Phillip Salvador admits turning down projects because "walang challenge"

Phillip Salvador expresses his interest in doing indie films to meet new directors. Through this, he says, "I will learn. It’s like I’m going back to school, I will learn from them."


Hindi problema para sa batikang aktor na si Phillip Salvador ang gumanap bilang kontrabida katulad ng kanyang role sa bagong teleserye ng TV5, ang Undercover.

Marami nang napatunayan ang 59-year-old actor pagdating sa pag-arte. Kabilang na rito ang mga natatangi niyang pagganap sa mga kilalang pelikula ng batikang direktor na si Lino Brocka tulad ng Jaguar (1979), Bona (1980), Cain at Abel (1982), Bayan Ko: Kapit sa Patalim (1985), at Orapronobis (1989).

Bagamat madalas siyang nakukuha noon bilang lead actor ng mga pelikula, lalo na sa mga action biopics tulad ng Balweg (1986), Boy Negro (1980), at Ka Hector (1995), hindi alintana sa award-winning actor na maging kontrabida sa teleseryeng pinagbibidahan ni Derek Ramsay.

“Sabi nga nila, changing of the tides ’yon,” nakangiting sabi ni Phillip sa press conference na inihanda para sa lead actors ng Undercover noong Huwebes ng gabi, July 11.

Para kay Phillip, mas mahalaga sa kanya kung masusubukan siya bilang aktor ng karakter na kanyang gagampanan.

Sa katunayan, aniya, may ilang proyekto na rin siyang tinanggihan dahil hindi niya gusto ang role na inaalok sa kanya.

“Marami na rin akong tinurn down,” kuwento ni Phillip.

“Siguro mga labindalawa ang tinurn down ko kasi hindi ko gusto yung role, walang challenge.

“Hindi ako magiging happy. Kung hindi ako happy, bakit ko gagawin?

“Kung gagawin mo naman yung character, kawawa naman yung production.”

Tila hindi naman nagdalawang-isip si Phillip sa Undercover dahil sabi niya, “Kontrabida naman ang gagawin mo. Kasi dito, nakikita ko, bida-kontrabida ako.

“Ang gusto ko lang, ang gagawin ko maganda.

“Hindi baleng kontrabida, basta maganda [ang role] at alam mong makakatulong, gagawin ko.”

NON-EXCLUSIVE CONTRACT ARTIST. Samantala, napag-usapan din sa presscon ang pagiging non-exclusive contract artist ni Phillip.

Bago kasi ang Undercover sa TV5, nakita si Phillip, o mas kilala sa showbiz bilang Ipe, sa ilang programa ng GMA-7 tulad ng reality talent search show na Protégé at afternoon drama na Unforgettable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro tuloy ng ilang entertainment media, baka mahal ang talent fee ni Phillip.

Natatawang sagot naman ng aktor, “To be honest about it, wala namang kumukuha sa akin.”

Kung siya ang tatanungin, walang problema raw may kumuha sa kanya bilang exclusive artist.

At kung ang TV5 raw ang kukuha, sabi ni Phillip, “It will be an honor.”

DOING INDIE. Katulad ng pagiging bukas niya sa pagtanggap ng supporting roles, gusto rin ni Phillip na makagawa ng indie films.

Hindi raw problema ang talent fee basta maganda ang materyal na ibibigay sa kanya.

Kwento pa niya, “Gumawa na ako ng indie, kaya lang yung iba siguro, hindi ko alam kung takot sila sa akin.

“Kung sabihin nila, ’mahal ’yan,’ pakita muna nila sa akin yung script.

“Kung ako ba ang main, maski libre gagawin ko ’yan. Ganun lang kasimple ’yan.

“Panggasolina na lang ang ibigay mo sa akin, basta magustuhan ko ang istorya.

“Like what I said, I want to go back to school.”

Sa halip na talent fee, mas magandang oportunidad daw ang paggawa ng indie para makatrabaho ang ibang direktor sa bansa.

Sabi ni Phillip, “I want to be directed by different directors, new directors. You know why? Because I will learn.

“It’s like I’m going back to school, I will learn from them.

“Hindi na nahihinto yung pag-grow ko as an actor. Yung craft ko kasi, mahal ko, e.”

“For you to grow, to be better, you have to be handled by different directors at may matututunan ka sa bawat isa sa kanila.”

Si Phillip ay gumanap ng isang camero role sa isa mga entry sa Cinema One Originals, ang Mater Dolorosa. Ito ay idinerehe ng award-winning indie film director Adolf Alix Jr., na nagwagi bilang Best Director sa nakaraang Gawad Urian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN