Carla Abellana glad that stars from other networks also watch My Husband’s Lover

Inamin ni Carla Abellana na maging ang mga artista mula sa ibang networks ay nanonood ng kanilang primetime series sa GMA-7 na My Husband’s Lover. Sabi ni Carla, “Opo, totoo po ‘yan. Kasi sila po mismo ang nagsasabi sa amin. Although hindi po nila siguro ma-express masyado o hindi din nila puwedeng sabihin in public, sa amin naman ho, nakakarating naman po, e.”


Sa pamamagitan ng telepono ay nakausap ng StarTalk TX host na si Joey de Leon ang aktres na si Carla Abellana noong Sabado, July 13.

Si Carla ang gumaganap bilang si Lally sa pinag-uusapan at toprating primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover, na pinagbibidahan din nina Dennis Trillo bilang Eric at Tom Rodriguez bilang Vincent.

Una muna ay binanggit ni Joey na napakahirap ng acting na ginagawa ni Carla sa kanilang show, lalo na sa eksenang nahuli na ni Lally na may relasyon sina Vincent at Eric.

Tinanong ni Joey si Carla kung tinuruan ba siya ng direktor nilang si Dominic Zapata kung paanong pag-arte at reaksiyon ang gagawin niya sa naturang matinding eksena. O sariling paraan ni Carla ang ginamit niya sa paghugot ng emosyon during the scene?

Sagot ng aktres, “Actualy, Tito Joey, wala akong masyadong instructions kay Direk Dominic. It’s really more of the blocking and yung motivation.

“Pero yung reaction, yung emotion, lahat ho yun, as in kinuha ko lang talaga kay Lally, iyon lang.”

Hindi na rin daw sila nagkaroon ng panahon ni Direk Dominic na i-discuss ang naturang eksena bago kinunan.

“Hindi ho, wala hong time talaga na pag-usapan. I asked him several questions, pero…”

Hindi na nga raw sila nagkaroon ng sapat na oras para sagutin ni Direk Dominic ang mga katanungan ni Carla.

Lubhang mahirap din ang eksena nina Carla at Tom sa ospital, kunsaan umamin si Vincent (Tom) na bakla rin siya tulad ni Eric (Dennis).

Sabi ni Carla, “Mahirap po iyon, pero ginawa po namin ni Tom ang best namin.”



BRIDGING THE GAP. Tinanong naman ni Joey si Carla kung naniniwala ang aktres sa sinasabi na ang My Husband’s Lover ang makakapagsundu-sundo o makakapagbati-bati sa networks. Marami raw kasing taga-ibang networks ang sumusubaybay rin sa kanilang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wow!” bulalas ni Carla. “Actually, iyon ho yung napapansin namin.”

Binanggit pa ni Joey ang pagtu-tweet ng ibang mga artista mula sa ABS-CBN tungkol sa My Husband’s Lover.

“Yes, totoo po yun,” pagsang-ayon ni Carla.

“Napapansin ho namin na madaming… nagtu-tweet ho sina Vice Ganda, si Chokoleit…”

Tinanong din ni Joey si Carla kung naniniwala ito na nanonood ng My Husband’s Lover kahit ang mga kaibigan nila mula sa ibang istasyon.

Sagot ng Kapuso actress, “Opo, totoo po ‘yan. Kasi sila po mismo ang nagsasabi sa amin.

“Although hindi po nila siguro ma-express masyado o hindi din nila puwedeng sabihin in public, sa amin naman ho, nakakarating naman po, e.”



TRENDING TOPIC. Noong Biyernes ng gabi, July 12, ay nag-trending na naman sa Twitter ang kanilang show, at marami raw mga mensahe ng papuri ang natanggap si Carla.

“Wala hong tigil yung cell phone ko sa dami ng text messages tsaka missed calls ho, as in buong gabi!” ang tumatawang sabi niya.

Lubhang mahirap din ang eksena nina Carla at Tom sa ospital.

“Mahirap po iyon, pero ginawa po namin ni Tom ang best namin,” sabi ni Carla.

Matindi at sukdulan na kasi ang mga kaganapan last Friday night sa kanilang serye.

“Correct, kasi parang patapos na.

“Hindi pa ho kami matatapos, umpisa pa lang ‘yan pero ibinigay na ho namin sa inyo lahat…

“Madami pa, may mga characters pa hong papasok at yung big question na ano’ng mangyayari ngayon sa marriage ni Lally at Vincent, lalo na sa mga bata.

“Iyon, doon ho kami magpu-focus muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN