Rayver Cruz clarifies rumored romances with newbie actress Imee Heart and stylist Liz Uy

Rayver Cruz on falling in love again: "Pag dumating yun, sakto, right timing, hindi ko naman aayawan, di ba? Basta ako, hindi ko hinahanap, hinihintay ko lang kung sinuman. Sa ngayon, hindi ko alam. Mahirap magsalita nang tapos. Sasabihin mo, hindi ka pa ready, pero pag may biglang dumating at tinamaan ka, yun na yun. Mahirap takbuhan ang pag-ibig."


Nilinaw ng young actor na si Rayver Cruz ang pagkakaugnay niya sa showbiz newbie at Binibing Pilipinas 2013 semi-finalist na si Imee Heart (Imelda Schweighart sa tunay na buhay).

Nitong mga nakaraang linggo ay kumalat sa social networking sites ang larawan nina Rayver at Imee, na tila sweet sa isa’t.

Dahil dito, gumawa ng konklusyon ang ilan na si Imee na raw ang bagong girlfriend ni Rayver matapos ang breakup nito sa sexy actress na si Cristine Reyes.

(Read: Rayver Cruz dating Binibining Pilipinas 2013 candidate, says source)

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) at Cinema News kay Rayver noong Linggo, July 14, sa ASAP 18, ay tinanong namin siya kung tooo bang may namamagitan sa kanila ni Imee.

Sagot ng Star Magic talent, “Sanay na ako kasi siyempre pag may lumabas na pictures na ganyan, sasabihin agad girlfriend.

“Pero hindi, we’re just hanging out, we’re friends.

“Nakilala ko siya through Diane.

“Siyempre, makikita nila medyo sweet yung picture.”

Si “Diane” ay si Diane Medina, girlfriend ng kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz.

Ayon pa kay Rayver, masyado lang siyang malambing sa mga kaibigan niyang babae na minsan talaga ay mabibigyang kulay ng ibang makakakita.

“Malambing kasi ako sa mga friends ko…

“Kung kay Maja [Salvador] nga malambing ako, kay Shaina [Magdayao]... kaya kong yakapin ang lahat.

“Sobrang dami kong kaibigan na babae.

“Hindi ko naman tatakbuhan sa inyo kung may something, kung may nililigawan ako, pero sa ngayon talaga, hang out lang.”

Ngunit aminado naman si Rayver na nagagandahan siya kay Imee.

“Nagagandahan ako sa kanya, she’s really beautiful.

“Kahit naman sinong makakita ng litrato niya, sasabihing maganda siya. Beauty queen talaga.

“Sobrang bait niya, sobrang sweet, ang sarap niyang kausap sa edad niya… I think she’s 20 yata."

Pero diin ni Rayver, “Hang out lang talaga, magkaibigan lang kami ni Imee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaklaruhin ko ‘yan kasi kawawa naman, nadadamay na naman, nali-link na naman sa akin, sasabihin bagong girlfriend ko.”



LIZ UY. Bukod kay Imee, nali-link din ngayon si Rayver sa celebrity stylist na si Liz Uy.

Marami nga raw nakapansin sa sobrang closeness at sweetness nila sa nakaraang birthday celebration ng ABS-CBN executive na si Biboy Arboleda.

Pero ayon kay Rayver, pinagtawanan lang nila ni Liz ang isyu sa kanila.

“Yun nga, si Ate Liz nadadamay.

“Matagal ko nang kaibigan yun, dati pa. Kasi nga, malambing talaga ako sa mga friends ko.

“Si Ate Liz, tawa nang tawa, tumawag sa akin, ‘Little bro, pati ako nadadamay.’

“Sabi ko, huwag na lang niyang pansinin.

“Matagal ko kasi siyang hindi nakita, na-miss ko siya.”



THE DOOR IS OPEN. Bukas na ba ang puso ni Rayver sa tawag ng pag-ibig o iwas muna siya pagdating dito, lalo’t balita na ininda raw niya nang husto ang breakup nila ni Cristine Reyes?

Sagot niya, “Sa lahat naman, hindi ako nagko-close ng door.

“Pag dumating yun, sakto, right timing, hindi ko naman aayawan, di ba?

“Basta ako, hindi ko hinahanap, hinihintay ko lang kung sinuman.

“Sa ngayon, hindi ko alam. Mahirap magsalita nang tapos.

“Sasabihin mo, hindi ka pa ready, pero pag may biglang dumating at tinamaan ka, yun na yun. Mahirap takbuhan ang pag-ibig.

“Pero sa ngayon, I’m just happy na maganda ang takbo ng show and tuluy-tuloy ang projects na ginagawa ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN