Ehra Madrigal regains whistlebait figure for FHM 100 Sexiest Victory Party

IMAGE Noel Orsal

Ehra on recovering from her "overweight" slump: "I just woke up one day na parang alam mo yung depressed ka, lumaki ka. Siyempre, parang before na kahit sinasabi ng mga tao na ang taba mo, oo, alam ko yun. Pero hindi ko siya tini-take hard. Pero one day, ikaw na yung makakapag-realize na, 'shucks, gano'n na ako lumaki and I have to do something about it!' So, yun, dire-diretso na."


Marami ang ginulat ni Ehra Madrigal sa bago niyang pangangatawan sa nakaraang Victory Party para sa FHM 100 Sexiest Women of the World na ginanap noong nakaraang Miyerkules, July 10, 2013 sa World Trade Center, Pasay City.

Ang laki ng ipinayat ni Ehra na malayo sa dati niyang malusog na pangangatawan. Masasabing hindi nagpahuli ang GMA-7 actress sa mga nakasabayang female stars na tampok din sa show noong gabing iyon.

Dahil sa labis na katuwaan sa matagumpay niyang paglalakad sa runway ng FHM, halos mabulol-bulol si Ehra sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya pagkatapos ng buong programa.

DIET AND EXERCISE. Habol pa ang hiningang nagkuwento ang magandang aktres sa pinagdaanang proseso ng kanyang pagpapayat.

Saad niya, “Pero nung nalaman ko kasi [na kasali siya sa FHM show], for how many years na hindi ako nakapunta [sa FHM], nag-start lang lahat last year. Di ba nag-cover ako last year? Tapos ayun, tuluy-tuloy na.

“As in nag-workout ako uli and diet din,” masaya niyang sabi.

Nag-crash diet pa ba para makahabol ka sa show?

“No, hindi naman,” mabilis niyang tugon.

“Katulad ng sinabi ko since last year, I did go on diet. I told myself na even if I gain weight, huwag lang akong bumalik sa kung paano ako naging botsog na sobrang laki!

“Siyempre, I have to maintain it.

“Wala e, lifestyle change kasi, e. Although hindi naman ako nag-diet pero nagtsi-cheat pa rin naman ako.

“Pero ibig kong sabihin, hindi ko naman dini-deprive ang sarili ko. I still eat pero sobrang work out na ako.”

INFLUENCED BY SISTER MICHELLE? Maraming humanga sa toned sexy body ni Michelle Madrigal kahit pa noong nag-pose ito sa FHM last year.

Tinanong naming si Ehra kung naimpluwensyahan ba siya ng nasabing sister niya?

“Uy, hindi. Sana matagal na akong na-inspire kung gano'n at hindi ko hinayaan ang sarili kong lumaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero wala, e. I just woke up one day na parang alam mo yung depressed ka, lumaki ka. Siyempre, parang before na kahit sinasabi ng mga tao na ang taba mo, oo, alam ko yun. Pero hindi ko siya tini-take hard.

“Pero one day, ikaw na yung makakapag-realize na, 'shucks, gano'n na ako lumaki and I have to do something about it!'

“So, yun, dire-diretso na.”

Itutuloy na ba niya ang pagmi-maintain ng kanyang figure? O baka bigla na naman siyang tumaba?

Agad siyang sumagot nang, “Siyempre ayoko na namang bumotsog uli! So, sana lang ma-maintain.

“Pero yun ang focus ko talaga e. Ayoko nang bumalik sa dati na ang laki-laki ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN