Lauren Young on "tent issue" involving co-star Louise delos Reyes: “Basta ako, I have nothing bad to say about Louise. Off-cam or on-cam, we get-along very well.”

Lauren explains how she feels about Louise delos Reyes’s wanting to get her own tent after sharing a tent with Lauren during the first few shooting days for Mundo Mo’y Akin: “Kasi ako, nothing bad to say naman. We get along really well. Basta, pagdating sa set, okay kami. Kung anuman ang nangyayari sa set, wala naman ako dun. Wala namang bad blood. Kung may isyu sa tent-tent, it’s not a big deal naman for me.”


Ang Mundo Mo’y Akin ang primetime series ng GMA-7 na nangunguna sa rating sa mga teleseryeng ipinapalabas sa primetime.

Masaya nga si Lauren Young nang makausap namin sa taping nila noong Miyerkules, July 10, sa may Scout Area, Quezon City.

Sabi nga ni Lauren, “Siyempre, nakakatuwa kasi, first show ko sa GMA. Tapos, nagugustuhan ng tao. Sino ang hindi matutuwa ro’n? At least, naa-appreciate ng tao ang hard work namin.

“Ako, personally, I’m happy kasi, it’s my first work with GMA. And to see that people have accepted me as a Kapuso artist, nakakatuwa.”

Marami ang natutuwa naman sa kanya dahil sa pag-arteng ipinapakita niya sa soap nila.

“Siguro, I’m thankful din kasi, with Star Magic, tuluy-tuloy yung naging workshop ko. If it weren’t for them din, I won’t be able to perform as well as I do now.”

SISTER MEGAN. Natawa naman ito nang tanungin namin kung sino sa palagay niya ang mas magaling sa kanilang dalawa ng ate niya na si Megan Young.

“Yang mga tanong na ganyan—si Megan kasi, she’s more comfortable in hosting.

“Ako naman, kung maghu-host ako, hindi ko magagawa the way Megan does. Siguro, may magkakaibang strengths kami pagdating sa acting,” pagklaro niya.

ISSUE WITH LOUISE. Naitanong na rin kay Megan ang isyu raw sa kanila ni Louise delos Reyes.

Balita kasi na magkahiwalay na raw sila ng tent.

“Ngayon kasi, it’s crowded,” natatawang sabi niya.

Pero, ano nga ba ang pakiramdam niya kung humihingi nga ng ibang tent ang co-star niya na dating kasama niya sa isang tent?

“Kasi ako, nothing bad to say naman. We get along really well. Basta, pagdating sa set, okay kami.

“Kung anuman ang nangyayari sa set, wala naman ako dun. Wala namang bad blood. Kung may isyu sa tent-tent, it’s not a big deal naman for me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya na-offend nang malaman niyang may ibang tent na si Louise?

“No, okay lang, more rooms,” natatawa niyang pahayag.

May balita rin na minsan daw, nagiging cause of delay daw si Louise sa taping.

“Minsan, pero, ako rin naman, nali-late rin ako sa set. Pero, hindi naman all the time siyang nali-late sa set. Siguro, kapag something came up, nasisiraan.”

Dugtong pa niya, “Basta ako, I have nothing bad to say about Louise. Off-cam or on-cam, we get-along very well. Ay, hindi pala sa on-cam dahil magka-away kami [in the story].”

NOT INSECURE. Napapansin at napupuri ang pag-arte niya sa Mundo Mo’y Akin.

Wala kayang inggitan na nagaganap sa pagitan nilang dalawa ni Louise?

Sabi naman ni Lauren, “There’s nothing to be insecure about. Ako, when I see someone is better than me, hindi naman ako yung sisiraan ko ang tao.

“I’ll just do better, I’ll do workshop. Para, wala rin namang masabi ang tao sa akin.

“Wala naman, she has nothing to be worried about. We both have different career paths. Siguro, wala, magaling din naman siya.”

EXTENDED RUN? Nababalitang may clamor daw na i-extend pa ng ilang linggo ang primetime series nila.

Kung siya ang tatanungin, gusto pa ba niya itong ma-extend?

“Yeah, of course, sino naman ang hindi gusto, basta huwag lang ma-compromise ang story.

“Siyempre, kapag biglang na-extend, magmamadali ang mga writers, di ba? So ako, walang problema sa akin. The longer, the better,” giit niya.

Pero, sinasabi na ang Mundo Mo’y Akin ay nagsimula na si Alden Richards ang pokus ng kuwento. Pero ngayon, parang nawawala na raw ang karakter nito at napunta na sa kanilang dalawa ni Louise.

Anong masasabi niya ro’n?

“Well, actually, it’s the story of two girls talaga. Yung character ni Alden, if you’ll look at it, he’s there—nati-trigger ang character, like ako, nati-trigger ang character ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, it’s the story of two mothers and two girls. It’s a family issue naman talaga,” paliwanag ni Lauren.

ENDING PLOT. Naitanong din namin kay Lauren na kung siya ang masusunod, gugustuhin ba niyang gumanda ang karakter ni Louise bilang si Marilyn sa ending?

“Kung ako, personally, huwag na lang. Kasi, mawawala yung essence ng story. Kasi ako, how I view it, it’s like, hindi kailangan ng tao ang panlabas na anyo to get ahead of life.

“It’s more on hard work, determination at kung ano ang nasa loob niya.

“And then, ipapakita mo lang na, kapag gumanda siya, makukuha niya—it’s mababaw.

“But if the writers want to do it and they find a way to make it seem na hindi siya superficial or shallow, then go ahead,” detalye pa niyang kuwento.

Kung hindi na nga hahabaan ang extension ng Mundo Mo’y Akin, malapit na itong magwakas ngayong August.

NEW SHOW AND INDIE FILM. Pero, masaya si Lauren dahil may sinabi na raw sa kanya ang Kapuso network na bagong show na gagawin niya.

“May show na ’kong bago, I’m not sure if it’s primetime or a weekly show, but I have a show,” nakangiti niyang sabi.

“I also have an indie film coming out. It’s Puti, for Cine Manila with TV 5. This year, ipapalabas na rin siya. With Jasmine Curtis and Ian Veneracion.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN