Kris Bernal hesitant about "Kapuso Princess" tag: "Baka di ko mapanindigan."

May pag-aagam-agam pa si Kris Bernal sa tawag sa kanyang "prinsesa," pero kumpiyansa siyang prinsesa siya sa puso ng kanyang mga fans.


Sa kasalukuyan ay ang musical-variety show na Sunday All Stars at daytime drama anthology na Maynila muna ang pinagkakaabalahan ng Kapuso actress na si Kris Bernal.

Si Kris ang featured artist sa Maynila for the whole month of July.

Ngunit hindi magtatagal ay muling mapapanood si Kris sa primetime block sa pamamagitan ng upcoming drama series nila ni Aljur Abrenica na Prinsesa ng Masa.



FIRST TITLE ROLE. Ayon kay Kris, ang Prinsesa ng Masa ang kanyang kauna-unahang title role at hindi pa raw siya makapaniwala sa pagkakataon na ito.

“Parang gano’n, ang bigat, ’no?” pagtukoy ni Kris sa nakaatang na responsibilidad sa kanya.

Dagdag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Di ko pa siya nararamdaman.

“Di ko pa nararamdaman kasi parang di ko pa masabi na…

"Di naman talaga ako ang ’prinsesa ng masa,’ pero thankful ako dahil nabigay sa akin ’yon.”

Dahil sa role niyang ito, patunay lamang na isa talaga si Kris sa mga itinuturing na "prinsesa" ng GMA-7.

Pero aniya, “Wala pa sa isip ko ’yon, e. Di ko inisiip ’yan.

"Pero siguro sasabihin ko na lang na prinsesa ako sa puso ng mga fans ko dahil grabe ang pag-aalaga nila sa akin; ang pagprotekta nila sa akin.

“Pero ayokong manggaling sa akin na prinsesa talaga ako ng masa, baka di ko mapanindigan.”

TEAM-UP WITH ALJUR. Ngayong Hulyo raw ay magiging puspusan na ang paghahanda nila ni Aljur para sa Prinsesa ng Masa.

Sasailalim daw sila sa acting workshops na pamumunuan ng director-actress na si Laurice Guillen at ng character actor na si Pen Medina.

Walang duda na may hatak ang team-up nila ni Aljur.

Nabigyan na sila noon ng mga proyekto kunsaan ipinareha sila sa iba, subalit muli rin silang pinagtambal.

Sina Kris at Aljur ay kabilang sa StarStruck Batch 4, kung saan si Aljur ang nagwaging Ultimate Hunk samantalang si Kris ay nanalong Ultimate Loveteam katuwang si Martin Escudero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kris, “Nakakatuwa kasi nandiyan pa rin yung solid fans namin.

"Talagang kapag nagsasama kami, nakikita namin na may followers pa rin kami kahit naghiwalay na kami sa ibang shows.”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na hindi sila ni Aljur sa tunay na buhay.

Ang girlfriend ni Aljur ay si Kylie Padilla, habang si Kris naman ay eksklusibong nakikipag-date kay Carl Guevera.

Paano ba nila napapanatiling effective ang kanilang tambalan gayong hindi naman sila sa tunay na buhay?

“Siguro yung pagiging honest namin sa isa’t isa,” sagot ni Kris.

Totoong close daw sila sa tunay na buhay pero nagsasabi sila ng totoo sa publiko na walang namamagitan sa kanila.

“Parang natural namin ’yon na we’re really sweet, we’re really that close... ganun talaga kami.

“We’re not faking it, we’re not acting it out.

"Feeling ko, yun ang naging sikreto namin—yung honest lang talaga sa isa’t isa tapos sa mga fans namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN