Manny Pacquiao will retire if defeated in his bout with Rios — Freddie Roach

Ayon sa boxing coach na si Freddie Roach, paninindigan ni Manny Pacquiao ang kanyang sinabing magreretiro ito kapag natalo sa kanyang susunod na laban dahil may isang salita ang People’s Champ.


Magreretiro na umano si Manny Pacquiao kapag natalo siya sa nakatakdang paghaharap nila ng American boxer na si Brando Rios sa November 24, ayon sa trainer ni Pacman na si Freddie Roach.

Gaganapin ang kanilang laban sa Macau, China.

Sa ulat ng GMA News Online, sinabi ni Roach sa panayam sa kanya ng Yahoo! Sports na napagkasunduan nila ni Pacquiao na magiging deciding factor sa karera ni Pacquiao ang magiging resulta ng laban niya kay Rios.

Dagdag pa ni Roach, si Manny naman daw ay may isang salita at alam niyang paninindigan ng boxing champ ang kanyang sinabi.

"It’s over, 100 percent [if Pacquiao is knocked out by Rios]," ani Roach sa nasabing ulat.

"We have a deal. When I tell him it’s over, he’ll say it’s over and that’s it. He’s pretty loyal with his words and if that happens, it will be the end."

Si Manny ay natalo via knock out sa kanyang huling laban kay Mexican boxer Juan Manuel Marquez noong Disyembre 2012.

Samantala, idinagdag din ni Roach na huwag iisipin ng iba na matatalo si Pacquiao.

"The thing is, people look at the losses and they think the reason is that he’s getting old. That’s not the case, not from what I see.

"Look, we all thought he beat [Timothy] Bradley, so throw that out.

"And in the Marquez fight, I thought he was doing well and was looking like he was going to win by knockout when he made a mistake and ran into a shot.



"That happens. That’s boxing.

"It didn’t happen because his skills aren’t the same as they used to be. It happened because he made a mistake.

"It doesn’t matter what age you are, you can make a mistake."

Idinagdag din ni Roach na napakahalagang laban ito kay Pacman dahil kapag siya raw ay nanalo sa laban nila ni Rios, posibleng magkaroon ng pag-asa na matuloy at magkaharap sina Pacquiao at Floyd Mayweather.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa September 14 naman ay lalabanan ni Mayweather ang undefeated Mexican boxer na si Saul Alvarez sa Las Vegas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN