Jessy Mendiola and Matteo Guidicelli settle their issue for endorsement deal

Kung naayos ba ang tampuhan nila ni Matteo Guidicelli, sagot ni Jessy Mendiola, "Naayos naman. Well, we’re co-workers so hindi naman talaga maiiwasan sa mundo na maliit na magkasalubong or whatever. So, mas minabuti na rin namin."


Ipinakilala sina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli bilang mga pinakabagong ambassadors ng isang social-messaging application kahapon, July 10, sa Manila Peninsula Hotel.

Kapwa nagulat daw ang dalawang Kapamilya star nang ipaalam sa kanila two weeks ago na sila ang napiling mag-endorse ng Korean brand na Line.

Ilan sa mga endorser ng brand ay ang mga Korean stars na sina Lee Min Ho (na kamakailan lamang ay nag-concert sa bansa) at ang Super Junior member na si Si Won.

“Nagulat ako. Hindi natin ini-expect,” pahayag ng aktres, na gaganap sa title role na Maria Mercedes.

Masaya rin daw si Jessy dahil natupad ang pangarap niyang maging singer matapos silang mag-duet ni Matteo para sa soundtrack ng TV ad ng Line.

Napabalitang tila naudlot ang pagliligawan ng dalawa na naging magka-loveteam sa Precious Hearts Romances Presents: Paraiso.

Ilang araw raw bago i-shoot ang TV commercial ay nagkita na sina Jessy at Matteo para sa meeting.

Nang tanungin kung nagkaroon ba sila ng mga awkward moments, sagot ni Jessy, “Siyempre, meron. Di ba, meron?”

Ngunit ayon kay Matteo, “Wala, e…Hindi ko alam kung awkward o hindi.

"Alam mo, kami ni Jessy, pag nasa set kami, sobrang sanay kami sa isa’t isa.

“Siyempre, six months kaming magkasama sa Paraiso, so parang our working relationship and everything, our partnership is very nice.”

Naayos na ba ang kanilang “tampuhan”?

Sagot ni Jessy, “Naayos naman.

“Well, we’re co-workers so hindi naman talaga maiiwasan sa mundo na maliit na magkasalubong or whatever.

"So, mas minabuti na rin namin.”

Na-rekindle ba ang closeness nila dahil sa pagsasama sa endorsement na ito?

Sagot ni Matteo, “Uhm, like I said po, pag nasa set kami ni Jess, we are very comfortable with each other and nothing’s changed…”

Sa kanilang relationship status, biro ng young actor, “We are Line friends.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN