Sarah Lahbati posts bail for libel case

Nagbayad na ng piyansa, na nagkakahalaga ng sampung libong piso, ang young actress na si Sarah Lahbati kaugnay ng kasong libel na isinampa laban sa kanya ni GMA Films President Annette Gozon-Abrogar.


Ilang oras pagkatapos niyang bumalik sa Pilipinas, nagbayad na ng piyansa ang young actress na si Sarah Lahbati ng halagang sampung libong piso sa Makati Regional Trial Court ngayong araw, July 12.

Ang piyansa ay kaugnay sa kasong libelo na isinampa laban kay Sarah ni GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Ang libel case ay nag-ugat sa Twitter posts ng StarStruck alumna noong Enero ng taong kasalukuyan tungkol sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.

Ayon sa ulat ng dzBB, na nailathala sa GMA News Online ngayong hapon, kasama ni Sarah na pagpunta sa Makati RTC Brach 59 ang kanyang ina at abugado.

Itinakda naman ng korte ang arraignment ni Sarah sa August 22, kung saan dapat ay personal itong siputin ng aktres.

Dumating si Sarah sa Pilipinas kagabi, July 11, kasama ang kanyang nobyong si Richard Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN