PEP EXCLUSIVE. Rodjun Cruz involved in minor vehicular accident along EDSA

Namataan ng PEP ang young actor na si Rodjun Cruz sa EDSA Magallanes-Ayala kaninang bandang 4:40 ng hapon habang nasangkot sa isang banggaan.


Bandang 4:40 ngayong hapon, July 12, nang mamataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Rodjun Cruz sa kahabaan ng EDSA Magallanes-Ayala.

Nasangkot sa isang minor vehicular accident ang minamanehong white Montero sport ng nakatatandang kapatid ni Rayver Cruz.

Maayos naman ang lagay ni Rodjun, na naabutan ng PEP na kausap sa telepono ang kanyang kapatid, gayundin ang may-ari ng nakabangga nitong Honda CR-V.

“Daplis lang,” sabi ni Rodjun sa PEP tungkol sa tama ng kanyang sasakyan.

Ayon pa sa young actor ay gusto na nga raw niyang makaalis dahil sa abalang naidulot ng banggaan. Hinihintay na lamang daw niyang maayos ang police report.

Kalmado naman ang aktor at mukhang hindi naman sila nagkainitan ng kanyang nakabangga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN