Rich Asuncion denies rumor linking her to a politician

Inamin ni Rich Asuncion na nagulat siya nang malaman niyang may bago nang nililigawan ang ex-boyfriend niyang si Ervic Vijandre isang buwan pagkatapos nilang mag-break. Sabi ng Kapuso talent, “Actually, ang ikinakagulo ko lang, sa isip ko, ’Bakit pa nakipagkita? Na may nililigawan naman na pala?’"


Pagkatapos na mag-on-the-job training (OJT) ni Rich Asuncion sa Bohol para sa kursong Tourism sa University of the Philippines, balik-showbiz na muli ang StarStruck alumna.

Siya ang gumaganap na teacher ng bagong child actor na si David Remo sa Binoy Henyo, ang bagong pre-primetime series ng GMA-7.

Muli ring makakatrabaho ni Rich dito ang ex-boyfriend niyang si Ervic Vijandre.

At ang “irony,” pagkatapos nilang mag-break sa totoong buhay, manliligaw ni Rich ang role ni Ervic sa kanilang teleserye.

Kumusta naman?

Sagot ni Rich, “Okay naman, wala namang problema.

“Pero siyempre, somehow, ako na ang nagse-set ng barrier dahil may pinagsamahan kami.

“At saka, ngayong meron siyang bago, ayoko nang makasira.”

Ang tinutukoy ni Rich ay ang bagong nililigawan ni Ervic na si Ariella Arida, reigning Miss Universe-Philippines.



SURPRISED. Nasaktan ba si Rich nang mabalitaan niyang may bago nang girlfriend si Ervic?

Tugon niya, “Hindi naman nasaktan, siguro nagulat lang ako.

“Kasi, parang kakakita ko lang sa kanya, biglang meron na.”

Naghiwalay sila ni Ervic noong February at pagkatapos nito ay nag-OJT na si Rich sa Bohol.

Si Ervic naman ay naging busy sa pangangampanya sa pagtakbo niya bilang councilor sa Taguig City.

Pagkatapos ng eleksiyon, nagkita pa raw sila ni Ervic sa Bohol at nang bumalik si Rich ng Manila.

Ayon kay Ervic, March na nang simulan nitong ligawan si Ariella.

Sabi naman ni Rich, “Valid naman yun, kasi naghiwalay naman kami ng February.

“Actually, ang ikinakagulo ko lang, sa isip ko, ’Bakit pa nakipagkita? Na may nililigawan naman na pala?’

“Parang ganoon lang naman ang naiisip ko, parang hindi naman niya nakuwento sa akin that time noong nagkita kami.

“Although, hindi rin naman namin napag-usapan yung sa amin.”

Sa Twitter, Instagram, at sa interview ni Ervic na lumabas dito sa PEP daw nalaman ni Rich na may iba na itong nililigawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Doon ko unang nakita, tapos tinext ko siya.

“Inamin naman niya na may nililigawan nga raw siya.”

Ano ang naramdaman niya?

“Nagulat nga,” tugon niya.

“Siguro, gulat lang talaga kasi medyo matagal na rin naman ang Feb.”



PROFESSIONAL. Ngayong magkasama sila sa Binoy Henyo, nagkakausap naman sila?

“Batian lang,” pag-amin ni Rich.

“Kasi dito naman sa trabaho, pagdating ko, kapag nasa tent, ayoko nang makipag-chummy-chummy.

“Alam n’yo naman na yun, pero kapag eksena, blocking… yun.

“Kung sa trabaho lang talaga, nakikipag-usap. Pero kapag off-screen, I’d rather not na.”



GETTING EVEN? Nilinaw na rin ng PEP kay Rich ang isyu na kung si Ervic ay meron nang nililigawan o girlfriend, siya naman ay may bago na ring boyfriend na isang pulitiko sa isang bayan sa Ilocos.

“Wala namang ganoon, hindi naman totoo yun,” mabilis na pagtanggi ni Rich.

“Kasi po, nag-show ako sa Ilocos, ang dami kong na-meet na pulitiko.

“Basta, hindi totoo yun!

“At saka, bakit naman ako pupunta ng Ilocos para mamasyal lang, e, ilang beses ko na nakapunta doon?

“Basta, hindi totoo yun. Siguro may gumagawa lang ng isyu sa akin.”



“ORDINARY” CITIZEN. Minsan lang ang natatandaan niyang pagkakataon na nagkaroon siya ng admirer na pulitiko.

Ayon kay Rich, “Ito yung nag-iwan ng kotse sa bahay, bago pa lang akong nag-aartista noon.

“Pero ngayon, hindi talaga totoo, at saka ayoko ng pulitiko—hindi ko rin alam.

“Siguro as much as possible, pero feeling ko lang, mas magulo ang pulitiko kesa sa showbiz.

“At saka, feeling ko, ayoko na rin ng showbiz—ordinaryong citizen na lang!” tawa niya.

Loveless ba siya ngayon?

Pag-amin ni Rich, “Loveless, pero may nakaka-text naman.

“Siguro dalawa sila, pero siyempre wala pang kasiguraduhan, ang hirap magsalita.

“Malay naman natin, baka gusto niya lang akong ka-text or marami lang siyang load.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ‘eto yung mga friends ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN