Kaye Abad on settling down with boyfriend Guji Lorenzana: “Hindi pa lang talaga ako ready.”

Kaye Abad is proud to say that her boyfriend Guji Lorenzana is husband-material, since he is “mabait, responsible, at saka may mabuting pamilya.” Yet, the Kapamilya actress is not yet ready to tie the knot with him.


Inasahan na raw ni Kaye Abad ang iba’t ibang reaksiyon ng publiko sa kanyang karakter bilang Stella sa ABS-CBN afternoon drama series na Annaliza.

Kontrabida kasi ang role ni Kaye, na pinagmamalupitan ang bidang si Annaliza, na ginagampanan ni Andrea Brillantes.

Sabi ni Kaye sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press, “Kasi in-expect ko na ‘yan, e, na may magagalit talaga sa akin.

“Marami pa rin naman yung comments na, ‘Naiinis ako sa ‘yo pero love pa rin kita,’ may mga gano’n.

“May isa nabasa ko, dati ko pa nabasa, sabi niya, grabe naman daw ako sa pagiging masama, hindi naman daw ako kagandahan.

“So, ito na ‘yon, ito na ang simula! ‘Yon pa lang naman, pero mostly may bawi pa rin naman.”

Nakausap ng PEP si Kaye kahapon, Hulyo 10, sa set ng Annaliza sa Sienna College, sa San Jose, Bulacan.

GUJI IN THE VOICE. Samantala, marami ang nagulat sa naging pagsali ng nobyo ni Kaye na si Guji Lorenzana sa talent search show ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines.

Kasama ni Guji na sumali ang kanyang kapatid na si Grace, na ayon kay Kaye ay malapit sa kanya.

Nagsabi naman daw sa kanya si Guji bago ito sumali, at suportado naman daw niya ito.

Kuwento ni Kaye, “Sinabihan niya ako. Sabi ko, ‘Sige, try mo.’

“Nagulat ako pero nakuha naman sila, so happy ako sa kanilang magkapatid.

“Kumbaga, wala naman silang pinagkakaabalahan ngayon.”

Ang pinili nina Guji at Grace na maging coach ay si Apl. de. ap.

NOT READY TO SETTLE DOWN. Napag-usapan na rin naman si Guji, kaya kinamusta kay Kaye ang relasyon nila ng kanyang nobyo.

Nangingiting sagot ng Kapamilya actress, “Okay naman!”

Matagal na rin ang relasyon nina Kaye at Guji, kaya naman madalas na tanong sa kanila ay kung may plano na ba silang magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki ni Kaye, husband-material naman si Guji lalo na at ito’y “mabait, responsible, at saka may mabuting pamilya.”

Iyon nga lang daw, “Hindi pa lang talaga ako ready [magpakasal].”

Bigla pa ngang naalala ng 31-year-old actress ang mga interview sa kanya ng press noon.

“Dati, nung eighteen ako, sabi ko, ’Twenty-five, gusto ko may asawa na ako!” natatawa niyang kuwento.

“Naaalala ko, tinatanong ako ng press, ‘How do you see yourself five years from now?’

"Sabi ko, ‘Feeling ko may family na ‘ko, feeling ko hindi na ako mag-aartista after.’

“Parang hindi ko pa nararamdaman ngayon!

“Hindi ko talaga alam, e... kahit sila Jodi [Sta. Maria] tinatanong ako, ‘Bakit, bakit? Natu-trauma ka ba sa amin?’ gumaganun siya.

“Sabi ko, hindi naman, hindi ko pa lang talaga siya nararamdaman pa.

"Tsaka feeling ko, yung takot ko na mag-fail, na… kasi ang daling, ‘Gusto ko na magpakasal. O, ito magpakasal tayo.’

“Pero kasi, ang dami kong nakakausap na... yng nanay at tatay ko sinasabi, ‘Makikilala n’yo talaga ang isa’t isa kapag magkasama na kayo sa bahay,’ kaya parang ayaw ko muna.”

KEEPING IT REAL. Isa sa mga kahanga-hanga kay Kaye ay nagagawa pa rin niyang paghiwalayin ang kanyang personal na buhay at ang kanyang public life.

Katulad na lamang sa relasyon nila ni Guji, kung saan alam man ng tao ang tungkol sa kanilang relasyon, hindi naman ito gaanong napag-uusapan.

“Hindi po ako ma-showbiz na tao,” nakangiting sagot ng aktres nang tanungin kung paano niya iniingatan ang kanyang personal na buhay.

“Hangga’t kaya ko na sa akin lang...

"Kung mapapansin n’yo, hindi ako masyadong nagpapa-interview sa TV pag may issue, or yung may issue papatulan... hindi talaga.

“Kasi iyon na nga lang yung natatabi ko para sa sarili ko.

"And siguro, my family keeps me grounded. Sila talaga yung hindi ako artista sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, gano’n, nakakatulong ‘yon.”

Mula sa pananaw ng isang artista, na mayroon din relasyon sa kapwa niya artista, gaano nga ba kahalaga na mapanatili nilang pribado ang kanilang personal na buhay?

“Importante,” mabilis na sagot ni Kaye.

Aniya, “Kasi minsan, kumbaga... lalo na yung personal?

"Kasi minsan, kapag alam pa rin ng tao yung personal na buhay mo, mas nasisira kasi nalalaman ng ibang tao.

“Kasi nandiyan na yung may naninira, yung may sabi-sabi na nakakarating sa ‘yo.

“So mas na kayo ang nakakaalam, kung may problema, kayo lang magsu-solve.

"Nasa inyo lang ‘yon, hindi na damay yung buong mundo.

“Importante rin kasi, ‘yon nga, yung part namin na hindi kami artista, hindi kami nagtatrabaho, ito pa rin ako, ako pa rin yung dati.

“Kasi kapag artista ka na, tapos showbiz ka pang tao, parang ‘yon na lang ang mundo mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN