Renz Fernandez unfollows ex-gf Maxene Magalona on Twitter and Instagram; happy about reports claiming she has already moved on

Kuha ito kay Renz Fernandez sa harap ng Arc de Triomphe (Triumphal Arch). Suot ng aktor ang "assassin jacket" ng yumaong ama si Rudy Fernandez.

VIEW photos of Lorna Tolentino’s trip to France


Mula July 3 hanggang July 12 ay nakasama ng writer na ito si Lorna Tolentino at mga anak nitong sina Ralph at Renz.

Suot ni Renz sa Paris ang "assassin jacket" ng kanyang nasirang ama na si Rudy Fernandez.

Kahit summer na kasi sa Paris ay medyo malamig pa rin nung dumating kami at pang-light jacket ang weather.

Piniktyuran namin si Renz sa harap ng Arc de Triomphe (Triumphal Arch) sa dulo ng Champs-Elysées, na walking distance lang mula sa tinuluyan naming apartment sa Rue de Duras.

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz kung kumusta na siya mula nang mag-break sila ng girlfriend na si Maxene Magalona.

Ang nakangiting sagot ng bunso nina LT at Daboy, “Every day, sinusubukan kong mag-move on sa lahat ng aspeto ng buhay."

Mukhang may bago nang special someone si Maxene base sa mga pinu-post nitong pictures sa Instagram. Mas mabilis yata itong naka-move on kesa sa kanya?

“Okay lang, kung masaya siya, masaya ako. Para sa akin, basta maging masaya siya, okay lang ako do’n. Basta sa akin, gusto ko, lahat positive.”

Sabi pa ni Renz, hindi na niya pina-follow sa Twitter at Instagram ang kanyang ex-girlfriend. As in totally ay wala na raw silang communication ni Maxx.

Kapag nagkita silang dalawa, babatiin niya ba ito?

“Ako, babatiin ko siya. Kung hindi man niya ako batiin, okay lang.”

Naghahanap na ba siya ng bagong girlfriend?

“Alam mo, hindi pa. Work muna at saka workout. At saka traveling-traveling," ang sagot niya sabay tawa.

VIEW photos of Lorna Tolentino’s trip to France

READ travel tales of Lona Tolentino and her group

Happy ba siya sa estado niyang loveless?

“Haping-happy," tawa pa rin ng binata na dating Kapamilya star.

Nung June 23 ay natapos ang kontrata ni Renz sa Star Magic ng ABS-CBN, kaya ngayon ay freelancer na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nung June 25 ay nag-taping si Renz ng isang episode ng Magpakailanman na ipinalabas nung July 6 sa GMA-7. Sila ng half-brother niyang si Mark Anthony Fernandez ang bida sa nasabing episode.

Ang kuya ni Renz na si Rap ay mas nauna sa kanyang lumipat ng GMA-7 mula rin sa bakuran ng ABS.

Nakasama si Rap sa cast ng afternoon drama series na Bukod Kang Pinagpala, na pinagbidahan nina Jackie Rice, Camille Prats, Jennica Garcia, at Mona Louise Rey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN