Vice Ganda takes a break from It’s Showtime because of polyps

Hindi muna mapapanood si Vice Ganda sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime upang gamutin ang polyps sa kanyang lalamunan.


Noong Linggo, July 14, ay nag-post si Vice Ganda sa Instagram account niya ng picture ng kanyang buong team, kunsaan inilibre niya ang mga ito ng panonood ng Hollywood film na White House Down sa Resorts World.

Nagbiro pa si Vice sa kanyang caption: “Movie date my Team Vice. First time to watch at Resorts World. Ang mahal! Heheh #kuripotmuch.”

Pero bago yun, nagpasalamat muna si Vice dahil umabot na sa mahigit three million ang followers niya sa Twitter.



BREAK FROM IT’S SHOWTIME. Yun nga lang, mukhang matatagalan pa bago mapanood muli si Vice sa kanyang daily afternoon show na It’s Showtime.

Nag-post si Vice ng sunud-sunod na mensahe sa kanyang Twitter account ngayong umaga, July 15, ng dahilan kung bakit hindi muna siya mapapanood sa kanilang show.

Nagkaroon pala ng polyps si Vice sa kanyang lalamunan na kung hindi makukuha sa medication, posible raw na mauwi sa operasyon.

Ayon sa website ng healthcentral.com, “Vocal cord nodules and polyps are small growths that develop on the vocal cords of some people.”

Narito ang sunud-sunod na tweet ni Vice ngayong umaga, July 15:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN