Zia Quizon still feels her dad Dolphy’s "presence"

Zia on being constantly reminded of her dad Dolphy’s presence: “Ako mostly sa work ko siya napi-feel na ganun. Minsan may kanta na, ’ay, kanta namin yan before.’ Things like that or yung attitude ko sa work na parang nai-imagine ko na yun din ang sasabihin niya or something like that. I guess for me and my Mom it’s more of every now and then may naalala kami baka may reaction siya or something, like we imagine na ito ang reaction niya or this


Si Zia Quizon ang pinakabunsong anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Di maikakaila na isa si Zia sa mga nagsilbing gabay at inspirasyon para sa kanyang ama mula noong siya’y magkasakit hanggang sa tuluyan siyang pumanaw noong July 10 ng nakaraang taon.

Aminado naman si Zsa-Zsa Padilla, longtime partner ni Dolphy at ina ni Zia, na tulad niya ay may mga pagkakataong alam niyang sobrang nangungulila ang bunsong anak sa pagkawala ng ama.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Zia sa nakaraang 1st death anniversary ng Comedy King sa Heritage Memorial Park noong nakaraang July 10, di rin nito itinago ang sobrang pagka-miss sa Comedy King at tulad ng ibang mga kapatid ay nakikipag-ugnay din siya sa ama sa pamamagitan ng mga bonding moments nila noong nabubuhay pa ito.

“I guess yung everyday presence lang niya. Siya kasi yung tipong out of the blue tatawag siya pero may problema ka that day, talagang yung everyday lang na nandun siya.

“Ako usually, pag nagluluto ako for myself kasi yun ang gawain ko dati, pag nasa bahay lang siya, sa bahay lang ako, diet-diet kasi I was bigger before.

“I would cook healthy things tapos may maliit siyang tasting portion. Yung mga ganun, so I like cooking for myself and feeling like he approved it,” pagbabalik-tanaw ni Zia.

MOVING ON. Alam ng ina at ng mga kapatid na si Zia ang pinakaapektado sa pagkawala ng Comedy King dahil nga lumaki siya kasama nito. Aminadong masakit pa rin sa kanya ang nangyari pero kinakaya niya na maka-move on na rin sa pagkawala nito.

“May part kasi ngayon lalo na we’re still living in the same house so it feels like parang everyday parang nasa hospital siya, it feels like parang nagpa-flashback.

“We’re just trying din to move on and fill the house and our lives with positivity and with each other and spending time lang with family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For us, we saw from a very young age na medyo he’s getting old and sicker na so I guess we had the mindset na we have to brace ourselves for it.

“We were prepared din naman by our parents na it’s okay, we’ll still be here. It’s a little slower and hard process but in the end sana mas dumikit yung pagka-get over namin that way,” saad ni Zia.

ANCESTRAL HOME. Nabanggit ni Zsa-Zsa na minsan ay naiisip niya na lumipat na rin ng mas maliit na tirahan dahil na rin sa laki ng bills na binabayaran nila para ma-maintain ito.

Para naman kay Zia ay naiisip din naman niya na mag-solo pero hindi niya magagawang mawala ang bahay kung saan siya lumaki at nagkaisip.

“Me personally, I’m also trying to put my life din in order.

“You know, trying to be an adult and have my own place na rin, pay my bills, same thing na rin with my Mom so that she can live her life din as a single lady and as an independent woman.

“I don’t think I can ever let go of that house.

“To me, I look at it more as an ancestral home, letting go of that would be letting go of a huge part of me, family history lang din for me. I don’t see how I would ever let it go,” pag-amin niya.

Iwas magsalita dati ang singer sa mga interviews noong kamamatay pa lang ng ama noong isang taon. Inamin naman ni Zia na bukod sa di pa siya handang humaharap noon sa kamera ay napakasensitibo para sa kanya ng nangyari.

“I guess I didn’t want to talk kasi nga I was one of the younger ones, maybe not as much as what others would be in front of the camera for a certain number of years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve been in showbiz for a couple of years lang din so medyo nanibago lang din ako with the camera and of course to something so sensitive.

“So I guess I just want to absorb it and be sure that when I will speak about it, I will be very level-headed, not too emotional and to give the circumstances the right representation,” paliwanag niya.

FEELING DOLPHY’S “PRESENCE.” Sa kuwento ng mga kapatid, kundi sa panaginip ay nagpaparamdam sa kanila si Dolphy sa iba’t ibang paraan. Bukod sa trabaho ay may mga simpleng pagkakataon na naniniwala si Zia at ng ina na nagpapaalala sa kanila ang ama.

“Ako mostly sa work ko siya napi-feel na ganun. Minsan may kanta na, ’ay, kanta namin yan before.’

“Things like that or yung attitude ko sa work na parang nai-imagine ko na yun din ang sasabihin niya or something like that.

“I guess for me and my Mom it’s more of every now and then may naalala kami baka may reaction siya or something, like we imagine na ito ang reaction niya or this is the way he sees things.

“It just pops in our head kasi when you’re around him for so long na yung parang mga sidenotes niya napi-pick up na din namin yung type ng humor niya.

“Yung mga ganun. I think more of nagpaparinig siya,” kuwento ni Zia.

HER DAD’S LEGACY. Kilala bilang isa sa pinakamabait at mapagkumbabang artista si Dolphy sa kabila ng katayuan nito bilang Hari ng Komedya at ito ang mga payo na laging pinapaalala nito noon sa mga anak.

“I think more than anything gusto lang niya talaga or malaman namin na as his kids na we’re lucky, we’re blessed, just be nice to people, be good, hindi yung, ’o, ganito maging sikat, ganito ang maging ganito,’ pero it’s never ganun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He wants us how to be humble, how to be a good person and how to be true to your values and things like that,” pagtatapos niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN