Juancho Trivino on cancellation of Teen Gen: “Medyo malungkot, pero business, e.”

Gustong patunayan ni Juancho Trivino na bukod sa kanyang hitsura ay may maibibigay pa siya sa publiko. Sabi niya, “Hindi ko siya tinitingnan na pressure na it will hold me back. Kasi, it will push me pa. Na mapapatunayan ko sa ibang tao na hindi talaga ako susuko. Kahit na sobrang daming trabaho, lagare, walang tulog, gagawin at gagawin ko for the sake of my craft. I will prove to everyone how hard I work and what I can offer in terms of my talents.”


Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso young actor na si Juancho Trivino sa isang coffee shop sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama ni Juancho ang kanyang ama, na gaya niya ay six-footer din.

Si Juancho ang isa sa bagong young stars ng GMA-7 na ipinakilala sa youth-oriented show na Teen Gen, na pagkatapos ng halos walong buwan ay nawala na sa ere.

Kinumusta namin sa 20-year-old newcomer kung ano ang pakiramdam ngayong wala na ang Teen Gen.

Pag-amin niya, “Siyempre, naging sobrang malungkot ako.

“Aside from the business itself na mawawalan kami ng show, yung barkada.

“Iba-iba kasi kami, kaya sobrang dalang naming magkita. Doon lang sa taping kami nakakapag-bonding palagi.

“So, naging barkada talaga kami na solid.

“Then, yun nga, hindi na kami magkikita after eight months of working together.

“Medyo malungkot, pero business, e.”



THE NEWS. Kailan nila nalaman na mawawala na sa ere ang show nila?

Ayon kay Juancho, “Actually, nagkaka-hint na kami, midway through— mga one month or two months before na mawala ang show.

“Nababasa namin sa mga mga tweets na hanggang end of June na nga lang daw ang Teen Gen. Nabasa ko rin sa news.

“So, yun, nakakagulat din.

"Although noong una, hindi na lang namin iniisip at mas gusto naming mag-focus sa work namin dahil baka maabala kami lalo.

“So, work na muna.

“At noong final two tapings, sinabi na, final na nga.”

Hindi naman sila nagkaiyakan?

“Siyempre, hindi naman maiiwasang maging emosyunal.

“Pero ang ginawa na lang namin, in-enjoy namin ang last taping namin.

“Pero siyempre, emotional pa rin.”



THE COMPARISON. Inamin ni Juancho na may tweets silang natatanggap mula sa netizens nang mawala sa ere ang kanilang programa.

Ilan sa tweets na natanggap nila ay ang pagkukumpara sa kanila sa orihinal batch ng dating youth-oriented show ng GMA-7 na T.G.I.S., na taon ang binilang sa ere.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Juancho, “Ayun nga, may nabasa po akong tweet na sinabing hindi raw namin nabigyan ng justice yung cast ng T.G.I.S.

“Para sa akin, although we tried na ibigay ang best namin, inaasahan ko rin na hindi talaga siya magiging kasing-popular noon.

“Ang mga bata ngayon, iba ang libangan.

“Ngayon po, maraming-marami pong kalaban ngayon, tulad ng iba’t ibang social media. Sobrang ibang-iba na po ngayon.

“Tingin ko po, sobrang laking factor po nun.

“At nagkaroon naman po kami ng solid fans.”



STILL THANKFUL. Sa kabila nito, malaki raw ang pasasalamat ni Juancho sa Teen Gen.

Bago ang Teen Gen, wala naman daw nakakakilala sa kanya. Pero sa ilang buwan pa lang niya sa show ay marami na raw nagbago.

Aniya, “Sobrang laking ipinagbago.

“Although dati, nagugustuhan lang nila ang hitsura ko, pero hindi nila ako nilalapitan.

“Ngayon, sobrang ibang-iba na. Nagkakaroon na sila ng courage na lumapit sa akin at magpa-picture.

“Tapos, nakikilala na rin kami at napapansin na rin ng ibang sikat na tao.

“Pero maliban doon, mas naging kumportable ako sa sarili ko, mas naging confident.

“Confident akong humarap sa tao, sa camera… yun po.”

Naramdaman din daw niya na nag-mature siya dahil sa youth-oriented show nila.

“Dati po kasi, aaminin ko, bago magsimula ang Teen Gen, siyempre sisikat-sisikat.

“Pero alam ninyo, noong ginagawa ko na ang Teen Gen, hindi yun ang focus. Hindi siya madali.

“Lalo na nang mag-guest ako sa ibang show na hindi sa Teen Gen, mas mahirap siya.

“At alam ko na kailangan ko siyang seryosohin.

“Alam ko sa sarili ko na passion ko ‘to. Na gusto kong gawin ‘to habang buhay ko.

“Nag-mature ako dahil siyempre, medyo naumpog-umpog din ako sa katotohanan na hindi lahat ‘to, biro-biro lang.

“Kailangan talagang magseryoso.”

Kinontra naman ni Juancho ang opinyon ng ilan na masuwerte siya kumpara sa ibang baguhan na dumaan muna sa mga reality show bago naging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kaso niya ay parang dumating na lang sa palad niya ang oportunidad na maging artista dahil na rin sa kanyang hitsura.

Ayon kay Juancho, “I wouldn’t say that.

“Before Teen Gen, I’ve worked hard with my acting.

“I went through… sobrang daming casting para makakuha ng commercials.

“And doon din ako nag-grow—sa mga casting.

“Siyempre, humaharap ka rin sa camera, sa grupo ng mga tao, na na-build din ang confidence ko bago ako mag-Teen Gen.

“And it made me stronger.

“Kaya hindi ko masasabing nakuha ko ito on a silver platter, pinaghirapan ko rin.

“And yung Teen Gen itself, sobrang daming audition na pinagdaanan namin.

“Sobrang tagal din po ng hinintay namin, so we worked hard for it.”



NEXT PROJECT. Si Juancho ay co-managed ng GMA Artist Center at ni Maristel Fernandez, na siya ring manager ng singer na si Jaya.

Naghihintay lang daw si Juancho sa sinabing naka-lineup na bagong show na gagawin niya.

Plano rin niyang magbalik sa La Salle Canlubang at kumuha ng ilang units sa susunod na semester para matapos na niya ang kursong Entrepreneurship.

Walang duda na artistahin si Juancho dahil sa kanyang hitsura, pero paano niya mapapatunayan na hindi lang siya “another pretty face” sa showbiz?

“Challenge po yun sa akin,” sagot niya.

“Hindi ko siya tinitingnan na pressure na it will hold me back.

“Kasi, it will push me pa. Na mapapatunayan ko sa ibang tao na hindi talaga ako susuko.

“Kahit na sobrang daming trabaho, lagare, walang tulog, gagawin at gagawin ko for the sake of my craft.

“I will prove to everyone how hard I work and what I can offer in terms of my talents.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN