Victor Basa on My Husband’s Lover co-star Tom Rodriguez: "Now, I think as an actor, mataas na ang respeto kay Tom."

Bilang modelo na naging aktor, maraming batikos nanatanggap noon si Victor Basa tungkol sa kanyang pag-arte. Sabi niya tungkol dito, "Yung iba, sobra pang makapanlait. Yung iba nga, mas malala pa ang sinasabi nila, below the belt, na para bang wala nang pagkakataon na magbago. Yung improvement kasi, it takes time, di ba? Medyo matagal na process. Suwerte rin kapag may isang role na napunta sa iyo and then maganda at nai-deliver nang maayos. Naniniwala kasi ako, in due time, mapapa


Para kay Victor Basa, mahalaga ang magandang samahan sa pagitan ng mga manunulat at mga artista dahil coexistent daw ang dalawa.

Ito ang natalakay nang makaharap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang model turned actor sa isang coffee shop sa Timog, Quezon City, noong nakaraang linggo.

Ayon kay Victor, “Mahalaga sa akin ang maayos na relationship with the press.

“Malaki ang nagagawa nila sa amin. In the same manner, we are also needed by them, somehow.

“Kahit sa questions nila, kung iniisip mo sa sarili mo na entitled ka, hindi ka naman mao-offend, e.

“Kasi, kumbaga, nagtatanong lang sila ng questions, ikaw na ang bahala kung paano mo sasagutin.

“Kung talagang guilty ka, siguro nga, magre-react ka.”



DEFENSIVE. Sa karanasan ba niya sa pakikipagharap sa entertainment press, mayroon na bang tanong na na-offend siya?

Nag-isip muna si Victor at saka niya sinabi, “Sa akin, wala pa naman.

“Minsan, nagiging defensive lang siguro ako.

“Kapag minsan, tinatanong nila ako tungkol sa David [role niya sa My Husband’s Lover], minsan kasi yung iba, iba ang impression sa iyo.

“As if you become the character, di ba?”

Sa parte niya, ano naman ang mga tanong na gusto niyang iwasan o ayaw na maitanong sa kanya?

Sagot ni Victor, “Alam mo minsan, kapag may tinatanong and is asking an answer na yung ako naman ay playing safe...

“Tapos, sasabihin nila, ‘Ano ba ito? Wala ka namang makuha!’

“Tapos, minsan tatanungin ka, ‘O, bakit hindi ka active [sa showbiz]? Tingnan mo yung mga kapanabayan mo, nandoon na, ikaw ay nandito pa rin?’

“Siyempre, ang unang response mo sa sarili ko, e, ‘Lahat ng ginagawa ko sa career ko ay pinaghihirapan ko, e.’ Medyo off ako nang konti.

“Pero hindi, e, kapag na-realize mo naman na ganito talaga dito sa industry na ito, kailangan mong maging flexible sa feelings mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na hindi lahat ay okay ka sa kanila, bahala ka nang intindihin yun.”



ACTING AWARD. Ang isa sa pinapangarap ng mga artista ay ang magkaroon ng acting award.

Ninanais din ba niya ang tumanggap ng tropeyo sa pag-arte?

Pahayag ni Victor, “Ano... ilang years ako, parang naisip ko rin na... kasi nga, nakikita ko yung ibang artista na merong award.

“Kumbaga, alam mong magaling na sila, mas marami na silang pinagdaanan, siyempre gusto ko rin.

“Hindi lang minsan na naiinip ka sa paghihintay ng tamang role, siguro tiyaga lang sa paghihintay.

“Kaya minsan, kapag nagte-take six ako, tapos may alam ako nagte-take ten o iba pa, naiisip ko, hindi rin lang pala ako ang parang nahihiya sa sarili ko, sa gawa ko.

"Natatawa na lang ako.”



LUCKY BREAKS. Dahil galing siya sa modelling, inalam ng PEP kay Victor kung ano ang unang naramdaman niya nang sumalang siya sa television shows at pelikula.

Sabi niya, “Iba kasi ako, e,

“Hindi naman ako nagpapa-good boy-good boy, pero feeling ko, marami rin ang nailang sa akin.

“Siyempre, na-excite ako for a time, kasi hindi ko naman plinano na maging artista, mahiyain nga ako noon.

“Sabi nga ng iba, pa-English-English daw ako, pero hindi naman.

“Actually, time ko, iyon yung maraming models din na nag-artista.

“Kasabay ko sina Jon Avila... si Will Devaughn...

“Tapos, medyo nag-ano nga ako, kasi na realize ko kaya medyo minsan, naano ako dahil sa iba nga ako nakatingin, e.

“Nakatingin ako sa race ng ibang tao, hindi ako nag-focus sa sarili ko.”

Kung susumahin, halos lahat ng mga nakapanabayan niyang modelo ay nag-lie low na sa showbiz. Ano ang masasabi niya dito?

Sagot ni Victor, “Siguro, may kasabay ding suwerte... it really depends.

“Yung iba kasi, personal choice nila na hindi maging active, o baka iba na ang pinagkakaabalahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, yung skills ko sa pag-arte, ang ginawa ko, trinay [tried] ko na i-improve.

“Tapos ngayon, nabigyan ako ng chance na magkaroon ng isang role na maganda ang feedback, so masarap ang pakiramdam ko.”

Ang tinutukoy ni Victor ay ang role niya bilang David sa GMA-7 primetime series na My Husband’s Lover.

May nang-iintriga kasi na karamihan daw ng mga model na naging artista ay "ham actors" o walang kinakitaan na potensiyal sa pag-arte.

“Iyong yung medyo masakit pakinggan,” sambit ni Victor.

“Kasi, oo, meron ngang nagba-bash na ganyan. Yung iba, sobra pang makapanlait.

“Yung iba nga, mas malala pa ang sinasabi nila, below the belt, na para bang wala nang pagkakataon na magbago.

“Yung improvement kasi, it takes time, di ba? Medyo matagal na process.

“Suwerte rin kapag may isang role na napunta sa iyo and then maganda at nai-deliver nang maayos.

“Naniniwala kasi ako, in due time, mapapansin ka rin, e.”



SHEER TALENT. Ang co-star ni Victor sa My Husband’s Lover na si Tom Rodriguez ay ngayon lang din napupuri sa pag-arte dahil sa role nito bilang Vincent sa kanilang show.

Nakangiting sabi ni Victor, “Oo nga, ang galing nga ni Tom.

“Minsan, after take, during breaktime, kantiyawan kami, ‘Galing mo, p’re!’

“Yun ang sinasabi ko, it takes one good role, tapos swak pa yung chemistry nilang lahat.

“Si Carla [Abellana], si Dennis [Trillo]—galing talaga.

“Now, I think as an actor, mataas na ang respeto kay Tom.

“Kahit friends ko, nagsasabi, ‘Sobra ang sincerity niya pag umarte.’

"It’s good, it’s good.”



MORE DRIVEN. Aminado si Victor na pagdating sa career path niya ay handa na siya kung saan o ano ang kapupuntahan nito. Maging sa roles na tatanggapin niya in the future ay wala na siyang takot unlike before.

Ayon sa kanya, “This time, I can do anything. Kumbaga, open-ended ako sa roles na tatanggapin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa tingin ko naman, after My Husband’s Lover, kahit papaano ay napansin din ako.

“Kasi, I believe na yung serye ay hindi lamang dahil sa mga bida lang ang tinitingnan ng mga tao, e, pati yung supporting actors.

“At saka sa ngayon, mas mature na ako.

“Mas mapangahas na ako and I wanna try every role na puwedeng ibigay sa akin as long as makakatulong sa career ko.

“Medyo nakaka-pressure lang, kasi siyempre, kapag naging household name ka, malaki ang responsibility mo sa tao, e.

“Parang mas lalo ka ring binabantayan nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN