Derek Ramsay hopes movie project with Marian Rivera pushes through

Ito ang paliwanag ni Derek Ramsay kung bakit wala raw siyang girlfriend ngayon: “To have a relationship with another person, to commit to another person, you can’t do that if you don’t have time for yourself.”


Plano sana ni Derek Ramsay na makapagpahinga kahit dalawang linggo lang.

Pero nang dumating sa kanya ang offer na magbida sa Undercover, ang action-serye na kasalukuyang napapanood sa TV5, hindi na ito natanggihan ng Kapatid actor.

Ikinuwento ni Derek ang concept ng serye nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon ng Undercover noong July 10.

Saad niya, “It’s like the concept of my favorite show in the U.S. called Leverage.

“I like the concept of the show na hindi isang tao lang ang bida, kung hindi yung grupo.

“I saw the poster na kaming lahat, nandoon, I like that.

“I guess, siguro sa sports ko, team player ako and to have a series na apat kayong bida, I like the concept.

“And when they told me the concept na maa-abduct ako for six years, nakuha nila ako na lalagyan ako ng prosthetics."



TOTAL NEW LOOK. Babaguhin dito ang buong hitsura ni Derek sa paggamit ng prosthetics.

Sabi niya, “They’re gonna change my whole look.

“Gusto ko yun, e, yung titingin ako sa salamin na hindi ko na kilala ang sarili ko. Ang sarap umarte kapag ganoon.

“Ang husay ng gumawa ng prosthetic sa akin, in five years, mukha na talaga akong rascal."

Kailangang magmukhang aping-api ang hitsura ni Derek.

“May isang eksena doon, sa kulungan, binuhos yung kanin, tapos binuhos ang sinigang.

“And then, which is, after ng tapak-tapakan ng mga tao, may mga ipis.

“Sinulatan na nga nila na, ‘Derek, kunin mo na lang yung nasa ibabaw.’

“E, pagtingin ko sa salamin, yung ngipin ko, dilaw. Talagang nawala ako, naawa ako sa character ko.”

Kinain na talaga ni Derek yung kanin at sinigang.

Kuwento rin ni Derek, kadalasan ay kini-criticize niya mismo ang sarili.

Pero ngayon, siya mismo ang naiyak sa eksena niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s the first time in my acting career na naiyak ako.”



MOST DIFFICULT. Masasabi ba niyang iyon na ang pinakamahirap niyang nagawa?

“One of them,” sagot niya.

“Sa Kidlat, mahirap yung costume.

“But that role, yung day na yun, ang na-shoot lang namin is level of day one sa six years na hindi naman ako puwedeng maging baliw.

“Kasi, paano naman ako babalik for being sane?”

May naging realization ba sa kanya bilang isang aktor noong ginagawa niya ang eksena—na puwedeng dayain, pero ginawa pa rin niya?

Ayon kay Derek, “Pangit naman kung dadayain, kung hindi ko ibibigay ang lahat.

“I want to give 200 percent.

"Nang sinabi nilang kainin ko ang pagkain, noong una, may hesitation—pero sige!”



GAY ROLES. Hanggang saan ba ang kaya niyang gawin sa pagganap sa isang karakter?

Kaya rin ba niyang gumanap ng gay role?

Sabi ni Derek, “We’ll cross the bridge if ever I’ll get there.

“I will portray a gay role, depends sa story, sa project—and not for trending thing.

“It all falls into place—from story... So, it all depends on how it all place together.

“But I’m not saying, ‘No, I won’t do it with kissing scene.’

“It’s the same that I won’t do a torrid kissing scene with a woman, kung hindi kailangan.

“Dito nga, kay Jasmine Curtis Smith, baka magkaroon ng love angle at kissing scene, yun ang hindi ko makakaya—it’s like incest.

“She’s like a sister to me, she used to be my neighbor.

“Pumupunta sila sa bahay, pumupunta ako sa bahay nila.”

Baka pag mas mature na si Jasmine, puwede na?

“It would be a joint decision and we’ll sit down and say, ‘Hey, there are some things that we need to talk about.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I know we’re just acting, but there’s some things to talk.”



STILL LOVELESS. Sinasabi ni Derek na loveless siya ngayon at walang girlfriend.

Biniro tuloy si Derek na sa guwapo niya ay tila imposibleng hindi siya makahanap ng bagong girlfriend.

Sabi naman niya, “Hindi naman yun ang importante.

“Ang importante, you give time for yourself.

“Kailangan mong makilala ang sarili mo, mabigyan mo ang sarili mo ng oras para magawa mo ang isang bagay.

“To have a relationship with another person, to commit to another person, you can’t do that if you don’t have time for yourself.”



MORE MOVIES. Bukod sa Undercover, posibleng magsimula na rin siya ng shooting para sa bago niyang pelikula sa Viva Films.

Excited na si Derek sa script pa lang, at makakasama niya rito sina Heart Evangelista at Cristine Reyes.

Kinumpirma rin ni Derek na may pelikulang silang gagawin ni Marian Rivera.

“Matagal na nga yun, di ba? Regal and TV5 want to make a movie with me and Marian.

“And I saw Marian, isa siya sa mga talent ng GMA na ipinadala sa New York.

“I bumped into Marian and I said, ‘Uy, magkakatrabaho raw tayo.’

“Tapos, sabi niya, ‘Oo nga, matagal ko nang naririnig ‘yan, pero wala pang nangyayari.’

“Sana mangyari.

"She mentioned nga the other night nga raw na she wants to work with me, sa TV yata, and I’d love to work with her."

Dugtong pa niya, “And I’m not sure kung mangyayari pa.

“Parang TV5 wants to make na makakatrabaho ko naman sina Lovi Poe and Solenn Heusaff, para siyang zombie movie, I don’t know yet.

“Ayoko pang sabihin na gagawin namin.

“Kung matutuloy raw, December maipapalabas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN