John “Sweet” Lapus on his lovelife: “Wala na, hindi ko na kasi pinaplano ang lovelife.”

Aminado si John "Sweet" Lapus na sa lob ng 40 years na niya sa mundo ay mga regrets siya sa buhay. Aniya, “Mga taong nasaktan ko, bukod sa nag-regret ako, nag-apologize ako. Yung mga bagay na hindi ko nagawa, puwede ko pa namang gawin ngayon.”


Huling taping day na noong Martes, July 9, ng Talentadong Pinoy Worldwide na ginawa sa Broadway Centrum. Pansamantala muna raw kasing magpapahinga sa ere ang talent show na ito ng TV5.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John “Sweet” Lapus, na isa sa talent scouts ng show.

Nagsaad ng saloobin si Sweet tungkol sa nakatakdang paglisan sa ere ng Talentadong Pinoy, na limang taon ding hinu-host ni Ryan Agoncillo.

Aniya, “Well, sabi, season break. Kung tutuloy pa? Sana, sana.

“Sana nga ay maibalik ng management ang Talentadong Pinoy Worldwide.

"Kasi, sabi ko nga, ito ang original talent show ng Pilipinas.

“This is the reason why ang ibang networks ay nag-franchise ng local version ng international talent show dahil nag-click nga itong Talentadong Pinoy, di ba?

“Nakapanghihinayang talaga, pero yun nga, magbi-break daw muna, then eventually ay itutuloy.

“Sana nga, kasi kilala na namin ang mga staff dito.

“Ako kasi ay isa sa pinaka-close sa mga staff dito dahil these are the same staff ng Sing-Galing na naging host ako ng ilang years din dito sa TV5, tapos naging Talentadong Pinoy na nga.

“Yung iba diyan, ako na ang nag-host ng wedding nila, ninong ako ng mga anak, so close kami lahat."

Dagdag niya, “Ako nga, kahit noong nasa GMA pa ako, nagta-Talentadong Pinoy din ako.

"Kahit noong sa ABS-CBN ako, nag-Talentadong Pinoy din ako—sayang din talaga.

“Alam naman nating ang daming talentadong Pinoy na ang hinihintay lang ay break at exposure para maging sikat sila.

“Sayang, sayang yung show na ito and.... yung maging isa sa talent scouts ng TP is such an honor, di ba?

“Pinagkakatiwalaan ako at binigyan ng karapatang maging judge at magbigay ng komento sa mga contestants—nakakataba ng puso.

“Sabi nga, if there’s one network who treats me like a star, ang TV5 yun. Na-appreciate ko naman yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BIRTHDAY CELEBRATOR. Habang ini-interview ng PEP si Sweet ay sumingit ang Talentadong Pinoy staff at kinantahan siya ng “Happy Birthday” dala ang isang birthday cake.

Si Sweet ay nag-celebrate ng kanyang 40th birthday noong July 7.

At 40, kumusta naman ang kanyang buhay?

Nangingiting sabi ng komedyante, “Parang wala namang nangyari.

“Totoo nga yata ang sabi nila na ‘Life begins at 40.’

"Ako ngayon, ang daming bagay na I decided to do."

Ano ang mga bago niyang gagawin ngayong 40 na siya?

“Bago? Yeah, of course malapit na ang grand finals nitong Talentadong Pinoy.

"Tapos, gagawa ako ng soap, heto ngang with Julia Barretto."

Ang tinutukoy ni Sweet ay ang upcoming soap ng ABS-CBN na Mira Bella.

“Ang maganda dito ay I will get to work finally on TV with my friend Pokwang.

“So, maganda, kasi comedy-drama siya and, at the same time, fantaserye.

"Tapos, kaming dalawa ni Pokwang ang magulang ng bagets.

“Kakaiba, kasi nga, first time ko mag-portray na gay father na usung-uso ngayon, di ba?”

GAY RIGHTS. Dagdag pa ni Sweet, “Yun naman kasi ang ipinaglalaban ng mga beki, di ba?

“Equality sa trabaho, sa araw-araw na pamumuhay...

"Equality na ma-accept na puwedeng ang mga bakla ay maging isang magulang.

“Sa Amerika nga, usung-uso na ang mga States na nagiging legal na ang gay marriages, di ba?”

Naalala tuloy namin ang controversial "kissing photo" ng mag-pinsang Isabelle Daza at Georgina Wilson na umani ng sari-saring komento at reaksiyon.

Natatawang komento ni Sweet dito, “Yung sa kanila naman, naging controversial kasi magpinsang-buo nga sila, di ba?

“Iyon at yun naman yun at doon sila nagkamali—magpinsang-buo sila.

“Gets naman ng tao na it’s about lesbianism at support nila sa LGBT [Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgenders] community, pero nakalimutan nila na magpinsang-buo sila.”

Siya, bilang isang aktibong tagasuporta sa mga activities ng LGBT, ano ang take niya dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sweet, “Ako na-appreciate ko yun, talagang gusto ko ang dalawang ‘yan.

“Sobra ang support nila sa LGBT community, gandang-ganda ako sa dalawang ‘yan.

“Feeling ko nga ay isang Daza rin ako, e!”



WISHES AND REGRETS. Tungkol sa pagiging 40 years old na niya, mayroon ba siyang naging regrets sa buhay, sa mga naging desisyon niya in the past?

Nag-isip muna siya bago nagsalita.

Sabi ni Sweet, “Actually, meron.

“Pero ako kasi, tumatatak sa isip ko ang mga bagay na ipinag-regret ko tapos ginagawan ko ng paraan.

“Mga taong nasaktan ko, bukod sa nag-regret ako, nag-apologize ako.

“Yung mga bagay na hindi ko nagawa, puwede ko pa namang gawin ngayon.

“Actually, maayos ko lang ang schedules ko, gusto kong mag-aral ng English proficiency.”

Aminado naman kasi si Sweet na kahit madalas siyang mag-host sa corporate at TV shows ay hindi naman siya ganoon ka-proficient sa English language.

“Ang tagal-tagal ko na ring host, pero admittedly ay hindi naman ako magaling mag-English.

“Lagi na lang pag nag-English ako, e, ‘punchline.’

“Sa Temptation Island noon, nag-hire pa ako ng isang taong magaling mag-English so as to guide me in the proper pronounciation and enunciation, kasi puro English ang dialogue ko doon.

“Gusto ko... hindi pa kasi huli ang lahat para sa akin na makabawi at maghabol sa mga hindi mo pa nagawa at na-experience.”



GOOD HEALTH. Ano naman ang kanyang birthday wish?

“Siyempre, yung sa health.

“Kasi, hindi naman na ako bata—mukhang bata lang—pero, di ba, kung anu-ano na rin ang mga kababalaghan ang lumalabas sa katawan ko?

“Like, magpapa-executive check-up ako, kasi since hindi naman ako nagpa-party ay yun ang birthday gift ko sa sarili ko.

“Importante, kasi nga, pag forty to forty-five or fifty ka na, dapat nagpapa-check-check ka na ng mga bagay-bagay sa katawan mo.

“At siyempre, tuluy-tuloy ang pagda-diet ko at pagdyi-gym.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really wanna be fit kasi hindi na rin talaga tayo bumabata at importante talaga ang good health sa edad natin—yun ang priority ko ngayon.”



LOVELIFE. Nakalimutan na yata niya ang kanyang lovelife, pagbibiro namin kay Sweet.

Pabuntung-hiningang sabi niya, “Wala na, hindi ko na kasi pinaplano ang lovelife.

“Dati, sinasabi ko na, this year ay magkaka-boyfriend ako, ngayon hindi na.

“Happy na ako dahil single ako at nai-inspire ko ang LGBT community.

"Like, last Saturday [July 6], ay naiiyak nga ako dahil lahat ng mga kabigan ko ay nandoon and at midnight, binati talaga nila ako.

“Kasi, di ba nga, merong white party ang LGBT noong July 6? Celebration ito ng Gay Pride.

“Ma-imagine mo na at twelve o’ clock, kinantahan nila ako ng ‘Happy Birthday,’ may cake, may confetti. Naging emotional talaga ako.

“Nandoon si Vice [Ganda], ang saya-saya.

“Ang feeling ko ay party na yung white party na parang bisita ko silang lahat,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN