Matteo Guidicelli denies courting Sarah Geronimo; "breakup" with Jessy Mendiola

Pinabulaanan ni Matteo Guidicelli ang napabalitang nililigawan diumano niya si Sarah Geronimo. Sabi ng aktor, "Ligaw? Wala, magkaibigan lang talaga kami.”


Itinanggi ni Matteo Guidicelli na may espesyal na namamagitan sa kanila ni Sarah Geronimo.

May lumabas kasing balita na matagal na raw crush ng aktor ang Pop Princess. Nagkaroon daw ng pagkakataon na magkalapit ang dalawa nang magkasama sila sa nakaraang show ni Sarah sa Amerika kung saan isa sa guests niya si Matteo.

Sa launching ni Matteo, kasama si Jessy Mendiola, bilang ambassador ng social-messaging application na Line sa Manila Peninsula last July 10, Wednesday, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktor kung totoo bang matagal na siyang may crush sa Pop Princess at kung nililigawan niya ito.

Tugon niya, “Nothing, we’re friends.

"No, no, no... wala po, we’re just friends.

"Ligaw? Wala, magkaibigan lang talaga kami.”

ALMOST THERE. Sa naunang panayam kay Jessy, inamin ng aktres na “almost there” ang naging estado ng relasyon nila ni Matteo noong magkasama sila sa afternoon soap na Paraiso. Ngunit naputol lang daw ito dahil sa sobrang busy ng schedule nila pareho.

Ano ang reaksiyon ni Matteo tungkol sa pahayag na ito ni Jessy?

“Talaga? Papanoorin ko uli sa YouTube...

"Salamat Jessy, I appreciate it.

“Kami ni Jessy, sobrang close kami... siyempre we’re very close.

"Magkasama kami sa Paraiso for six months, sobrang bonded kami ni Jessy.

"Hindi ko talaga makakalimutan yung moments we’re always together on the set, with our director and everything.

"It’s a blessing to work with her again in a next project.

"We’re always close, we’re always close.”

Pinabulaanan naman ni Matteo ang napaulat na siya raw ang nag-initiate ng "breakup" nila ni Jessy sa pamamagitan lamang ng telepono.

“Wala, walang ganyan," sabi niya.

Ayon kay Matteo, nakatuon ang atensiyon niya ngayon sa kanyang career at sa kanyang sports na triathlon.

“All I’m doing right now is concentrating on my new soap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m working on Biggest Loser, Iron Man coming up this August.

"So yun talaga ang focus ko—time for work, Galema, Biggest Loser."

Samantala, umiwas naman nang pag-usapan ni Matteo ang tungkol sa pakikipagsagutan niya sa isang basher na kumukuwestiyon sa kanyang kasarian.

Sabi lang niya, “Sa Instagram, pero wala, wala yun.

"Hindi naman, hindi naman ako napikon... balik ako mamaya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN