Sarah Lahbati returns to the Philippines to face libel charges

Sarah Lahbati arrived at NAIA last night, July 11, with boyfriend Richard Gutierrez. When asked if she’s ready to face the libel charges against her, she replied, “Yes, of course, that’s why I’m here.”


Nagbalik na sa Pilipinas ang young actress na si Sarah Lahbati at handa umano niyang harapin ang kasong libelo na isinampa laban sa kanya.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa Unang Hirit ngayong umaga, July 12, dumating sa bansa ang StarStruck alumna lulan ng Etihad Airways flight 428 mula sa Abu Dhabi.

Ito ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport bandang 11:30 kagabi, July 11.

Dumating si Sarah kasama ang kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez.

Hindi nagpaunlak ng panayam si Sarah nang salubungin siya ng GMA News sa airport.

Pero nang tinanong siya ni Nelson kung handa siyang harapin ang kasong libelo laban sa kanya, nakangiting sagot ng 19-year-old actress, “Yes, of course, that’s why I’m here.”

Ang Filipino-Swiss actress ay sinampahan ng kasong libel ni GMA Films President Annette Gozon-Abrogar dahil sa diumano’y libelous statement na nai-post niya sa microblogging site na Twitter.

Kaugnay nito, naglabas ng warrant of arrest laban kay Sarah ang Makati Regional Trial Court noong May 20.

(Read: Warrant of arrest issued for Sarah Lahbati)

January 2 nitong taon nang mag-post ng contoversial tweets si Sarah tungkol sa talent arm ng GMA Network, ang GMA Artist Center (GMAAC).

(Read: Sarah Lahbati reveals falling out with GMA Artist Center on Twitter; signs co-management contract with Annabelle Rama)

January 13 naman umalis si Sarah kasama ang kanyang ina patungong Switzerland.

Ayon sa GMAAC, labag sa kontrata ng aktres ang pagbabakasyon nang walang pahintulot. Gayundin ang diumano’y hindi niya pagtupad sa ilang commitments.

Epektibo hanggang January 2015 ang kontrata ni Sarah sa GMA Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN