Phillip Salvador describes Kris Aquino as "a great mother"; proud of son Joshua

“Hindi kami nagkikita, hindi kami nagkakausap, pero nandoon ang respeto namin sa isa’t isa,” says Phillip Salvador about TV host-actress Kris Aquino, the mother of his son Joshua.


Aminado ang aktor na si Phillip Salvador na simula nang maghiwalay sila ng TV host-actress na si Kris Aquino ay madalang na ang naging komunikasyon nilang dalawa.

Pero nilinaw niya na kahit hindi sila nagkikita at nagkakausap, “Nandoon ang respeto namin sa isa’t isa.”

Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit laging matipid sa pagsagot ang Undercover actor sa tuwing tatanungin siya tungkol kay Kris o di kaya sa anak nilang si Joshua.

Ayon kay Phillip, natutuwa siya sa magandang paraan ng pagpapalaki ni Kris sa kanilang 17-year-old na anak, na kitang-kita ngayon ang malaking pagbabago sa pangangatawan.

(Read: Joshua Aquino learns self-discipline through regular fitness training)

“Tuwang-tuwa ako. I know it’s all because of Kris. Mahusay naman talagang ina si Kris,” sabi ni Phillip sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference na inihanda ng TV5 para sa lead actors ng Undercover noong July 11.

Dagdag niya, “Ako, ang gusto ko lang good health siya at maayos siya.

“Wala akong duda kay Josh at kay Bimby, alam ko, na hindi sila pababayaan [ni Kris].”

Bagamat hindi sila nagkikita ng kanyang anak, hindi nawawala ang pagiging proud ni Phillip para kay Josh.

Kaya naman nang hingan siya ng mensahe para sa kanyang binatang anak, sabi ni Phillip, “Josh, I love him very much. I’m proud of him and I’m so grateful to Kris.

“Josh has a good mother, a great one at that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN