Sylvia Sanchez clarifies issue that Be Careful With My Heart cast are avoiding Richard Yap

Hindi naniniwala si Sylvia Sanchez sa isyung ipinupukol kay “Ser Chief” Richard Yap. Patunay niya, “Ako, personally, I love Sir Chief, I love Richard, kasi sobra siyang mabait. Mabait siya sa akin, e, kasundo ko si Richard, mabait siyang tao.”


Isa si Sylvia Sanchez sa proud at masayang-masaya dahil sa sunud-sunod na extension ng toprating daytime drama series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Kahapon, July 9, ay isang taon nang umeere ang programang ito na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Gumaganap si Sylvia sa serye bilang si Aling Teresita, ang butihing ina ni Maya (Jodi).

“Thankful kami sa show na ito... sobra!” bungad ni Sylvia sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang tahanan sa White Plains noong Linggo, July 7.

Dagdag niya, “Noong una namin itong ginawa, parang ‘Bahala na, suntok sa buwan tayo!’

“From the start, ang pinanghahawakan lang namin, yung istorya, yung script na ang ganda, na may family values.

“May batang mahirap [Jodi] na pumuntang probinsiya, na nangarap, at grabe ang pinagdaanan.

“Marami namang ganoon, e—probinsiyanang nangarap, pumuntang Maynila.”

Sa story gist ni Sylvia, nag-krus ang landas nina Maya at Ser Chief (Richard) hanggang kunin si Maya na maging yaya o nanny.

Romantic comedy ang teleserye, kaya humantong sina Maya at Ser Chief sa pagiging in love sa isa’t isa.

Sa isang hiwalay na panayam sa direktor nitong si Jeffrey Jeturian, hahantong sa altar ang pag-iibigan ng dalawa.

“So, yun ang pinanghahawakan namin,” patuloy ni Sylvia.

“Wala kaming, ‘Oy, big star naman yung kasama natin!’ Di ba? Wala namang big star dito, e.”

Naabot nina Jodi at Richard ang estado ng pagiging "big stars" bukod sa mataas na ratings ng programa.

Sabi ni Sylvia, “Because of Be Careful, naging big star sina Jodi at Richard.

“Pero kami, from the start, wala kaming big star!”



“ISSUE” WITH RICHARD YAP. Lately, may naging issue o non-issue kay Richard.

Sinabi ni Sylvia dati na diumano’y “iniiwasan” ito ng kanyang mga kasamahan sa show.

Paglilinaw ni Sylvia, “Hindi siya iniiwasan, mahal siya ng buong cast, kasi mabait siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano lang yun... ako nga yung nasabihan... ako yung na-interview noon.

“Ako, personally, I love Ser Chief, I love Richard, kasi sobra siyang mabait.

“Mabait siya sa akin, e, kasundo ko si Richard, mabait siyang tao.

“Ang kabaitan ni Richard, makikita mo... hindi siya showbiz, totoong tao si Richard, natural siya.

“Basta, mabait—I love Richard!

“Pero pag halimbawa, kami-kami, invite mo siya, punta sa bahay mo, private lang, okay.

“Ang ibig sabihin siguro ng ‘iniiwasan,’ e... ayoko siyang makasama sa publiko, kasi mina-mob si Richard!

“Doon sa [Pila] Laguna, hindi kami makapag-take pag nandiyan si Richard.

“Mina-mob talaga siya! Sigawan yung mga tao sa kanya!

“So siyempre, kung ikaw, kasama mo si Richard, gusto mo siyang makasama—sa goodtime, sa bahay-bahay na lang.”



INTELLIGENT VIEWERS. Ikinumpara ni Sylvia ang uri at ugali ng mga manonood ngayon.

Saad niya, “Ngayon, naniniwala ako, matatalino na talaga ang mga tao.

“Hindi porke big star, papanoorin nila.

“Nasa istorya na sila, e, sa material na nakakatuwa.

“Dati, kahit maganda yung istorya’t script, hindi magki-click dahil walang bidang sikat, walang big star. Ngayon, hindi na!

“Pero, suwerte na lang din pag maganda na ang script, maganda na ang materyal, tapos big star ang mga kasama mo, mas lalong makakatulong yun.”



MOVIE VERSION. Bunga ng kasikatan ng Be Careful With My Heart pati na ng buong cast, after a year, may dalawang buwan pa itong extension—hanggang September 2013.

“Yes,” pagkumpirma ni Sylvia.

Sa pagtatapos ng programa, gagawan naman ito ng movie version na isasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December this year.

Production ng ABS-CBN-Star Cinema ang Be Careful with My Heart, sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.

“Ang shooting namin, September-October pa raw,” kumpirma pa rin ni Sylvia.

“Pero kung ano yung flow, kung ano yung istorya, wala pang sinasabi sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess, continuation nga raw ng married life nina Ser Chief at Maya.”

Dahil ito ang focus ng kuwento, magiging mahalaga ang papel ni Sylvia, bilang ina ni Maya at magiging mother-in-law ni Ser Chief.

Pero mas prefer ni Sylvia na magtuluy-tuloy ang TV airing ng Be Careful.

“Of course!” bulalas niya.

“Ayokong mawala sa ere, kasi lahat ng mga fans, ng mga tao na nakakausap ko about Be Careful, walang negative na sinasabi, puro positive!

“Sabi nila, ‘Ang ganda ng show ninyo, nakakatuwa, nakaka-good vibes.’

“Nakakatulong, nakakatuwa, at nakakataba ng puso.

“So, hanggang... kung puwede nga lang sana hanggang sa walang hanggan na itong Be Careful, why not?”

Ano ang ina-anticipate ni Sylvia hinggil sa kalalabasan ng movie version ng kinatatampukang teleserye?

“Sana maging successful,” simple niyang sagot.

“Pagdating sa Be Careful, bahala na ang Diyos.

“Basta gagawin namin ang lahat, kung ano ang kaya, nasa Diyos na lahat ang awa.”



BOOK TWO. May usap-usapan din hinggil sa planong Book 2 ng Be Careful With My Heart.

Banggit ni Sylvia, “Ang sinasabi sa amin, ang alam ko lang, so far, ngayon, may movie.

“But after the movie in December, hindi ko alam kung ano’ng mangyayari.

“I guess, pag kumita itong movie na ito, baka tuluy-tuloy na nga.”

Pero madalas ding hindi nagiging successful ang Part Two o Book 2 ng mga teleserye, na hindi sinang-ayunan ni Sylvia.

Sabi niya, “Kasi ngayon, yung mga fans, ang sinasabi sa amin, o itinatanong kung hanggang kailan nga raw kami sa ere.

“At pag sinabi naming baka hanggang December this year, kasi may movie na kami, ibig sabihin, tapos na, kasi may movie na.

“Sasabihin nila, ‘Hindi kami papayag na tatapusin ninyo! Ayaw namin!’”

Ayon naman sa isang hiwalay na interview kay Ms. Charo Santos-Concio, Pangulo at CEO ng ABS-CBN, mananatili ang airing ng Be Careful With My Heart “hanggang magka-apo na sina Sir Chief at Maya!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Sylvia, “Yes! Tuwang-tuwa ako pag ganoon.

“Pag magkatotoo kasi, forever meron akong suweldo, meron akong stable job!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN