Jolo Revilla on Jodi Sta. Maria: “Wala pa naman akong inaamin, basta lahat ng hahapin mo sa isang babae, nasa kanya.”

Bagamat hindi pa direktang inaamin nina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria ang totoong estado ng kanilang relasyon, halata naman sa kanilang mga kilos na may namamagitan na nga sa kanila. Sabi ni Jodi, “Kaming mga artista naman, ang buhay naman namin open book, pero sa ngayon masaya kami kung anuman ang mayroon kami.”


Paunti-unti na talagang nagiging bukas sa publiko sina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria tungkol sa kanilang relasyon.

Sa opening ng bagong business ni Jodi Sta. Maria na Happy Barn Milkshake sa Rustan’s Daanghari, Las Piñas noong Linggo, July 14, dumating si Jolo para bigyan ng suporta ang girlfriend.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa bagong halal na vice governor ng Cavite, sinabi nito na isa siya sa unang sinabihan ni Jodi tungkol sa binuksang negosyo.

Ani Jolo, “Siyempre, sa totoo lang, alam naman natin na hindi habang-buhay nandiyan ang show business.

"So, sa tingin ko, this is the right time.

“Actually, matagal na niyang pinaghahandaan ‘yan, e, siyempre nagtatanung-tanong.

“Kaya naman ako nandito para magpakita ng suporta sa kanya.”



SECOND LADY OF CAVITE? Sa nakarang oath taking ni Jolo bilang bagong halal na vice governor ng Cavite, naroon naman si Jodi na nagkumpirma sa totoong estado nilang dalawa.

Saad ni Jolo, “Siyempre nagpapasalamat ako sa kanya sa walang sawang pagsuporta niya sa amin, sa lahat ng bagay sinusuportahan niya ako.

“Actually, noong campaign, may nakakita na rin na mga media, pero yun [oath taking] ang magkasama na talaga kami.

“Wala naman kaming itinatago, yun lang ang time na dapat lang naman na siguro sumama siya sa akin.

“Kaming mga artista naman, ang buhay naman namin open book, pero sa ngayon, masaya kami kung anuman ang mayroon kami.”



INSPIRATION. Para kay Jolo, napakaespesyal na babae para sa kanya si Jodi.

Lahat daw ng katangian ng magugustuhan ng kahit na sinong lalaki ay nasa aktres na.

“Siguro, higit sa lahat, lahat naman ng tao may karapatan na ma-in love, magmahal, at maparamdam ng pagmamahal."

Gaano siya napapasaya ni Jodi?

Ani Jolo, “Ako, sa totoo lang, di ko ma-express sa pananalita lamang.

“Basta ang masasabi ko, masaya ako—masayang-masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa naman akong inaamin, basta lahat ng hahanapin mo sa isang babae, nasa kanya.”

May balita rin na inaasikaso na ni Jodi at ng estranged husband nitong si Pampi Lacson ang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal.

Sina Jodi at Pampi ay ikinasal noong March 2005, at naghiwalay noong March 2011.

Ayaw namang magbigay ng komento tungkol dito ni Jolo.

Sabi niya, “I don’t want to meddle on that.

"Siguro sa kanya na lang, siya na lang ang tanungin ninyo.”



HIGH RATINGS. Proud at masaya naman si Jolo sa magandang nangayayari sa pinagbibidahang serye ni Jodi, ang Be Careful With My Heart.

Mataas pa rin ang rating nito pagkatapos ng isang taon.

“Siyempre, tuwang-tuwa ako sa kanya dahil sa ipinapakitang suporta ng lahat ng sambayanang Pilipino.

“Ang Be Careful With My Heart, nakikita naman natin sa ratings.

“Lalo pang painit nang painit yung istorya ni Ser Chief [Richard Yap] and ni Maya [Jodi] at kahit ako nanonood ako,” sabi ni Jolo.

Hindi naman naniniwala si Jolo sa balitang pinagseselosan diumano ng asawa ni Richard Yap si Jodi kaya madalas nakikita ito sa set ng Be Careful With My Heart.

Sabi ng actor-politiciabn, “I think wala naman siguro, kasi magkakakilala kami. Hindi naman lumalabas, pero magkakakilala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN