Ai-Ai delas Alas denies violating gag order

Isa raw sa mga na-realize ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang pagbabakasyon sa Amerika ay ang kahalagahan ng kanyang tatlong anak. Saad niya, “Ngayon ko na-realize na ang suwerte ko talaga. Kapag nakikita ko ang mga bata at naiisip ko yung mga nangyari sa akin, nawawala. Kumbaga, napapalitan na tinitingnan ko na lang silang tatlo. Tinititigan ko sila na baka ito yung mission ko talaga—and meron pang darating na iba pang mission.”


Sa pamamagitan ng Skype ay nakausap ng The Buzz si Ai-Ai delas Alas noong Linggo, July 14.

Kasalukuyang nasa Amerika si Ai-Ai, kunsaan nagbabakasyon ito kasama ang tatlong anak na sina Sancho, Sophia, at Sean Nicolo.

Umalis si Ai-Ai ng Pilipinas noong June 19, kasama ang panganay na anak na si Sancho. Sa Amerika ay kinatagpo nila ang dalawa pang anak ng komedyana na sina Niccolo at Sophia, na kasalukuyang nag-aaral doon.

Halos araw-araw ay nagpu-post ng pictures o videos sa Instagram account ni Ai-Ai ang mga anak niya, kaya updated pa rin ang karamihan sa ginagawa ng komedyana sa Amerika.

Kung minsan, si Ai-Ai mismo ang nagpu-post ng picture nilang mag-iina at nag-a-update kung nasaan sila o ano ang ginagawa nila.

Ayon kay Ai-Ai, “Masaya kasi, ayun nga, lahat kami, kumpleto rito.

“At saka nagagawa ko yung hindi ko nagawa ng ilang taon din. Kasi, masyadong busy rin ako.

“And wala yung dalawang bata—si Nico at saka si Sophia.”

Kasama rin ni Ai-Ai na naka-Skype sina Sancho at Sophia, kaya nahingan din sila ng pahayag.

Sabi ni Sancho tungkol sa pagsasama nilang apat, “Masaya po. Kasi po, kumpleto po kami ditong magkakapatid.

“Every day, palagi kaming nagkikita.

“Unlike sa Philippines, pagkagising namin, si Mama, nasa work. Yung dalawang kids, nasa school. Ako rin, nasa school before.

“Ngayon, every time na gigising kami, kami-kami yung nagkikita agad. Wala, happy, naka-smile agad.

“Pagkagising, ‘Ma, gusto ko ng breakfast.’

"Sobrang good vibes every day. Palagi lang naka-smile si Mama.

“Palagi naming kasama si Mama kung anumang kalokohan ang maisip namin.”

Dugtong ni Ai-Ai, “Sa mga videos. Di ba, ang hilig nilang mag-video ngayon?”

PRECIOUS MOMENTS. Malaking tulong daw ang naging pagbabakasyon ni Ai-Ai para muli niyang magampanan ang tungkulin niya bilang ina sa kanyang mga anak.

Saad niya, “Alam ninyo, yung inuutusan nila ako na, ‘Ma, gusto ko ng breakfast…’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito yung time na palagi akong nagmu-movies, so palagi akong puyat. Pero na-miss nila yun.

“Siguro, nagluluto lang ako kapag Christmas, once a year, or kapag may importante ang mga bata… birthday nila.

“Pero dito sa bahay, normal. Kasi, naglalaba.

“Sasabihin nila, ‘Ma, pakiplantsa ‘to...’ Naglalaba ako, naglilinis ng bahay.

“So, nakakatuwa. Parang naramdaman ko ulit yung pagiging nanay ko at pagiging ordinary. Hindi artista.

“Masaya kasi nakikita ko ang mga anak ko na parang palaging Pasko, masaya.”

Ipinakita rin ni Ai-Ai ang ilang larawang kuha sa mga bonding nilang mag-iina sa iba’t ibang lugar sa Amerika.

Kuwento pa ni Ai-Ai, “Nag-bowling kaming mga bata. Nag-San Francisco kami, New York…

“Yung dream namin na makapagpa-picture... ‘O,’ sabi namin, ‘alas-tres ha, alas-tres, gigising tayo nang maaga para walang tao, makapagpa-picture tayo do’n sa stairs.’

“Pero hindi namin magawa. Tirik na tirik ang araw noong magpa-picture kaming apat sa stairs!”

REALIZATIONS. Bukod sa pakikipag-bonding sa mga anak, naging daan din daw ang bakasyon na yun para ma-realize ni Ai-Ai ang maraming bagay sa kanyang sarili.

“Na-realize ko na yung lahat ng sumuporta sa akin, nakakatuwa na sinusuportahan pa rin ako ng sambayanang Filipino.

“Kaya na-realize ko rin na yung dating pagtitinginan naming mga bata noong maliliit pa sila, na-realize ko na, ang saya, kasi ang lalaki na nila ngayon.

“Tapos, nakakausap ko na sila, nakaka-bonding ko na sila. Natutulungan na nila ako sa gawaing-bahay.

“Ngayon ko na-realize na ang suwerte ko talaga.

“Kapag nakikita ko ang mga bata at naiisip ko yung mga nangyari sa akin, nawawala.

“Kumbaga, napapalitan na tinitingnan ko na lang silang tatlo.

“Tinititigan ko sila na baka ito yung mission ko talaga—and meron pang darating na iba pang mission.”

Aminado naman si Ai-Ai na ngayon pa lang siya nagsisimulang makabangon at mabuo ang kanyang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Nagpi-pray ako na yung healing process…

“Yung pain naman, wala namang shortcut ‘yan.

“Yung pain is a process. Lahat ‘yan, pagdadaanan mo.

“Alam ko na nandiyan palagi ang Panginoon at si Mama Mary to guide me.”



CONTEMPT OF COURT. Noong July 11, Huwebes, ay nag-file ng petition ang kampo ng estranged husband ni Ai-Ai na si Jed Salang para i-cite for contempt ang komedyana. Ito ay dahil sa paglabag diumano ni Ai-Ai ng gag order sa kanila.

(Read: Jed Salang wants Ai-Ai delas Alas cited in contempt of court)

Sa gag order, sinabihan sina Ai-Ai at Jed na iwasang pag-usapan ang kasong isinampa (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) ni Ai-Ai laban kay Jed sa media at social networking sites.

Ayon naman kay Ai-Ai, “Sabi naman ni Attorney [June Ambrosio], walang basis yun.

“Kasi, never naman akong nagsalita about sa case.

“Kahit anong interview ko… siyempre artista ako, ini-interview ako. Sinasagot ko about sa pag-alis namin.

“Pero about the case, wala akong sinasabi.

“Kahit ulit-ulitin nila sa The Buzz, palagi kong sinasabi, ‘no comment.’"

Baka yung sinasabi nila yung YES! and sa ano… one month prior to gag order nila, tapos na ang interview. Bahala na si Attorney dun.”

AI-AI’S RETURN. Sa kabila ng lahat, mas gusto raw ni Ai-Ai na i-enjoy na lamang ang kanyang bakasyon kasama ang mga anak niya.

Sa July 22 nakatakdang bumalik sa Pilipinas si Ai-Ai.

Ayon kay Ai-Ai, “Nami-miss ko na ang Pilipinas. Nami-miss ko na kayo.

“Konti na lang, nandiyan na ako ulit.

“Salamat sa lahat ng prayers ninyo. Salamat sa lahat ng suporta ninyo.

“At sana po, lahat tayo ay maging masaya na pagbalik ko.

“And, happy-happy.”

Bukod sa kanyang mga tagahanga, malaki raw ang pasasalamat ni Ai-Ai sa kanyang mga anak.

Sabi nito, “Yung mga anak ko, nakapagpadali ng healing process ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ever since naman, sila ang mundo ko, and I’m so thankful naging mababait sila.

“And full support and love ang ibinibigay nila simula noon hanggang ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN