BB Gandanghari reveals crushes on Dennis Trillo and Paolo Roldan

Pinabulaanan ni BB Gandanghari ang mga tsismis noong si Rustom Padilla, gaya ng sumali raw siya noon sa isang gay beauty pageant at may boyfriend daw siyang flight attendant.


Matapos ang bagyong dumaan sa buhay ni BB Gandanghari, na may kinalaman sa kanyang kalusugan, ay nagiging maaliwas na muli ang tingin niya sa hinaharap.

Ngayon ay nakapagbibiro na siya ulit at puwede na rin siyang biruin tungkol sa kung anu-ano sa buhay niya.

Tulad nang kantiyawan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, July 14, tungkol sa kanyang lovelife—na hanggang ngayon ay nananatiling misteryoso.

Maging ang tungkol sa kanyang sex life ay nagagawa na niyang katatawanan.

Natatawang sabi ni BB tungkol sa kanyang sex life at lovelife: “Wala nga. Wala nga, e!

“Kaya nga unfair sa akin na itsismis ako na may AIDS dahil wala talaga ako... hindi ako promiscuous.

“Ako yung tipong I go for a relationship.

"Minsan, sumasama ako sa friends ko, pero ganun-ganun lang.

“Hindi naman siguro ako natsitsismis na kung saan-saan pumupunta.”

SINGLE FOR FIFTEEN YEARS. Hindi ba siya bored sa kanyang buhay na nag-iisa?

Sagot ni BB, “Medyo. Yun na nga, medyo lonely na rin.

“Sabi ko nga sa Mama ko [Eva Cariño-Padilla] na medyo lonely na ako. Kasi sabi ko, I’ve been single for fifteen years.

“Fifteen years is long enough, di ba?"

Bakit naman pinaabot niya ng ganoon katagal?

Sagot niya, “Alalahanin n’yo na si BB ay napakabata pa.

"Kailan lang naman ba lumantad si BB? Four years ago.

“So, ngayon pa lang ako nag-e-explore. Kinikilala ko pa rin lang ang sarili ko kaya hindi pa ako nakikipag-date.

“Ninerbiyos ako, hindi ko alam kung paano ako makikipag-relate.

“Pero sa ngayon, sa tingin ko, since nangyari na yung sa pamilya at nagkakasundo na kami, baka sunud-sunurin ko na ang pakikipag-boyfriend. Chos!”

Biro naman namin sa kanya, puwede na palang i-advertise na: "BB looking for a boyfriend or date."

Ano ang qualifications?

Buweltang biro niya, “Somebody who can take me to paradise. Chos!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba, when you are in paradise, you will feel relaxed—parang okay na, everything is fine.

“May problema tapos kaya n’yo nang i-solve na dalawa. That’s paradise for me.

"May problema, pero may katuwang ka sa pag-solve ng problema, di ba?”

MY HUSBAND’S LOVER. Hindi rin naiwasang itanong ng PEP kay BB ang take niya sa popular primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover, na tumatalakay sa pagmamahalan ng dalawang lalaki.

Saad ni BB, “Alam mo, that is a well-crafted show. Very well-directed, very well-written and very well-acted.

“Ang ganda! And it’s makatotohanan.

"At ang mga linya, a... may mga line na nakaka-relate ako.

“Ang sabi nga, that is art imitating life.”

Pero negative ang dating ng programa sa ilang religious groups.

Reaksiyon ni BB dito, “But, yun ang totoo. Ano ang gusto nila, yung istorya ng mga pari na may mga kuladidang? Chos. Ha-ha-ha!

“Not for anything, di ba, ’yan ang iskandalo ng Catholicism? I think diyan nag-apologize si Pope Benedict.

“So, it’s a fact.

“At hetong TV show na ito, hindi naman ito ginawa para… it’s vey timely, na-educate ang mga tao na it’s really happening.

“Pero, in the end, hindi pa rin talaga siya gano’n ka-accepted. May kanya-kanya pa ring hypocrisy.”

Dagdag ni BB, “Ang pagiging gay kasi ay isang orientation.

"Sabi nila, it’s a preference. It’s not. It’s an orientation.

“Now when you’re gay, you have your preferences—either you become a straight-acting gay man or you’re a queer or tansgender or transsexual or may totoong bisexuas who go both ways.

“So, kanya-kanya.

“But I think yung dalawang characters [Vincent and Eric], they are straight-acting gay men.”

Naalala namin yung tsismis kay BB noong siya ay si Rustom Padilla pa, na sumali raw siya sa isang gay beauty pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diretsahang sabi ni BB, “Wala, wala. Hindi talaga yun totoo.

"E, di sana ay may korona na ako ngayon, di ba?

“Kung in-explore ko pala ito no’n, e, di sana ay dami ko nang korona at titulo.”

Kahit yung tsismis kay Rustom noon na may boyfriend na flight steward ay hindi rin daw totoo.

“Wala, wala talaga,” pagdidiin niya.

“Kahit si Ricky [Lo, columnist ng Philippine Star], tinatanong niya sa akin na magkasama raw si Rustom at Carmina [Villarroel, dati niyang asawa] sa party, tapos may lalaki raw ako.

"Hindi totoo yun.

“Wala, wala talaga.

“Rustom is dead, ‘wag n’yo nang buhayin!” natatawang pakiusap niya.

BB’S TYPE OF MEN. Pagkatapos nito ay napunta na ang usapan namin tungkol sa mga male crush niya, bukod sa sinabi niya noong si Paulo Avelino.

“Si Dennis Trillo, crush ko siya,” pag-amin ni BB.

Si Coco Martin?

“Hindi, hindi e,” sagot niya.

Dingdong Dantes?

“Hindi rin.”

Tom Rodriguez?

“Hindi.”

Pagkatapos ay sinabi niyang, “Sino pa ba? Dennis Trillo… ang gusto ko kasi ay athletic type. Ayoko yung sobrang laki ng katawan.

“Usually gusto ko ay mga basketball players, yung mga taga-NBA. Ha-ha-ha!

“Lumi-level up kay Brad Pitt.

"At saka, si Paolo Roldan.

“Siya yung nasa New York ako, siya yung Pilipino na… tapos lumabas siya sa French Vogue na naka-nude, God!

"Type na type ko na siya noon pa.

“Hindi siya gaano kaguwapo, actually. Basta, siya,” pagtukoy ni BB sa Filipino-Canadian supermodel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN