Nash Aguas’s ultimate wish: “Magkaroon ng acting award—yung Best Actor talaga, parang grand slam.”

Sa hanay ng mga aktor ngayon ay dalawa ang nais tularan ng teen actor na si Nash Aguas: “Gusto ko ngayon ay yung level ng pag-arte ko ay tulad kina Kuya John Lloyd Cruz na po, si Kuya JM [de Guzman] din po—yung ganoong klaseng pag-arte.”


Kinakabahang humarap si Nash Aquas sa “Ikaw Na!” segment ni Boy Abunda sa late-night news program na Bandila ng ABS-CBN noong July 12.

Hindi naman makapaniwala si Boy na nasa harap niya ang dating bata na laging naggi-guest sa dati niyang show na Homeboy.

“Kinakabahan nga po ako ngayon dahil ang tagal na nating hindi nag-uusap,” nahihiyang panimula ng 14-year-old actor.

Dagdag niya, “Mabuti naman po ako.”



WHAT’S NEW? Si Nash ang kauna-unahang Grand Kiddie Questor sa Star Circle Quest (2004), kung saan nagsimula siya bilang child star.

Naging bahagi rin siya ng kiddie gag show na Goin’ Bulilit at ngayong binatilyo na, nagbabalik-showbiz siya sa teen-comedy series na Luv U.

Ano na ang nabago sa kanya ngayong bagets na siya?

Sagot ni Nash, “Siguro, hindi ako ganoon kakulit na tumatakbo sa hallway [ng ABS-CBN], hindi na masyadong madaldal.

“Ngayon, mas lalo ko nang naiintindihan ang mga dapat kong gawin— mga roles ko.

“And, mas marami akong natutunang technique sa pag-acting.”

Hanggang ngayon ba ay ganoon pa rin siya ka-passionate bilang isang artista?

Tumango ang binatilyo, “Oo. Gusto ko ngayon ay yung level ng pag-arte ko ay tulad kina Kuya John Lloyd Cruz na po, si Kuya JM [de Guzman] din po—yung ganoong klaseng pag-arte.

“Kahit ganito kabata, kaya ko na po siyang gawin.”



ACTING AWARD. Ano ba ang mga pangarap niya?

Sabi ni Nash, “Pangarap ko talaga na magkaroon ng acting award, yung Best Actor talaga, parang grand slam. Parang ganoon.”

Gaya ni John Lloyd?

Paliwanag ng dating child star, “Kasi, kakaiba po kasi ang kanyang acting, yung parang sincerity.

“Tsaka, nadi-differentiate po niya yung bawat characters na ginagawa niya kahit sobrang dami na.”

Marami ang nagsasabing si Nash na ang susunod sa pinakabagong heartthrob sa showbiz na si Daniel Padilla.

Nahihiyang sabi naman ni Nash, “Nagugulat po and at the same time, natutuwa po kasi sobrang...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi siya [Daniel] na po ang pinakamalaking artista ngayon sa generation namin.

“And para po sabihin nila na nakikitaan nila akong potensiyal na ‘the next Daniel,’ parang napakalaking privilege po yun.

“At napakasaya ko kasi parang nag-uumpisa pa lang po ako as a teen at hindi na bata.”



BASHERS AND PRAISES. May kasabihan na “You can’t please everyone.” Mayroong magkakagusto sa kanya, meron namang hindi. Paano niya hina-handle ito?

Sabi ni Nash, “Sa mga nagkakagusto sa akin, every time na may time ako, tini-treat ko po talaga sila... sinasagot ko sila sa Twitter.

“At doon naman sa bashers ko, opinyon po nila yun, di ba? Hindi naman lahat ay mapi-please ko.”

Nagbabasa ba siya ng comments na hindi magaganda?

“Opo,” sagot ng Star Circle Quest alumnus.

“Kasi, may mga bashers po na as in bash na lang nang bash na walang sense... as in.”



SINGING TALENT. Sa puntong ito ay pinakanta ni Boy si Nash na bumanat naman ng awiting “Harana” ng Eraserheads.

“Nakakanta ka, ha?” komento ng TV host.

Reaksiyon naman ni Nash, “Ngayon lang po, nahihiya nga po ako.”

Paano niya ide-define ang “love.”

Sagot ng nagbibinatang si Nash, “Love is unconditional.

“Basta mahal mo ang isang tao—kahit mahirap man siya o may kapansanan siya o may sakit siya o may pangit na bagay sa kanya—mamahalin mo pa rin siya.

“Kasi nga, mahal mo siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN