Rich Asuncion keeps distance from ex-boyfriend Ervic Vijandre despite working together in new project

Walang boyfriend si Rich Asuncion ngayon pero meron namang nanliligaw sa kanya. Pag-amin niya: “Nasa text-text-an stage pa lang, wala, hindi pa kami nagde- date. Hindi pa nangyayari ang date, pinaplano pa lang.”


Nilinaw ni Rich Asuncion ang napabalitang sasali siya sa Miss World-Philippines.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi. May nag-offer, yung nagte-train sa akin dati, pero ayoko.

“Tinanong niya ako, ‘Anak, sali ka ulit.’

“Pero ayoko. Wala akong time, e, may show, tapos may school pa ako."

Sumali si Rich sa Binibining Pilipinas noong 2009 kung saan naging 1st runner-up siya.

Patuloy niya, “Kasi, dati noong nag-Binibini ako, kinailangan kong mag-drop lahat ng subjects ko, kasi kailangan, araw-araw yung activity nila, e.

“So, I guess ganoon din sa Miss World, na araw-araw ang activities.

“So, hindi ko talaga kakayanin.”



CASH PRIZE. May kasamang cash prize ang pagiging 1st runner-up ni Rich sa Binibining Pilipinas, pero hindi raw niya ito nakuha nang buo.

Lahad niya, “Hindi na yun makukuha... seventy-five [thousand], tapos nakuha ko yung twenty-five. Tapos, may fifty [thousand ].

“Ganito kasi nangyari... Ang sabi kasi sa contract, na-review namin, pagka hindi ka um-attend ng mga events nila, meron kang fine.

“E, ilang beses kasi akong hindi nag-attend, kasi siyempre may commitment din ako sa showbiz na.

“Kasi, di ba, for one whole month, wala akong ginawa? Doon lang ako, so kailangan ko ding magtrabaho.”

Kaya ni-let go na niya ang natitira pa niyang premyo na P50,000.

“Oo. Ako pa nga ang may utang sa kanila, e, kasi, umabot ng eighty thousand iyon [fine]!” tawa niya.

Hindi naman daw siya sinisingil ng Binibining Pilipinas Charities, Inc.

“Sabi ko na lang, ’Hindi na, sige na, quits na lang!’" at muling tumawa si Rich.

“Kasi, ganoon talaga, e, kapag nanalo ka, meron kang responsibility na dapat mong gampanan after—like marami silang mga events.”

Nabawi naman ni Rich sa mga showbiz projects niya ang naturang P50,000.

Gaya ngayon, kasama siya sa cast ng upcoming primetime soap ng GMA-7 na Binoy Henyo.

Gaganap siya rito bilang teacher ni Binoy, na ginagampanan naman ng baguhang child actor na si David Remo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sheena Halili naman ang gumaganap bilang ina ni Binoy na si Agnes.



WITH EX-BOYFRIEND. Sa Binoy Henyo, na ipapalabas na simula sa July 22, magkasama si Rich at ang ex-boyfriend niya na si Ervic Vijandre.

Ayon kay Rich, magkatrabaho na lamang sila ni Ervic at wala nang balikang mangyayari sa kanila.

“Ay, hindi, hindi na... alam ko may nililigawan na siya,” pagsisiwalat niya.

Napapabalita ngang nanliligaw si Ervic sa isa pang beauty queen, ang Miss Universe Philippine 2013 na sa si Ariella Arida.

Sabi pa ni Rich, “Oo, matagal na naman kaming wala, so okay lang iyon.”

Magkaibigan at nag-uusap naman daw sila kahit paano ni Ervic.

Kumpirma ni Rich, “Oo, very, very light.

“Siyempre, nandoon na yung... hindi naman ilangan, pero siyempre, baka kasi mabigyan ng ibang meaning.

“Lalo na may nililigawan siya, baka magalit... alam mo yun?

“Iniiwasan ko lang iyon, so very, very slight yung ano, ‘Hi, hello,’ na lang siguro.”



DISAPPOINTED. Hindi naman daw niya ikinatuwa na natalo si Ervic sa nakaraang eleksyon noong tumakbo itong konsehal ng Taguig.

“Uy, grabe, ikakatuwa ko ba iyon? Huy, ano ba?” sabi ni Rich.

Nag-alala nga raw siya noong nabugbog si Ervic sa kainitan ng kampanya.

“Nag-alala kaya ako, tinawagan ko kaya yung kapatid niya tsaka mommy niya.”

Bakit hindi si Ervic ang tinawagan niya?

“E, kasi nga, wala na kami, hiwalay na.”

Hindi na ba sila nagkakailangan ni Ervic ngayong nasa iisang show sila?

Sila ni Ervic, na gumaganap na hardinero sa school kung saan nagtuturo si Rich, ang laging magkaeksena.

“Wala namang problema yun, professional lang tayo.”

Kontrabida ba siya sa Binoy Henyo?

“Hindi naman po kontrabida, istrikta na teacher lang na mataray na manang—ganoon.”



SUITORS. Walang bang manliligaw si Rich ngayon?

“Wala pa, inaantay ko pa nga, e!” tawa niya.

“Joke lang... meron naman din, meron naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasa text-text-an stage pa lang, wala, hindi pa kami nagde- date.

“Hindi pa nangyayari ang date, pinaplano pa lang.

“Pinaplano pa lang daw, o!” at tumawa muli si Rich.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN