Enzo Pineda on ex-girlfriend Louise delos Reyes: “Hindi kami nagkabalikan.”

Enzo on what he still wants to achieve: “Na-realize ko na gusto kong magkaroon ng award. I have a lead role but I still want more. Hindi porke’t nakuha ko ‘to, it would stop. Gising pa ko sa mga ginagawa ko. Gusto ko pa. I want to experience more roles, more challenging roles... i-express ang sarili ko, I don’t know, as Enzo also. Ako kasi, naniniwala ako na marami pa akong puwedeng i-share sa mga viewers kung sino talaga ko at kung ano ang mga fe


Maraming lumalabas na balita ngayon na matapos nilang maghiwalay, diumano’y nagkabalikan na raw sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo sa taping ng Kakambal ni Eliana sa Himlayan noong Miyerkules, July 10.

Ang tungkol sa diumano’y pagbabalikan nila ni Louise ang una naming tinanong sa Kapuso actor.

Pero ayon kay Enzo, “Well, I can say, we’re still close, pero, hanggang doon lang.

“Kasi, for me, honestly, I don’t really know kung gusto ko lang mag-focus sa ibang bagay. Parehas kami. Ako, I believe that I need to focus on other things.

“Okay lang naman na magmahal. Masarap namang magmahal. Pero, may mga bagay na kailangan mong gawin, para, in order na magmahal ka, wala ka nang iintindihin na iba.”

Biniro naman namin siya na hindi naman yata puwede yun, na naka-plano kung kailan ka lang magmamahal.

“Puwede namang sabay,” sagot naman niya.

“Honestly, kapag na-achieve mo na ang mga bagay na gusto mo, kapag nagmahal ka, you don’t have to think of anything else.”

Dugtong din niya, “Puwede naman siguro, pero, not too much. Huwag mo namang gawin na siya na ang mundo mo.”

Masasabi niya bang yun ang naging mali niya?

“Hindi naman, wala naman akong pinagsisihan. Kasi, lahat naman yun, learning process. Marami akong natutunan.

“Siguro, kaya ako naging ganito ngayon, I mean, I feel that I’m a different person, mas naging mature ako, mas alam ko kung ano ang gusto ko sa buhay.

“Alam ko rin kung ano ang hangganan ng pagmamahal ko.

“Na-realize ko na, parang ang layo pala ng kayang marating ng pagmamahal ko,” saad niya.

GOAL-SETTING. Tinanong namin si Enzo kung ngayon, na-realize na nga niya kung ano lang pala ang gusto niyang gawin o mangyari sa buhay niya.

Ayon dito, “Na-realize ko na gusto kong magkaroon ng award. I have a lead role but I still want more. Hindi porke’t nakuha ko ’to, it would stop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gising pa ko sa mga ginagawa ko. Gusto ko pa. I want to experience more roles, more challenging roles... i-express ang sarili ko, I don’t know, as Enzo also.

“Ako kasi, naniniwala ako na marami pa akong puwedeng i-share sa mga viewers kung sino talaga ’ko at kung ano ang mga feelings ko.

“Acting kasi is kinda like, therapy for me. Hindi porke trabaho ’to, gusto ko siya. Gusto ko siya because, nae-express ko ang sarili ko.

“Hindi yung kapag may problema ka, tahimik ka lang, hindi mo papansinin. Hahayaan mo, magdadasal ka. That’s normal, e. Yun ang tinuturo sa atin.

“But with acting, kaya kong i-express ang nararamdaman ko na wala akong limitasyon.”

HINDI KAMI NAGKABALIKAN.” Sa mga salita niya, parang lumalabas na kapag may girlfriend o ka-relasyon siya, nagkakaroon siya ng limitasyon.

Sabi naman ni Enzo, “Hindi naman. Kailangan ko lang din. I need it para sa sarili ko.”

Pero yun nga, may mga usap-usapan na nagkabalikan na nga sila ni Louise.

Mabilis naman ang sagot niya nang, “Ah, hindi.

“I could say, we’re okay. Walang showbiz ‘to, ha. Hindi kami nagkabalikan. Honestly, ayokong sabihin because I want to give respect to Louise.

“Pero, siyempre, desisyon namin ’to. Pero, gusto ko lang na malaman niyo na we do talk. Okay kami, magkaibigan kami.

“Group leader ko siya sa Sunday All Stars. We have group meetings together. Si Louise ngayon, hindi si Kris Bernal. Then, yesterday, meron akong Maynila episode with Louise, wala namang naging problema. Nag-enjoy ako.”

MUTUAL DECISION. Pinag-usapan, pinag-desisyunan ba nila ni Louise na hindi muna sila magkabalikan?

Ayon kay Enzo, “Siguro, parang ano, parang ganun na nga. We want to focus on other things first.

“As a person, marami ka pang gustong ayusin muna—problems, things that you want to achieve in life. At saka, nakikita ko rin sa kanya, parang ganoon ang tumatakbo sa isip niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Love is good, it’s always there. Masarap magmahal, pero, at the end of the day, sometimes, you’re too happy. Hindi mo na alam ang mga dapat mong ayusin, responsibilities mo.”

Nagkakatulungan din naman daw sila ni Louise noong sila pa.

Pero ayon kay Enzo, “We have our own set of problems. I have my own set of frustrations when it comes to work.

“Si Louise, alam natin na she’s the breadwinner. So, maraming mga tanong, challenges na iniisip mo araw-araw at ayaw mo na rin na maragdagan pa.

“And honestly, bilib ako dun sa dami niyang pinagdadaanan. So, sometimes, I feel that she has to do those things first.”

NO PROBLEMS WITH LOUISE’S MOM. Noong minsang makausap ng PEP at ibang entertainment press si Louise, hindi naman nito itinanggi na dati, parang ayaw daw kay Enzo ng Mommy ni Louise.

Isa ba ito sa mga factors kung bakit hindi rin sila nagkabalikan o sabihin nang, nag-break?

“It’s not really a big factor, but we had parang a misunderstanding before. But, I understand naman. Kapag nanay, gusto lang nila kung ano ang makakabuti sa anak nila.

“I believe that, I’m not perfect. She’s not perfect. May mga flaws talaga, but, maayos naman ang mga problemang yun.

“And, naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling. Kahit naman ako, ang Mommy ko, ang daming worries.

“Ang daming tanong na gustong malaman sa akin kung okay lang ba ako sa buhay ko. It’s part of their job as parents.”

Dugtong pa niya, “And kay Mommy Elvie, nirerespeto ko siya. May pinagsamahan kami at nakikita naman na she loves Louise and I would accept that.

“Na parang natutuwa ako na nagmamahal lang naman siya. Natuto kong tanggapin yun.”

SERIOUS. Habang kausap namin si Enzo, halata ang pagiging seryoso niya at parang napakalalim ng mga pinaghuhugutan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi niya sinagot kung may pinagdadaanan ba siya ngayon, pero, tinanong namin siya kung sa kabila ng sinasabi niyang hindi sila nagkabalikan ni Louise, ang dating girlfriend pa rin ba ang maituturing niyang pinaka-espesyal na babae sa kanya o may iba na rin siyang dine-date?

Sabi ni Enzo, “Honestly ano, ako, minahal ko si Louise.

“The love is there and of course, there’s still the possibility na kung magkakabalikan o ano, pero, ako at siya, alam niya what’s best for us.”

Si Louise pa rin ba o may iba na rin?

“Kung iisipin niyo na nagmamahal ako sa ibang tao, siguro hindi. Nakatutok ako rito sa trabaho ko.

“Ewan ko, masyado akong tutok sa trabaho ko. Sometimes, I don’t really get to think of it, pero, kapag inisip ko kung sino ang mahal ko, Louise is one of those people.”

Bakit nga ba parang masyado siyang seryoso ngayon?

Masaya ba siya ngayon?

“Oo, masaya ’ko ngayon.”

Biniro namin ito na, paano pa kaya ang kaseryosohan niya kung malungkot pa siya.

Pero ayon pa rin kay Enzo, “Siguro, getting there. Hindi ko pa naa-achieve mga gusto kong gawin. Marami pa akong gustong mangyari sa sarili ko.”

NOT INSECURE. Sa huli, tinanong namin si Enzo kung may kinalaman din ba ang pagkapanalo ng award ng isang co-star at kapwa leading man niya kay Kim Rodriguez na si Kristoffer Martin.

Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit nasabi niyang gusto niyang magkaroon ng award?

Sabi naman ni Enzo, “Actually, proud ako kay Kristoffer. Hindi lang naman kay Kristoffer. Barkada ko si Rocco, so, every time I see them succeed, hindi ako naiinggit. But, I also want to achieve.”

Si Rocco ay leading man na ngayon sa primetime ng GMA bukod pa sa kanya napunta ang biopic ni Pedro Calungsod na pang-MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ako nai-insecure,” saad ni Enzo.

“Rocco and I have different images. Ka-loveteam ko si Kim. Mas bagets, ’di ba? Si Rocco, mas older. And, walang selos. I’m proud of him and I still want him to achieve more.

“Nakikita ko na masipag siya at nasa kanya ang respeto ko ro’n. Kung ano ang napupunta sa kanya, he deserves it.

“Minsan, alam ko, hindi natutulog yan kasi, ang dami niyang taping. Kapag lumalabas kami, we do get to share about our ideas also. So, happy ako sa kanya,” pagmamalaki ni Enzo sa kaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN