Marian Rivera on walking the ramp at FHM Sexiest Women victory party: "Mas buo ang loob ko ngayon, mas handa ako."

Ikinumpara sa anghel o diyosa ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang rumampa siya sa victory party ng FHM 100 Sexiest Women kagabi, July 10, sa World Trade Center.

VIEW: Photos of Marian Rivera hailed as FHM’s Sexiest the second time!


Ikinumpara sa isang "anghel" o goddess" ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang rumampa siya sa victory party ng FHM 100 Sexiest Women kagabi, July 10, sa World Trade Center, Pasay City.

Si Marian ang itinanghal na FHM Sexiest Woman o Philippines’ Finest ngayong taon. Ito ang ikalawang beses na iginawad sa aktres ang titulong ito, na una niyang nakamit noong 2008.

Gold two-piece lamang ang suot ni Marian nang rumampa, na inadornahan ng kulay ginto ring pakpak. Ang celebrity stylist na si Liz Uy ang nag-style ng kasuotan ng aktres kagabi.

THE RAMP. Pagkatapos ng palabas ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Marian sa backstage ng World Trade Center.

Ano ang pakiramdam na siya ang idineklarang pinaka-sexy na babae ng FHM ngayong 2013?

Saad ni Marian, “Paano ba? Naku, mahirap... ang importante, pauli-ulit ko ngang sinasabi, kahit anong ganda mo, kahit anong seksi mo, kung wala naman yung mga taong nagmamahal at bumoboto sa ‘yo, e, useless din.

"Kumbaga, combination—ako at sila.”

Solo ni Marian ang stage nang rumampa siya, at nakitaan siya ng kumpiyansa habang lumalakad.

Hindi ba siya kinabahan?

“To be honest, kinabahan siyempre dahil bago ito sa akin.

"Pero after na nakita ko ang tao, na okay ang crowd, nawala ang nerbiyos ko.”

Ano ang reaksiyon niya sa sinasabi ng marami na para siyang "anghel" o goddess" noong gabing iyon?

Nakangiting sagot ng Kapuso actress, “Ganoon talaga kapag maraming nagmamahal sa ‘yo at may dahilan kung bakit nandito ako.”

DINGDONG. Dahil binanggit ni Marian ang salitang “nagmamahal,” naitanong sa kanya kung nasaan ang nagmamahal sa kanya na si Dingdong Dantes.

“Nandiyan lang siya, sinusundo na ‘ko!” natatawang sagot ni Marian.

Nanood ba ng show ang kanyang boyfriend?

Sagot niya, “Hindi nga, huwag na.

“Hindi nga ako kumportable. Nahihiya ako sa kanya, e!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, nandiyan ang mga kapatid niya.”

Kung si Dingdong ang masusunod, gusto raw sana nitong panoorin si Marian na rumarampa, pero ang aktres na raw ang mismong pumigil dito.

Kuwento ni Marian, “Sabi ko, ‘Wag na, Daddy. Huwag na lang.’

“Pero alam niya kung ano ang damit ko.

"Habang nagmi-make up ako kanina, nag-uusap kaming dalawa.

"So, updated naman siya sa mga nangyayari.”

Pero natatawang sabi rin niya, “Naku, baka nga nasa audience, hindi ko alam!”

Ano naman ang sinabi sa kanya ni Dingdong bago siya pumunta ng World Trade Center?

“Well, sabi niya sa akin, ’Ikaw na ‘yan. Gawin mo lang ang dapat mong gawin at wala ka namang dapat patunayan.

"’Parang siyempre, dahil nandiyan ka na, i-enjoy mo lang at patunayan mo sa mga taong bumoto sa ‘yo na mahal mo sila kaya mo ginagawa.’”

Magsi-celebrate daw siya pagkatapos ng show kasama si Dingdong.

Natatawang sabi ni Marian, “Magsi-celebrate ako, kakain ako. Kasi nga, ang tagal kong hindi kumain!”

Ano ang gusto niyang kainin?

“Chorizo!” bulalas niya.

Sinabayan daw siya ni Dingdong sa pagda-diet.

“Oo, no choice siya, salad lang kaming palagi.”

THE LAST? Binanggit ng PEP kay Marian na marami ang natuwa dahil hindi niya binigo na makita siya nang “live” na seksing-seksi.

Sabi niya, “Dahil siguro yung mga taong nasa likod nito, sobrang suporta sa akin.

"Sila yung nagbigay ng lakas ng loob sa akin para gawin ito.”

Sa susunod na taon kaya ay posibleng makita siya ulit na rumampa sa FHM victory party?

“Ay, hindi ko masasabi, depende sa boto,” nakangiting sabi niya.

Last na ba ito na pagrampa niya?

“I don’t think so.”

Sa nakalipas na mga taon, hindi naman nawawala ang pangalan ni Marian sa Top 5 ng yearly poll na ito ng FHM.

Naghanda ba siya para sa naging pagrampa niya kagabi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, nagsu-Zumba... wala, effort talaga, pinaghandaan talaga,” sabi niya.

Noong 2008 unang rumampa si Marian, pero mas na-enjoy raw niya ang pagrampa niya ngayong taon.

Sabi niya, “Mas buo ang loob ko ngayon, mas handa ako.

"At feeling ko, mas reding-ready po ako.”

NO VOTE BUYING. Sa isang banda, kapansin-pansin na karamihan sa nakapasok sa Top 10 Sexiest Women this year ay wala sa victory party—kagaya na lamang ng nag-No. 2 na si Sam Pinto, na naging back-to-back winner noong 2011 at 2012.

Ayon naman kay Marian, “Well, lahat kami ng mga babaeng dumalo rito, ibig sabihin ay may kanya-kanyang personalidad, kagandahan, at kaseksihan.

"Ang importante, nagkakaroon ng ganitong pagtitipon na pinapatunayan ng mga Filipina na may natatanging kaseksihan at kagandahan tayong lahat.”

Pero marami naman sa nasa listahan ng 100 Sexiest Women ngayong taon ang sumasang-ayon na si Marian ang nag-No. 1.

Nakangiting pahayag naman ni Marian, “’Yan nga ang sinasabi ko, na ke number one ka, ke number two ka, ang importante, lahat ng babae, nagtitipon-tipon ngayon dahil iba kami, unique ang lahat ng tao.

“So, naipakita ng FHM na iba’t ibang ganda, iba’t ibang klase ng kaseksihan.”

Napa-“Yehey!” naman si Marian nang may nagsabing sa pagkapanalo niya ay walang lumabas na intrigang may bilihan ng boto.

Dagdag niya, “Good vibes lang talaga.

“Basta, thankful, maraming salamat sa lahat ng bumoto at sumuporta sa akin ngayon.

"Tapos, wala... sobrang saya ko.”

BACK TO WORK. Pagkatapos ng ginawa niyang paghahanda para sa FHM victory party ay balik-trabaho na si Marian.

Ano ang uunahin niyang gagawin?

“Malamang, soap opera ulit,” sagot niya.

May magiging epekto ba sa mga karakter na tatanggapin niya ang pagiging number one niya ulit sa FHM this year?

“Well, open ako sa lahat ng puwede kong gawin ngayon. That’s why, may wings talaga ako.

"Ibig sabihin niyan, malaya ako sa kung ano ang gusto kong gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuloy ba talaga ang proyekto niya kasama si Derek Ramsay?

Tugon ni Marian, “Derek Ramsay, actually, hindi ko pa alam.

"Ang dami-rami rin nangyayari at iba-iba rin ang nao-offer.

"Gusto ko kasi ngayon, pinagpaplanuhan din ang bawat project.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN