Wendell Ramos open to doing gay-themed project with Derek Ramsay

Wala raw problema kay Wendell Ramos na gumawa ng isang gay love story kasama ang kanyang Undercover co-star na si Derek Ramsay. Sabi ni Wendell, “Kung kay Derek, mas maganda. At least, may loveteam!”


Binigyan ng press conference ng TV5 noong July 11, Huwebes, ang tatlong male lead stars ng bagong primetime series na Undercover—Derek Ramsay, Phillip Salvador, at Wendell Ramos.

Parang nagkaroon ng “mutual admiration society” ang tatlo dahil sa mga papuring binitawan nila sa isa’t isa.

Parehong may malaking paghanga at respeto sina Derek at Wendell sa kontrabida ng action-serye na si Phillip.

Si Phillip naman ay hindi naging maramot sa pagbibigay ng papuri sa dalawang mas batang co-stars niya.



ACTING. Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wendell tungkol sa binitawang magagandang salita ni Phillip tungkol sa kanila ni Derek, halatang masaya ito.

“Siyempre, ako rin yung ano, e, ako rin!” natatawang sabi niya.

“Siyempre, ina-idolize ko rin siya at alam din naman siguro ni Kuya Ipe yun.

“Hindi lang ako. Hindi lang siguro si Derek. Marami rin sigurong artista diyan.

"And, for me, kaya rin siguro niya nasasabi yun, kasi sa akin, in my own opinion, ang pag-arte, napag-aaralan ‘yan.

“Wala naman sigurong tao na pagsabak sa industriya natin ay magaling agad.

“Well, gifted ka and you’re blessed kung magaling ka agad. Pero lahat naman, inaamin ko.”

Bakit may mga artista rin na tumanda na sa industriya ay hindi pa rin marunong umarte?

Sabi ni Wendell, “Hindi ako tumitingin sa taong hindi marunong umarte.

“Hindi ko sinasabi na ang tao, hindi marunong umarte. Lahat natututunan.

“Doon sa tumanda na at lahat… well, hindi ko alam yun. It’s up to you. Nasa sa ‘yo.

“Kasi, simple lang ‘yan. Lahat naman ng tao, alam niya kung tama o mali ang ginagawa niya.

“Kung may nag-advise sa ‘yo rito, it’s up to you kung papaano mo ia-adapt sa sarili mo.

“It’s up to you kung paano matuto.

“Kasi, hindi masamang magtanong at hindi masamang matuto, which I did.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PLAYING PHILLIP’S ROLE. Ipinaalala ni Wendell na nang gawin niya ang TV remake ng pelikulang Sinasamba Kita (2007) sa GMA-7—kunsaan siya ang gumanap sa karakter ni Phillip sa pelikula—nilapitan at tinanong daw niya ang veteran actor upang humingi ng ilang pointers.

Kuwento ni Wendell, “Well, nagkataon na nakita ko siya at tinanong ko siya, nilapitan ko siya.

“It just so happens na nagkita kami sa awards night.

“Sabi ko, ‘Kuya Ipe, ano ba ang dapat gawin?’

“Sabi niya, ‘Just stick with the script.’ Which is, lahat ng director, they usually do.

“Kaya sa akin, on my side, hindi ako tumitingin na, ‘Hindi ito marunong umarte.’

“Kasi, ang pag-arte, nasa director na rin.”



NO PRESSURE. Unang pagkakataon naman daw na makatrabaho nina Wendell at Derek si Phillip sa Undercover.

Ayon kay Wendell, “Grabe, it’s a big, big opportunity para sa amin. Kasi, I idolize him.

“And to tell you guys, every time na may kasama akong big star o kahit hindi big star, pero alam mong umaarte and willing, devoted sa craft nila, every time na may kaeksena ako, nae-excite ako.

“I don’t feel any pressure.

“Well, siguro, kapag may mga breakdown scene, yun ang may pressure ng konti.

“Pero ako, idinadasal ko lang na maging maayos ang trabaho ko.

“At palagi kong iniisip na kaya ibinigay ‘to sa akin, para magawa kong tama, not parang ma-pressure ako na hindi ko magawa.

“Nandoon ako sa side na positive na lang.”

GAY LOVE STORY. Magkapatid ang role nina Wendell at Derek sa Undercover.

Pero kung sakali kaya na gumawa ang TV5 ng drama series na ang tema ay parang My Husband’s Lover ng GMA-7—na magkarelasyon ang dalawang lalaki—papayag ba sina Wendell at Derek?

Pareho namang positibo ang sagot ng dalawa.

Sabi ni Wendell, “Gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like what Derek said, kahit sino.

“Kung kay Derek, mas maganda. At least, may loveteam!”

Nagkaroon na ba siya ng kissing scene sa kapwa niya aktor?

“Wala pa… well, nagkaroon ako noon with Rustom [BB Gandanghari] sa Happy Hearts, pero wala pa. It’s just smack.

“Pareho kaming gay at loud, yun. Iba kasi kapag seryoso, mala-Brokeback [Mountain].

“If given a chance, well, napag-uusapan lahat ‘yan.

“But for me, it doesn’t matter kung sino ang partner ko.

“Well, of course, kung si Derek, mas maganda. Okay yun.

“Pareho kaming nandito sa istasyon namin, mapapanood kami ng tao.

“It’s up to him na lang din kung gusto niya.

“Pero tulad din ng sinabi niya, walang problema.

“It’s challenging, very challenging talaga yun. Mahirap talaga yun.

“Imagine mo, sa Kidlat, kontrabida. Tapos sa Undercover, magkapatid kami.

“So, napag-uusapan naman yun.”



OGIE ALCASID. Natawa naman si Wendell nang tanungin ng PEP kung nakakausap niya ba si Ogie Alcasid.

Isa kasi si Wendell sa nagpakita ng kasiyahan noong una pa lamang nabalitang posibleng lumipat si Ogie sa TV5 mula sa GMA-7. At ngayon nga ay tila sigurado na ang paglipat ng singer-comedian sa Kapatid network.

Matagal silang nagkasama ni Ogie sa Bubble Gang, kaya kung makakasama raw niya ito muli sa TV5, magiging masaya si Wendell.

Sabi ni Wendell, “Actually, kumpare ko naman yun, parang kapatid yun.

"I called him last month. Pagsagot niya sa akin sa phone, ‘Kapatid, kumusta na?’

“Hindi ko alam kung binibigyan ko lang ng kahulugan yun… I don’t know.”

Dati ba, paano siya tawagin ni Ogie?

“Bro, e… baka tinagalog lang niya ang tawag sa akin na ‘Kapatid.’

“Tapos, wala na akong tinanong sa kanya.

“Sabi ko, ‘Bro, I’m glad. Kung anuman yung naririnig ko na pupunta ka dito, happy ako dahil may makakasama ulit ako…’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi biro yung napagsamahan namin.

“Hindi pinilit yung naging relasyon sa amin, yun talaga ang sitwasyon na ibinigay.”

Nagsabi na ba sa kanya si Ogie na lilipat na nga ito?

“Hindi naman, ang sabi niya lang, ’Matagal pa, matagal pa...’

“So, hindi ko alam kung ano yung matagal pa.

“Baka matagal pa niyang sasagutin o matagal pa siyang magde-decide.

“So, hindi na ako nagtanong. I respect that.

“At saka, yung pinanggalingan din niyang network, which is sa GMA, hindi rin naman namin… hindi naman kalaban.

“Kasi, sa atin, sa industriya natin, hindi ko naman inisip na kalaban ang mga ‘yan.

“Of course, business. Pero hindi para maglaban tayo.

“Sinabi ko rin naman sa kanya na, ‘Bro, hindi rin naman ako masaya on my part kasi alam naman natin na may mga maiiwan ka sa GMA.’

“Kung sakali, nandoon din si Bitoy [Michael V]. Si Antonio [Aquitania]… although si Antonio, halos araw-araw din kaming nagkakasama.”

Sa pagpapakita niya ng kasayahan kung sakaling si Ogie nga ay magiging isang Kapatid, hindi naman kaya isipin na sa ilang taon na niya sa TV5 ay hindi pa rin siya nakakabuo ng matatag na pakikipagkaibigan dito?

“Hindi, hindi naman sa ganoon,” sagot ni Wendell.

“Like sa relasyon na nangyari ngayon sa amin ni Derek… actually, si Derek, he’s really a nice guy.

“Kasi, siya pa ang nagbabanggit sa akin na, ‘Wendell, may bago na naman tayong show.’

“For a guy na para sabihin sa ‘yo yun, it’s like he’s treating you like a family.

“Yung mga relasyon ko sa mga nakasama ko sa Bubble Gang, siyempre iba naman yun.

“Pero, puwede naman kaming magkita, dumalaw sa studio, sa GMA.

“Hindi naman ako nalulungkot dito, happy ako dito.

“And aside from that, hindi lang naman ako happy sa mga kapwa ko artista.

“I’m a very kind of person. Kahit sa mga crew, wala akong pinipili.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN