Grace Lee comments on issues involving Robin-Mariel, Ate Gay, Arci Muñoz, Amy Perez, Mo Twister and Willie Revillame

Grace on Amy Perez’s alleged rift with her Face to Face crew: “Hindi ko talaga alam ang detalye pero ito lang yung masasabi ko, mag-iisang taon na kaming magkatrabaho ni Tiyang Amy and she’s the most amicable co-worker, and she’s so simple, napaka-simple niyang tao. Walang kahirap-hirap na katrabaho si Tiyang Amy, she’s a very professional person kaya kung ano man ang mga isyu, alam ko hindi dahil sa mga [nabasa ko yun


Nagtataka rin ang Kapatid Star na si Grace Lee kung bakit napapalibutan siya ng mga kontrobersiyal na tao sa ngayon.

Natatawa niyang lahad sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Oo nga e, bakit ako napapaligiran ako ng mga kontrobersyal na tao?”

Nakausap ng PEP si Grace sa presscon ng Chef’s Noodle last Tuesday sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.

Matapos mausisa si Grace tungkol sa nasabing Korean resto na kanyang ini-endorso at sa kanyang personal na buhay, napunta na ang usapan sa kanyang mga kaibigang nadadawit sa iba-bang intriga sa ngayon.

MARIEL-ROBIN. Una na nga rito ay ang diumano’y masalimuot na relasyon ngayon ng kanyang co-host sa Wowowillie na si Mariel Rodriguez sa asawa nitong si Robin Padilla.

Marami kasi ang haka-haka na may pinagdadaanan daw ang dalawa dahil habang nasa America si Mariel ay binura nito sa kanyang instagram account ang lahat ng litrato nila ni Robin.

May isang blog pa nga na nagtatanong kung bakit hindi na raw suot ni Mariel ang kanyang wedding ring.

Pero sa nalathala sa ilang tabloid, wala daw katotohanan ang mga ganitong balita. Nagkakuwentuhan ba sila ni Mariel tungkol dito?

Saad ni Grace, “Naku, they’re so in love. And they’re very good. Mariel just got back from the States, binisita niya yung dad niya na inoperahan sa puso.”

“The father is very, very good now. So yun, masaya si Mariel, and when it comes to her relationship with Robin naman, it’s been very good. They’re really a respectable couple.”

Dagdag pa niya, “May mga babae naman nagkukuwento pero siguro pagdating sa married life, hindi rin namin masyadong iniintriga yun di ba, pero I can tell she’s happy, she’s a very transparent person.

“Alam naman nating lahat na si Mariel, what you see is what you get, so as far as I’m concerned, when I see her I think she’s happy I think everything’s going well for her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ATE GAY. Isa pang co-host nila sa show ang biglaang hindi na sumipot sa Wowowillie nang diumano ay hindi siya ang naging finale sa segment na mini-concierto.

Kumusta na kaya si Ate Gay?

Sabi ni Grace, “Naku si Ate Gay, love ko si Ate Gay, siguro may kaunting misunderstanding lang pero si Ate Gay, mabait si Ate Gay.

“She is very talented, at nami-miss namin siya. Minsan nga ano e, nagme-message siya sa akin na nami-miss niya ako, na-miss ko rin siya.”

ARCI MUÑOZ. Hindi na rin napapanood si Arci Muñoz sa show. Walang konkretong dahilan kung bakit nga ba biglaan din itong umalis sa Wowowillie.

Pero paliwanag ni Grace, “Naku si Arci, ang alam namin ay nag-leave siya kasi ito nga, may bagong proyekto siya with Derek Ramsay [Undercover]...

“So medyo yung schedule niya ’ata hindi tugma dun sa live na schedule na Monday to Saturday.

“So, hopefully kung tuluy-tuloy din ang Wowowillie sana makabalik siya kasi na-miss ko rin siya, na-miss namin siya.”

AMY PEREZ. Isa namang kasamahan niya sa Good Morning Club ay nasasangkot din sa isyu—si Amy Perez. Ito ay dahilan sa gusot na namagitan diumano sa kanya at sa kanyang staff sa Face To Face.

Kuwento ni Grace, “Hindi ko talaga alam ang detalye pero ito lang yung masasabi ko, mag-iisang taon na kaming magkatrabaho ni Tiyang Amy and she’s the most amicable co-worker, and she’s so simple, napaka-simple niyang tao.”

“Walang kahirap-hirap na katrabaho si Tiyang Amy, she’s a very professional person kaya kung ano man ang mga isyu, alam ko hindi dahil sa mga [nabasa ko yung tabloid kaninang umaga]...

“Sure na sure ako na hindi yun yung mga reasons kung bakit… kung matatapos man ang Face To Face.”

“Nothing that I can say about her that can even get close to what’s being said about her lately.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat nga kami [sa Good Morning Club] naawa kami sa kanya kasi yung mga lumalabas ay hindi naman talaga totoo.

“At kung kilalanin mo naman talaga si Tiyang Amy napaka-simple at napakabait niyang tao.

“Wala kaming masabi tungkol sa kanya na negatibo at siyempre pag binabasa mo yung mga tabloids na merong hindi magandang sinasabi sa kanya at alam din naman namin na hindi totoo [na] yun yung reasons kung bakit mawawala na ang Face To Face.

MO TWISTER. Ang dati niyang kasamahan naman sa radio na si Mo Twister ay kasalukuyang suspendido ng limang buwan sa programa nito, ano naman kaya ang masasabi tungkol dito.

Saad niya, “Ahh, si Mo Twister alam ko suspended siya pero I left Magic [89.9 FM] a year and a half ago, e, so wala na ako masyadong balita.

“Actually, ako, listener na ako ng Magic ngayon kaya nalaman ko rin na suspended siya nung nakikinig ako ng radyo. Well, Mo Twister will always come back.”

IS WILLIE COURTING HER? Minsan sa Wowowillie naman ay palagi siyang pinupuri ni Willie Revillame, minsan din ay nagdu-duet sila.

Nililigawan nga ba siya ni Willie?

Natatawa niyang sagot, “Parang hindi niyo naman kilala si Willie, ganun naman talaga si Willie to everyone, wala yun, wala.

“Si Willie, he’s just a fun guy to be with. Ano lang naman talaga siya, e... joker kasi, lalo na pag on-air.

“Off-air naman hindi siya ganun, e. On-air lang naman siya medyo ganyan para matuwa yung mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN