Jasmine Curtis Smith remains vague on real score with Sam Concepcion

Ngayong nakatapos na siya ng high school, desidido na si Jasmine Curtis Smith na manatili dito sa Pilipinas para sa kanyang college education at showbiz career. Paliwanag niya, “With all the endorsements that I already have and the hype that TV5 [her mother studio] is giving me, parang sayang naman if hahayaan ko na lang siya. The opportunity is there. It’s a blessing. It could easily be given away to someone else. But it’s there, so why let it go? Kunin mo


Sa umpisa ng pagpasok ni Jasmine Curtis Smith sa showbiz ay pabalik-balik lang siya sa Australia at sa Pilipinas.

Now, she decided to stay here for good at dito na rin mag-aral.

Nag-enrol siya sa Ateneo de Manila University ng kursong Communication Arts kung saan first year siya.

Sabi ni Jasmine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I just found more opportunities here for me—to do well in work.

“Kasi nagsimula na akong magtrabaho. Sayang para sa akin if hindi ko siya mabigyan ng atensiyon.

“With all the endorsements that I already have and the hype that TV5 [her mother studio] is giving me, parang sayang naman if hahayaan ko na lang siya.

“The opportunity is there. It’s a blessing.

“It could easily be given away to someone else. But it’s there, so why let it go?

“Kunin mo na, di ba? Blessing ‘yan for you.”

Nakausap ng PEP si Jasmine sa pocket presscon para sa Cinemalaya entry na Transit kahapon, July 16.

Pero diin ng Kapatid young actress, pag-aaral pa rin ang kanyang unang priority.

“Yes! Aside from acting kasi, gusto ko rin sana… advertising.

“Kasi I want a whole different aspect.

“Siyempre, Communication Arts will cover what I learn from the industry. And I think I just want the different aspect.

“Gusto ko, mas office-based and mas parang… iba lang.

“Kasi I love advertising. Whenever I get an endorsement, I’d like to hear about… how they come up with the campaign, why this campaign, or why do you choose me.

“Everything that’s said there is part of planning for advertising tied up for marketing.

“Pero marketing yata, mas may finance something.

“E, hindi naman ako math person. So, advertising ako.”



SAM CONCEPCION. Jasmine looks even prettier nowadays. Dahil ba kay Sam Concepcion na napapabalitang special sa puso niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s a special person to me,” tugon ng young actress.

Sila na nga ba talaga?

“A… he’s special! ‘Yon na lang ang masasabi ko,” iwas ni Jasmine.

“Well, people take it from what they see na lang. I don’t think I have to say anything more.

“’Coz we hang out, people see us naman.

“When there’s time, we hang out. Kasi sobrang busy ko rin sa school at sa work.”

Okey naman sa family nila si Sam?

“Of course.”

Sa ate niyang si Anne Curtis?

“Yeah! You know, Ate is being interviewed about him. And she said na… mabait naman si Sam.”

May nagiging advice ba sa kanya si Anne tungkol sa pakikipagrelasyon o lovelife?

“’Leave room for yourself,’ ‘yon talaga, at saka, ’know your priorities.’”



SEXY ROLES. Nagsimula sa sweet image ang kanyang Ate Anne, hanggang subukan nitong mag-mature as an actress at naging open sa daring scenes at sexy roles.

Jasmine is now 19 years. Magiging open din ba siya sa mga ganung klaseng roles.

Tugon niya, “Maybe…. maybe when I become more mature in my acting skills. At saka sa experiences.”

What about posing for men’s magazines, like FHM?

“Parang… no!” nakangiting sagot ni Jasmine.

“I don’t wanna say never because they say, ’Never say never.’

“But at the same time, at this age, definitely not.

“Uhm… it’s not me. I don’t see me doing it.

“Pero if my image changes in the long run, and it fits, then go ahead.

“But I don’t see myself as sexy as anyone else in the list or the cover as of FHM.

“So, baka… no!” tawa ulit niya.



KAPATID STAR. Si Jasmine ay kasama sa action-serye ng TV5 na Undercover, na pinagbibidahan ni Derek Ramsay.

Wala pa raw siyang alam kung ano ang ibang gagawin niyang projects bilang Kapatid star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magtatapos na ang kanyang kontrata sa TV5 this November, but definitely ay magre-renew raw siya.

Sabi ni Jasmine, “Of course, there’s definitely plans of renewal.

“Pero parang edited na yung contract a little bit so that we can accommodate school a bit more.

“And TV5 is willing to do just that. Naiintindihan naman nila, e. They’re very supportive sa pag-aaral ko.

“Every day kasi ang klase ko, e—7:30 in the morning every day.”

Wala bang offer ang ibang network sa kanya?

“Wala pa pong sinasabi sa akin ang manager ko.

“At pagdating sa mga ganyang bagay, siya na lang ang bahala.

“Kasi mas alam niya what’s best for me,” sabi pa ni Jasmine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN