Carmina Villarroel on husband Zoren Legaspi: "Up to now, kinikilig pa rin ako sa kanya!"

Ang sikreto ni Carmina Villarroel for staying beautiful: “I love what I do, so baka nakikita na kahit ngarag, kahit pagod, ‘Ay, happy siya!’ Ang importante, kahit ano yung gawin mo, ano yung trabaho mo, importante you love what you’re doing.”


Sa presscon ng Got To Believe last week ay marami ang nakapansin na "blooming, glowing, at sexy" si Carmina Villarroel.

“Naku, wow! Maybe because overworked!” natatawang reaksiyon dito ng actress-TV host.

“Pero hindi, not in a negative way.

"Kasi nga, because of this new teleserye, tapos may SIR [Showbiz Inside Report], ganyan.

“Siguro, maybe I’m just happy, I’m just happy.

"I’m inspired even if I’m puyat all the time.

“Siguro kasi, I love what I do. So baka nakikita na kahit ngarag, kahit pagod, ‘Ay, happy siya!’

“Okay na yun.

"Kasi ang importante, kahit ano yung gawin mo, ano yung trabaho mo, importante you love what you’re doing.”



WEDDING MAGIC. Kasama si Carmina sa Got To Believe, ang bagong teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN.

After her wedding last year with husband Zoren Legaspi, ano ang biggest magic na naranasan niya sa kanilang relasyon?

Sagot ni Carmina, “Ako, sa ngayon, iyon pa talaga, e—yung wedding.

“Yung parang hindi namin naisip na after how many years of being together, na meron pa palang ile-level up yung respect, yung love for each other.

“Na akala namin... Di ba, usually pag matagal na kayo, akala nila, ‘Ay plateau na ‘yan, ganyan na lang ‘yan, wala nang kilig ‘yan.’

“No! I mean, up to now, kinikilig pa rin ako sa kanya!” sabay tawa ni Carmina.

Dagdag niya, “Yung, you know, every time I see him, pag tinitingnan niya ako, parang, ‘Ay, naku-conscious ako.’ Parang, ’Wow!’

“Iyon yun. I must say it’s really magic because ang hirap noon, e. Di ba, ang hirap na i-sustain that?

“Yung respect, yung trust is ano...

“But yung magic, yung... kasi yung love minsan, parang napupunta sa ibang level. Parang love na, ‘Okay, basta love kita.’

“Pero yung may kilig, yung parang akala mo teenagers lang ang nakaka-experience noon, hindi... Parang, ‘Oh, my gosh!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ilang years na kayo together pero the spark is grabe pa rin.”



YOUNG AND IN LOVE. So, para pa rin silang sina Daniel at Kathryn ni Zoren?

“Yes, parang kinda like that!” at muling tumawa si Carmina.

“Alam mo yun? Oo, e, kasi minsan nagte-text-an kami ng mga sweet nothings na parang akala mo, mag-boyfriend-girlfriend kami.

"And I think it really helps na may ganoon.

“Dapat talaga hindi mawala sa mag-asawa yung... you know.

“Kung yung iba nagde-date talaga pa, yung ganyan, di ba? May ganoon, e.

“So I think, it’s really a case-to-case basis.

"Kasi kami, kung hindi man kami nakakapag-date na kaming dalawa lang, ginagawa namin through usap sa phone, alam mo yun?

“Yung text-text ng mga... yung mga sweet nothings lang na ganyan.

“So I think, yun ang dapat hindi mawala para ma-maintain yung magic, yung spark.”



NON-TRADITIONAL. May nadidiskubre pa ba siya kay Zoren?

“Hindi... siguro parang na-confirm ko na talagang mahilig siyang mangsorpresa.

“Hindi talaga siya yung typical na lalaki na... hindi siya yung stereotype.

“Hindi siya yung magbibigay ng bulaklak sa iyo, hindi iyon, not the usual guy.

“Gusto ka niyang sorpresahin in a different way.

“So, katulad noong mob wedding, parang, who would think that? Yung parang... di ba?

“Kasi ayaw niya yung traditional, e.

"So siguro, pati yung sa pagpapakasal namin, ayaw niya noong normal.

“Na, ano kasi, feeling niya, lahat ng tao ginawa na yun.

“Siya, especially pag concerning me, gusto niya laging iba, laging unique.

“So, talagang doon ko naano na, ‘A, ang galing mo!’

“Yung ako, I can’t top that. Yung parang, paano ko... gusto ko mang gumanti, paano, ano pa’ng gagawin ko?

“E, todo-todo na ito talaga.”



EX-HUBBY. Nahingan naman ng reaksiyon si Carmina tungkol sa pagbabati nina Robin Padilla at BB Gandanghari.

Si BB ay ang dating si Rustom Padilla, na ex-husband ni Carmina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wait, magkaaway ba sila?” tanong niya bigla.

“So now they’re talking?

"I’m happy for them, kasi siyempre parang kahit ano pa ang sabihin mo, blood is thicker than water. Di ba?

"Kahit ano pa ang anuhin mo, pamilya pa rin ‘yan, kapatid mo pa rin ‘yan.

“So maybe, yung nangyari sa kanila, panahon lang talaga, time lang talaga yung kailangan para magkaayos or, you know, yung acceptance.

“So, I’m happy for them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN