Atty. Annette Gozon-Abrogar happy about Sarah Lahbati’s return; Sarah happy "first step is done"

Pagkatapos bumalik sa bansa ni Sarah Lahbati (kanan) ay uusad na rin rin ang libel case na isinampa ni GMA Films President Annette Gozon-Abrogar (kaliwa) laban sa young actress.


Hindi na aarestuhin si Sarah Lahbati matapos itong magpiyansa ng sampung libong piso kaninang umaga, July 12, sa Makati RTC Branch 59.

Ang piyansa ay kaugnay ng warrant of arrest na inilabas ng Makati Prosecutor’s Office matapos mahanapan ng korte ng "probable cause" ang libel case na isinampa ni GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar laban kay Sarah.

Ito ay dahil sa mga mapanirang mga pahayag diumano ni Sarah sa Twitter laban sa film executive.

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA 7 ngayong gabi, sinabi rito na itinakda na ang arraignment sa kaso sa August 22.

Ayon sa korte, dapat itong daluhan nang personal ni Sarah.

Sabi pa ni Judge Winlove Dumayas, “Once she posted her bail, she can move freely because there is no warrant of arrest against her by this court.

"It’s better that she has surrender and posted her bail because the case can now move on.”

Kapag hindi raw sisiputin ni Sarah ang naturang arraignment, maaaring kanselahin ang piyansa at ipag-utos na arestuhin siya.



ANNETTE: "HINDI NAMAN TALAGA FOR SARAH..." Sa kaugnay na ulat, natutuwa raw si Annette na nakabalik na ng bansa si Sarah para umusad na ang kaso na isinampa niya laban dito.

Aniya, “Hindi naman talaga just for Sarah, no.

"I want people to be more responsible talaga sa social media because even if...

"Of course you have freedom of speech, but hindi naman absolute yun as we know, di ba?

"So I guess I want everyone to be just responsible and it’s always been a campaign of GMA Network to be responsible in social media.

"Kaya nga meron tayong campaign na ‘Think before you click.’"

May isa pang kinakaharap na kaso si Sarah tungkol naman sa breach of contract dahil sa hindi raw nito pagtupad sa mga nakasaad sa kanyang kontrata sa GMA-7 na epektibo pa hanggang February 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SARAH: "I’M HAPPY NA THE FIRST STEP IS DONE..." Sa ulat naman ng TV Patrol ng ABS-CBN, hindi pa rin nagsalita si Sarah tungkol naman sa haka-hakang nanganak daw ito sa supling nila ng nobyong si Richard Gutierrez sa Switzerland.

Sa panayam nila kay Sarah, sinabi nitong, “Nandito lang po ako, bumalik ako para harapin ayusin ang mga dapat ayusin.

"Sana matapos na ’to nang maayos.

"I’m happy na the first step is done.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN