Ervic Vijandre finds working with ex-girlfriend Rich Asuncion "awkward"

Aminado si Ervic Vijandre na asiwa noong umpisa ang pagsasama nilang muli sa trabaho ng kanyang ng ex-girlfriend na si Rich Asuncion. Sabi ni Ervic, “Though medyo awkward nga noong magkatrabaho kami ulit, pero naayos naman namin agad.”


Magkasama sa bagong early primetime series ng GMA-7 na Binoy Henyo ang dating magkarelasyon na sina Ervic Vijandre at Rich Asuncion.

Huli silang nagkatrabaho ay sa telefantasya na Aso Ni San Roque sa Kapuso network din.

Sa press conference ng Binoy Henyo noong Lunes, July 15, inurirat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kung okay ba ang pakikipagtrabaho nila sa isa’t isa pagkatapos ng kanilang breakup.

Sinagot ito ni Rich na “civil” sila sa bawa’t isa, at sinang-ayunan naman ito ni Ervic.

Sabi ng model turned actor, “Okay naman kami ni Rich, tama ang sinabi niya na we’re civil with one another.

“Noong maghiwalay naman kami, it was a mutual decision.

“She was busy with school at ako naman, naging busy sa pagtakbo ko that time as councilor of Taguig City.

“Though medyo awkward nga noong magkatrabaho kami ulit, pero naayos naman namin agad.”



TEASING. Ikinuwento ng model turned actor na nakaramdam din siya ng kaba noong kunan na ang mga eksena nila ni Rich para sa naturang teleserye.

Hindi raw kasi maiwasan na magkaroon ng tuksuhan sa set, lalo na mula sa production staff ng Binoy Henyo.

Sabi ni Ervic, “Yung staff kasi ng Binoy Henyo, same staff sila ng Aso Ni San Roque.

“E, that time, kami pa ni Rich, kaya alam nila yung nangyayari sa amin noon.

“Noong magkasama ulit kami, ayan na yung may mga nanunukso.

“Kasi nga, kumportable naman sila sa amin ni Rich kaya hindi maiwasan na tuksuhin nila kami.

“Sa akin naman kasi, okay lang, nakikisakay ako. Medyo awkward lang kay Rich."

Manliligaw ni Rich si Ervic sa bago nilang teleserye kaya parang hindi kumportable ang aktor.

Sabi niya, “E, si Rich, may pagkapikon pa naman, tapos yung role niya rito, teacher siya na manang at masungit na nililigawan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya all the more na nagkakaroon ng tuksuhan sa set.

“Pero alam ko naman kung paano patawanin si Rich, e.

“Kailangan ko kasi ma-break yung pader sa pagitan namin para maayos ang pagtatrabaho namin, di ba?

“After noong first take namin, biniro ko siya.

“Sabi ko na masyado naman siyang in-character, masungit na nga ang role niya, masungit pa rin siya sa personal.

“Doon siya natawa kaya doon ko naramdaman na okay na kaming dalawa.

“Well, hindi naman maiwasan din na maging ganoon ang situation namin kasi nga, matagal din kaming hindi nagkita at nagkausap.

“Though maayos naman ang paghihiwalay namin, iba pa rin na yung nagkita kayo ulit after so many months.

"Inaamin ko naman na medyo awkward din.

“Pero dahil gusto naming maging professionals at walang maging problema sa set, it’s better na maging magkaibigan kaming dalawa.”



REAL SUITOR. Naka-move on na nga si Ervic mula sa breakup nila ni Rich dahil hindi naman niya tiinatago na masugid siyang nanliligaw ngayon ni Miss Universe-Philippines 2013 na si Ariella “Ara” Arida.

Nakilala ni Ervic si Ara noong magkaroon ng isang mock pageant sa opisina ng manager niyang si Jonas Gaffud, at isa siya sa kinuha para maging judge.

Kuwento niya, “Doon ko unang na-meet si Ara, ipinakilala ako ni Jonas sa kanya.

“Isasali pala siya sa Binibining Pilipinas at sinabi ko na malaki ang chance ni Ara na manalo—yun nga at nanalo nga.

“We’ve been going out for a few months na, pero lately, hindi madalas kasi nga, tutok siya sa training nila for the Miss Universe.

“Sa November na kasi iyong Miss Universe pageant sa Moscow kaya nakiusap siya na mag-concentrate muna siya sa training niya.

“Okay lang naman, kasi may communication pa rin naman kami at naging busy rin nga ako because of Binoy Henyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RIGHT TIMING. Hindi pa nakikilala ni Ervic ang mga magulang ni Ara, pero ang sister daw nito ay naging close na niya.

“Lagi kasing kasama ni Ara ay yung sister niya. Yung parents kasi niya naka-base sa Laguna.

“Gusto ko na nga sila ma-meet pero siyempre, ta-timing-an natin.

“Gusto ko rin na kapag hindi na masyadong busy si Ara, siya na ang magsabi sa akin na ipapakilala niya ako sa family niya.

“Yung sister naman niya, kilala na ako, kaya kahit papaano, maganda na ang mga sinasabi nito sa parents nila tungkol sa akin,” nakangiting sabi ni Ervic.

Willing bang lumipad si Ervic to Moscow para suportahan ang kanyang nililigawan sa paglaban nito sa Miss Universe?

Tugon niya, “Kung wala ba akong trabaho by November, why not?

“Gusto ko siyang suportahan talaga.

“If ever mangyari yun, first time akong makakapanood ng Miss Universe na live.

“At siyempre, dasal ko at ng maraming kababayan natin na she wins the title.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN