Angelica Panganiban lashes back at haters of relationship with John Lloyd Cruz

Hindi na rin napigilan sumagot ng aktres na si Angelica Panganiban sa sinasabing haters ng relasyon nila ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay binuweltahan niya ang mga ito.


Hindi na rin napigilan ni Angelica Panganiban ang kanyang damdamin kaya binuweltahan na nito ang "haters" o "bashers" sa kanilang relasyon ng nobyong si John Lloyd Cruz.

Ginawa ito ni Angelica sa pamamagitan ng kanyang account sa photo-sharing website na Instagram kaninang bandang alas-dos ng madaling-araw, July 12.

Nag-post si Angelica ng litrato nila ni John Lloyd at inilagay niya ang caption na ito:

“Helloooooo!!! Are guys happy or feelin’ being a hater? Were used to it!! Hahahaha! We invested sooo much happiness…So please make sure, we’ll get affected sa haters :)”

Noong nakaraang linggo ay ipinagdiinan naman ni John Lloyd na masaya ang relasyon nila ni Angelica, sabay patutsada sa ibang taga-media na diumano’y gumagawa ng kung ano-anong isyu tungkol sa kanila.

(Read: John Lloyd Cruz on relationship with Angelica Panganiban: “Sobra talagang walang problema.”)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN