Martin Escudero still looking for new manager

Pagkatapos kumalas sa pangangalaga ng dati niyang manager na si Popoy Caritativo, hanggang ngayon ay wala pa ring napipiling kapalit ang aktor na si Martin Escudero.


Pagkatapos isiwalat ni Martin Escudero sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga kaganapan sa paghihiwalay nila ng landas ng kanyang dating manager na si Popoy Caritativo, naging mailap na ang aktor sa media.

Kung matiyempuhan man siya ay ayaw na niyang magkomento pa tungkol sa isyu.

(Read: Martin Escudero finally speaks out about dropping Popoy Caritativo as manager)

Last Tuesday, July 9, nakausap sandali ng PEP si Martin sa birthday surprise ng talents at bosses ng TV5 para sa chairman ng istasyon na si Manny V. Pangilinan, sa Reliance Studios ng Kapatid network.

Aniya, malaki ang pasasalamat niya sa pag-aalaga ni MVP sa mga artista ng Kapatid network, kabilang na siya.

Inusisa siya ng PEP kung ano ang mga paparating na proyekto niya o mga kasalukuyang pinagkakaabalahan.

Sabi niya, “Ayoko pa kasing sabihin nang detalyado pero may gagawin uli akong isang indie film na kukunan pa international at talagang excited na akong magawa yung pelikula.

“Tapos na silang maghanap ng location, at sa ngayon ay hinahanap pa lang nila yung iba pang cast.

“Dapat abangan nila yun kasi malapit na yun.”

Sa TV naman ay wala pang final kung ano ang gagawin niya, pero may mga naririnig na raw siyang may gagawin siya soon.

Sino na ang manager niya ngayon?

Sagot ni Martin, “Sa ngayon, wala pa po.

“TV5, sila muna ang nag-handle sa akin.

“Maraming kumakausap pero wala pang final na desisyon talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN