wala pa.

“Happy ako na aabot ako ng isang taon na single, masarap yung feeling.

“Na talagang by choice siya, ha! Na sinasabi ko na, ’Okay, huwag na muna ngayon.’

“Pero hindi naman dahil wala, dahil sinasabi ko talaga na ayoko pa.”

Dati pa naman daw siyang pihikan.

Sabi ni Bianca, “Lalo na ngayon.

“Gusto ko talagang kung sa susunod na tao na magiging boyfriend ko, gusto ko talaga na parang, I really want to make a wise choice for myself.”

Hindi naman daw ibig sabihin nito ay hindi wise choice ang nakaraan niyang relasyon.

“Hindi naman, no. Hindi naman po ganun. Hindi naman.

“Basta ano, kung ano yung mga natutunan ko, talagang ina-apply ko na siya ngayon.”



TOMDEN. Gaya ni Bianca ay single din ngayon ang ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo.

Pero sabi ni Bianca, “Wala po akong alam sa pangyayari sa buhay niya.”

May nagbiro na hindi single si Dennis dahil may Tom Rodriguez na ito. Gumaganap kasing gay lovers sina Dennis at Tom sa GMA-7 primetime soap na My Husband’s Lover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, cute si Tom!” bulalas ni Bianca.

Si Tom lang ang cute?

“Si Tom lang!” at tumawa si Bianca.

Ano ang masasabi ni Bianca na si Tom ang naging kapalit niyang “ka-loveteam” ni Dennis?

“Suwerte siya dun sa ka-loveteam niya, cute.”

Kung may project na sila ni Dennis ang magkasama, tatanggapin ba ni Bianca?

“Oo naman. Oo, of course. Acting is acting, work is work, di ba?” sagot niya.

Pero ayaw na raw niya ng karelasyon na artista.

Hindi ba mas maganda na pareho silang artista para mas nagkakaintindihan sila?

Sabi ni Bianca, “Meron namang mga kalalakihan na kahit hindi sila artista, naiintindihan naman nila.

“Kailangan mo lang i-guide nang konti na, ‘Ito yung nangyayari, ganito, ganyan. Pero maniwala ka na talagang akting lang.’

“Ganun.”

Sa Maghihintay Pa Rin, kinailangan ni Kiko (Rafael) na magtrabaho sa ibang bansa para sa kinabukasan nila ni Geneva (Bianca).

Sa tunay na buhay, kung sakaling magkaroon ng asawa si Bianca at magtrabaho ito abroad, papayagan niya?

“Kung dun talaga yung work niya. Pero tingin ko, pag mag-asawa kayo, dapat magkasama kayo, e.”

So, hindi niya papayagan?

“Hindi sa hindi ko papayagan pero dapat makahanap kami ng paraan para magsama.

“Either ako ang sasama sa kanya or maghanap siya ng trabaho dito.

“Kung okay sa kanya ang work doon, ako ang sasama sa kanya.

“Ganun naman ako, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN