Malacañang ignores Senator Bong Revilla’s accusation against the administration

Ayon kay presidential spokesperson Abigail Valte, mas mayroon pang karapat-dapat na pagtuunan ng pansin kaysa sa alegasyon ni Senator Bong Revilla (nasa larawan) na ang pork-barrel scam ay "engineered" ng administrasyon.


Hindi raw pag-aaksayahan ng panahon ng Malacañang ang akusasyon ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na ang administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang may kinalaman sa pagdidiin sa opposition lawmakers, kabilang na si Revilla, sa P10-billion pork-barrel scam, ayon sa report ng GMA News Online.

"Marami pong problemang hinaharap ang pamahalaan at marami tayong sinusuong at pinagtutuunan ng pansin... Because of the focus on those problems, hindi na din po kami nag-aatas pa or nagbibigay pa ng panahon para doon sa mga ganitong bagay," ani Valte sa isang press briefing.

Sinabi ni Revilla noong Lunes, July 15, na ang scam ay “engineered by the administration.”

Ayon sa report na nailathala sa Philippine Daily Inquirer, ang sinasabing scam ay kinabibilangan diumano ng actor-politician at apat pang senador at 23 kongresista na diumano’y naglaan ng kanilang pondong galing sa “pork barrel” sa ghost projects ng bogus non-government organizations na umabot ng P10 bilyon.

Sinabi pa ni Senator Bong—na posibleng tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2016 elections—na ang mga hindi kaalyado ng administrasyon ang mga nadadawit sa kontrobersiya.

(Read: Senator Bong Revilla denies involvement in pork-barrel scam; claims allegation "engineered by the administration")

Samantala, hinamon naman ni Valte ang senador na pangalanan ang tao mula sa Malacañang na diumano’y nagbigay ng babala sa kanya hinggil sa diumano’y "demolition job."

"I understand that the senator mentioned that he has a source. We would appreciate it if that information was given to us because, certainly, that is not the case—na sinasabing sa amin po nanggagaling ‘yung sinasabi po niyang demolition job," pahayag ng presidential spokesperson.

THOROUGH INVESTIGATION. Samantala, nais naman daw ni Pangulong Aquino na magsagawa ng masusing imbestigasyon tungkol sa nasabing scam.

Sabi ni Valte, "The President thinks these are very serious allegations. He wants a thorough and impartial investigation on these. Dapat imbestigahan talaga nang mabuti."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Dagdag pa niya, nais umano ni PNoy malaman kung paano nangyari ang supposed scam at kung ano ang mga ebidensiyang nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil dito.


"Ang importante po sa atin ngayon, given the serious allegations that are being leveled, ay huwag po muna tayong mag-speculate at hayaan po natin na lumabas sa imbestigasyon kung ano nga ho ba talaga—what actually transpired behind the allegations that are being thrown out," ani Valte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN