Kristoffer Martin on doing a project with girlfriend Joyce Ching: “Feeling ko, kapag pinagsama kami… boom!”

Unti-unting nagbubunga ang paghihirap at tiyaga ni Kristoffer Martin para humusay siya sa pag-arte. Ang sikreto niya: “Lahat, iniisip ko kung ano ang tama at yung mga nuances na dapat tinatanggal. So, iyon ang susi ko sa pagiging seryoso ko ngayon sa trabaho.”


Unti-unti nang napapatunayan ngayon ni Kristoffer Martin ang kanyang galing bilang isang bagong sumisibol na young drama actor.

Nabigyan siya ng chance na maipakita ito sa indie film na Oros kung saan ilang beses nang na-recognize ang kanyang performance.

Nagwagi si Kristoffer para sa Oros bilang Best Supporting Actor sa Golden Screen awards ng Entertainment Press Society (Enpress).

Bukod pa rito ay na-nominate din siya sa parehong kategorya sa Cinemalaya at sa Young Critics Circle (YCC) awards.

Kamakailan naman, ginawaran siya ng honorable mention sa Best Supporting Actor category pa rin in the recently concluded 16th Annual Long Island International Film Expo sa New York.

Ito ay bilang pangalawa sa nanalong si Michael Giese ng pelikulang Wet Behind The Ears.

One hundred fifty films ang kabuuang bilang ng entries dito.

Para mapansin at bigyan siya ng honorable mention na pagkilala dito ay isang malaking karangalan para kay Kristoffer.

Sana raw ay nakapunta siya para personal niyang natanggap ang nasabing pagkilala.

“Gusto ko talaga na magpunta,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon sa gazebo ng GMA Network compound.

“Pero mahihirapan kasi wala pa akong visa, plus may mga trabaho rin ako rito.

“Hindi ko alam kung papayagan ba ako na pumunta.

“Natuwa talaga ako nang nalaman ko na honorable mention ako. Actually, hindi nga ako makapaniwala.

“Kasi akala ko… wala lang. Hangang sa sinabi nga sa akin ng director namin sa Oros na si Direk Paul Sta. Ana ang tungkol doon.

“At in-email niya sa akin yung list of winners pati mga honorable mention sa bawat categories.

“Nabasa ko, nandoon nga ang pangalan ko—kinilabutan ako, kasi internationally, nakilala yung film namin.

“And kahit papano, napansin nga rin ang acting ko doon.

“Masasabi ko na malaking bagay talaga yung nagawa sa akin ng Oros.”

WORKING HARD. Siya na nga marahil ang next important young drama actor ng GMA-7; ano sa palagay niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana!” nangiting sabi ni Kristoffer.

“Pagtatrabahuhan natin yun, pagtatrabahuhan natin. Mas lalo kong pagsisikapan na mag-improve pa as an actor.

“And… ako kasi, inaaral ko na lahat ngayon, e, kasi dati, pabandying-bandying lang ako, e.

“Ngayon, inaaral ko na lahat bawat character na i-portray ko, bawat eksena na gagawin ko.

“Inaaral ko na talaga ngayon kung paanong atake ang gagawin ko.

“Lahat, iniisip ko kung ano ang tama at yung mga nuances na dapat tinatanggal.

“So, iyon ang susi ko sa pagiging seryoso ko ngayon sa trabaho,” pagmamalaki niyang kuwento.

Bukod sa Sunday All Stars (SAS) at pagiging leading man ni Kim Rodriguez sa seryeng Kakambal ni Eliana, may alok daw ulit na indie films sa kanya.

“Pero hindi pa inaaprubahan ng Artists Center, kasi itsi-check din muna nila.

“Mamaya meron mga malalaswang ano… or hindi makakabuti sa career ko, o hindi makakabuti sa pangalan ko. So, itsi-check muna nila,” saad ng binata.

Natutuwa raw si Kristoffer na marami ang sumusubaybay sa Kakambal ni Eliana.

“Dapat mag-i-end kami ng first week ng August. Ngayon, ang sabi, hanggang end of August daw.

“Mas gumaganda pa yung role ko dito… sa umpisa, puro ako pa-siga-siga lang.

“Pero ngayon, sa latter part ng story, andiyan na yung mga drama scenes.

“Yung pinaghandaan ko at ikinasa ko for the role, ngayon ko naibubuhos.”

WAY AHEAD. Dahil ngayon ay nari-recognize na ang galing sa pag-arte, pakiramdam ba niya ay nagkakaroon na siya ng edge sa mga kasabayin niyang Tweenstars?

“Hindi,” paniniguro niya.

“Iyon ang iniiwasan kong tingnan, e, hindi ko inilalagay sa utak ko yun.

“Basta kanya-kanyang talent lang kami, kanya-kanyang advantage lang.

“Kumbaga, sabi nga nila, ‘You can’t have it all,’ na parang isa-isa lang.

“At saka nobody is perfect naman, so hindi kailangang ikumpara mo ang sarili mo sa iba dahil hindi ka naman perfect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng nakukuha kong recognition ngayon, it serves as my inspiration para mas pagbutihin pa ang trabaho ko,” pagpapakumbaba niyang pahayag.

Siyempre, inspirasyon din daw sa kanya ang magandang takbo pa rin ng relasyon nila ni Joyce Ching.

“Oo, siyempre, lalo at sobrang supportive niya sa akin.

“Hindi naman nawawala yung suporta namin sa isa’t isa.

“And ano naman, e, iba naman ang trabaho sa personal, e.

“Kaya hindi namin pinapakialaman ang trabaho ng isa’t isa.”

PRIORITIES. Sa list ng kanyang priorities, alin ba ang una?

“Trabaho siyempre, next ang family ko, third yung sa amin ni Joyce.”

Okay lang ba yun sa Kapuso young actress na pangatlo lang ang relationship nila sa priorities ni Kristoffer?

“Naiintindihan naman niya, hindi naman kailangang i-prioritize sa ngayon ang relasyon namin.

“Kapag mag-asawa na siguro kami, tapos, meron na kaming sarili naming pamilya.

“Pero ngayon, inspiration-inspiration muna, okay lang naman sa aming dalawa na ganoon muna na ang priority namin is trabaho.

“But we still have to time to go out naman kahit gaano pa kami ka-busy sa work.

“Minsan nanonood kami ng movie, kumakain kami sa labas, nagdi-dinner kami.

“May time na dinadalaw ko rin siya sa set ng Anna KareNina. Kapag may time ako, nagdadala ako ng pagkain sa kanya.”

IDEAL LOVETEAM. Sa ngayon, sa iba sila naipapareha at wala naman daw itong epekto sa smooth-sailing pa rin ang takbo ng relationship nila.

“Pero actually, hinihintay rin namin yung chance na pag-partner-in din kami, e, iyon talaga ang hinihintay ko.

“Kasi, yung mga fans namin, sobrang nag-aantay na rin.

“Feeling ko, kapag pinagsama kami… boom!

“Para sa akin, ha?” sabay ngiti ni Kristoffer.

Mas magiging mahusay ba ang performance niya kung sakaling si Joyce ang kanyang magiging kasama sa trabaho?

“Feeling ko!

“Actually ano, e… lalo na kung kilig-kilig na loveteam-loveteam—mas magiging madali na sa amin,” pagtatapos niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN