Patrick Garcia on bonding moment with non-showbiz girlfriend: "Taking care of the baby."

Patrick Garcia believes that his daughter Chelsea and son Alex Jazz will meet someday: “We know that day will come. We’re actually excited about it.”


Hindi raw nalalayo ang naging karanasan ni Patrick Garcia sa kanyang co-star sa Annaliza na si Andrea Brillantes.

Nagsimula rin kasi bilang child star si Patrick nang mapasama siya sa youth-oriented variety show na Ang TV (1992), na nasundan na ng iba’t ibang acting projects sa pelikula at telebisyon.

“I know naman more or less what she’s going through,” sabi ni Patrick sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

“You know, it’s a fun work naman. Pero I think she’s having fun.

“Magaling [siya] in her very young age, e, magaling na magaling na siya.

“Walang problema, masayang katrabaho.”

Nakausap ng PEP si Patrick kanina, Hulyo 10, sa set ng Annaliza sa Sienna College, sa San Jose, Bulacan.



HAPPY DAD. Samantala, naging matipid naman si Patrick sa pagsagot ng mga katanungan tungkol sa kanyang pangalawang anak na si Chelsea.

Pero ibinahagi niyang apat na buwan na ito at nabinyagan na noong Linggo, Hulyo 7.

Bagamat abala sa kanyang proyekto ngayon, hindi raw nawawalan ng oras si Patrick sa kanyang non-showbiz girlfriend at kanilang anak.

Kuwento niya, “Every other day naman ang taping, e, so every other day we’re together.

“Hands-on kami, wala kaming yaya.

"So, ‘yon ang bonding namin—taking care of the baby.”

Bukod sa anak na si Chelsea, mayroon din anak si Patrick sa kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado—si Alex Jazz.

Gayunman, hindi pa raw nagkikita ang dalawa niyang anak, lalo na’t mayroon silang di pagkakaunawaan ngayon ni Jennylyn.

Pero umaasa raw si Patrick at maging ang kanyang nobya na magkikita rin sina Alex Jazz at Chelsea.

Ani Patrick, “Of course naman, we know that day will come.

“We’re actually excited about it.

“Mangyayari rin ’yon in the future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN