Angelica Panganiban on settling down: “Hindi naman ‘yon puwedeng maalis sa mga babae, sa akin. I’m sure darating ‘yon.”

Angelica Panganiban on Bangkok trip with boyfriend John Lloyd Cruz and their friends: “Siguro isa ‘yon sa maganda sa relationship namin, hindi kami masyadong self-centered sa isa’t isa. Gusto namin na may kasama kami. Happiness is best when shared.”


Inasahan daw talaga ni Angelica Panganiban ang pagbabakasyon nila ng boyfriend na si John Lloyd Cruz sa Bangkok, Thailand kamakailan.

Dahil naging abala ang Kapamilya actress sa katatapos lamang niyang teleserye na Apoy sa Dagat, naging magandang pagkakataon daw ito para makapagpahinga.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa launch ng bagong product endorsement niya na Polaroid kahapon July 16, bahagyang nagkuwento si Angelica tungkol sa out-of-the-country trip nila ni John Lloyd.

“Kasama lang namin mga friends namin, mga cousins niya.

“Gusto lang talaga namin, lalung-lalo na ako, dahil katatapos lang ng taping namin.

“Talagang nag-look forward ako na makapagpahinga.

“‘Yon naman ang nangyari, tulog lang ako nang tulog.”

Base sa mga larawan na nai-post niya sa kanyang Instagram account, tila na-enjoy naman nang husto ni Angelica ang bakasyon nila ni John Lloyd.

Mas naging masaya pa umano ito dahil sa iba pa nilang kasama.

Ani Angelica, “Siguro isa ‘yon sa maganda sa relationship namin, hindi kami masyadong self-centered sa isa’t isa.

“Gusto namin na may kasama kami.

“Happiness is best when shared.”

Narito ang isa sa mga Instagram post ni Angelica mula sa Bangkok Trip nila ng kanyang boyfriend.

Sa caption, inilagay ni Angelica ang hashtag na ito: “#PerfectSundaySaBangkok2013”

Matatandaan na naging popular ang “Perfect Sunday” ni Angelica noong nagsisimula pa lamang ang relasyon nila ni John Lloyd noong nakaraang taon.

(Read: Angelica Panganiban posts photo of herself with John Lloyd Cruz on Instagram)



ON SETTLING DOWN. Dahil sa magandang pagsasamahan ng magkasintahang Angelica at John Lloyd, naitanong tuloy ng media kung napag-uusapan na nila ang tungkol sa pagpapakasal.

Patawa namang sinagot ni Angelica sa entertainment press, “Bukas. Invited kayo kapag may time.”

Hindi itinanggi ni Angelica na katulad rin siya ng ibang babae na nangangarap maikasal.

Aniya, “Lahat naman ng babae gusto dumating sa panahon na magse-settle down na siya, makasama yung taong mahal niya, bumuo sila ng masayang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ‘yon puwedeng maalis sa mga babae, sa akin. I’m sure darating ‘yon.

“Kaya ka siguro nasa isang relationship at wino-workout ang relationship n’yo dahil doon n’yo gustong mapunta.

“‘Yon naman ang ginagawa namin.”

Pero ayon kay Angelica, hindi pa naman siya nagmamadali na lumagay sa tahimik.

Aniya, “Actually, sa totoong buhay lang, simula noon, ang sabi ko kapag 28 na ako, sana may asawa na ako, ikakasal na ako.

“May two years pa naman ako. Okay pa ako, hindi pa ako kinakabahan.

“Kapag medyo pa-28 na ako, parang wait lang, ha.”

Pagdating sa klase ng kasal, hindi pa rin ito masyadong iniisip ni Angelica.

Aniya, “Siguro regardless kung anong klaseng wedding mayroon kayo, siguro importante yung marriage o pagsasama ninyong dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN